Chapter 1

2.9K 93 7
                                    

Brianne Hill.

Nakasalampak lang ako sa kama ko ng bigla itong bumukas at pumasok ang nag uusok na ilong na si Danna.

Kasunod nito si Martin Jasmine at ang pinsan kong si Raph.

Gabi na at mahigit isang linggo ko silang hindi kinakausap at hinaharap.

Ayoko silang makaharap at makausap kung hindi nila sasabihin sa akin kung bakit niya ako iniwan.

"Brianne! Ano ba ganyan ka nalang?!" Sigaw ni Danna pero hindi ko siya pinansin.

"Putangina naman Brianne! Malapit na ang fashion show pero ikaw ano?! Nandito ka lang at nakahilata?! Brianne naman! Wake up please dahil napapabayaan mo na ang botique natin!" Hindi ko pinakinggan ang sinisigaw ni Danna, gusto ko lang mag pahinga.

"Just go away! I don't need you here." Sabi ko at siniksik ang muka ko sa unan ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Brianne!" Narinig ko nalang ang pag hikbi ng kaibigan ko at ang pagkalabog ng pinto ko.

"Mahal…" Narinig ko pang tawag sa kanya ni Martin.

Napapikit ako para pigilan ang pag babadyang tumulo ng luha ko.

"Brianne naman, nasasaktan na ang bestfriend mo sa ginagawa mo." Narinig kong sabi ni Jasmine kaya bumangon ako.

"Nasasaktan?! Ako ba hindi nasasaktan ha?! Tangina nasasaktan rin ako, tatlong taon na akong nasasaktan!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayon na nga eh! Kung nasasaktan ka kasalanan mo iyan! Kung iniwan ka niya kasalanan mo iyon! Kaya huwag mong idamay ang mga taong nasa paligid mo!" Sigaw rin nito sa akin, nakita kong hinawakan ni Raph ang bewang nito. Napa irap nalang ako.

"Ako pa ang may kasalanan?! Ako na nga itong iniwan ng walang dahilan ako pa may kasalanan?! Bakit ba ako nalang lagi sinisisi niyo ha?! Kapag nagtatanong naman ako sa inyo kung bakit ba siya umalis, titigan niyo lang ako at hindi mag sasalita!" Tuluyan na akong napaiyak.

"A-ang sakit sakit kasi hindi ko naman alam kung bakit siya umalis! Pinag mumuka niyo lang akong tanga dito! Bakit ba ayaw niyo sabihin ha?! Tatlong taon na pero bakit ayaw niyo parin sabihin?!" Nagulat ako ng sinampal ako ni Jasmine.

"Huwag kang umasta na parang ikaw ang mas nasasaktan Brianne! Hindi mo alam ang pinagdaanan ni Scott sayo!" Sabi nito at umalis na. Walang emosyon akong tiningnan ni Raph.

"Don't act like you don't know anything Bri, ikaw ang may kasalanan kaya ka nasasaktan ng ganyan. Ikaw." Mariin na sabi nito, pero naguguluhan ko itong tiningnan.

"Shit! Talagang mag mamaangmaangan ka pa? Kung hindi mo maalala ang nagawa mo kay Jayce sige Brianne sasabihin ko na sayo kung bakit ka niya iniwan." Ngumisi ito sa akin.

"You fucking cheated on him Brianne! You cheated on him! You fucking destroy him Brianne kaya huwag kang umasta na hindi mo alam ang pinagagagawa mo!" Naguguluhan ko itong tiningnan. Hindi ko maintindihan.

"I never cheated on him! Mahal na mahal ko si Scott, Raph hindi ko magagawa ang bagay na iyan!" Maluha luha kong pag papaliwanag. Hindi ako nito pinansin, at may kung anong kinalkal sa cellphone niya at hinagis sa kama ko.

"Kung hindi, sino iyan Brianne?" Maluha luhang tiningnan ko ito at nakita ko ang sarili ko at si Henry na nag hahalikan. Naalala ko ang araw na ito ang kaya kong ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari diyan.

"Oo ako ito, He kissed me and I never kissed him back! I pushed him away Raph magtiwala kayo s-sakin, I never cheated on him." Malakas na akong napahagulgol, dahil lang ba doon kaya niya ako iniwan?

Iyak lang ako ng iyak at naramdaman ko nalang na niyakap ako ng pinsan ko.

"Shh tahan na, I'm sorry cous."

"D-dahil lang ba doon kaya niya ako iniwan?" Umiiyak na tanong ko sa kanya pero umiling ito.

"Hindi lang dahil doon Brianne, nakita ka niya sa isang hotel kasama si Henry nag hahalikan daw kayo papasok sa loob ng hotel room. Brianne hindi mo alam kung paano umiyak sa harap namin si Scott nasaktan siya pero hindi pinaniwalaan ang mga nakita niya doon, pero nung dumating yung anniversary niyo, he was planning to suprised you that night but…" Kinakabahan man pinilit kong pakinggan ang susunod niyang sasabihin.

"He went to your condo, and he saw you with your bastard ex Henry doing something… Hindi niya sinabi ang nakita niya pero alam kong hindi maganda iyon dahil miserable at galit na galit ang itsura niya non." Naguguluhan man pinilit kong pinunasan ang luha ko.

"Naalala ko iyon, paalis na dapat ako para puntahan si Scott pero dumating si Henry, t-tapos may binigay siya sa aking na cake, Peace offering daw sa ginawa niyang paghalik sa akin ng dalawang beses, hindi ko tinanggap iyon nung una pero sabi niya hindi daw siya aalis at titigil kapag hindi ko iyon tinanggap at tinikman tapos ayon nga tumikim ako at pag gising ko wala na akong maalala…" Nagkatinginan kami ni Raph at napamura ito.

"Fuck! Brianne hindi kaya…" Kinakabahan man pinilit ko paring mag pakatatag.

"I need to talk to him, at kapag nalaman laman ko lang na may ginawa siya. Hinding hindi ko siya mapapatawad!" Galit na galit na sabi ko habang nakatingin sa picture namin ni Scott.

Papatunayan kong wala akong kasalanan baby ko… Papatunayan ko. Pangako.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now