Chapter 2

3.2K 94 12
                                    

Brianne Hill.

Tulala akong nag lalakad, naisip kong lumabas at magpahangin. Dinala ako ng paa ko sa isang park kung saan malapit ang dating school namin.

Umupo ako sa isang swing at hindi ko maiwasang mapangiti, dito niya ako dinadala dati dito kami nag de-date at kumakain ng street food.

"I miss being with you baby…" Bulong ko sa kawalan at ginalaw nalang ang swing at tumingin sa paligid ko.

Masasayang bata, pamilya at couple ang mga nandito. Feeling ko nga ako lang ang malungkot dito eh.

Napabuntong hininga nalang ako, miss na miss na kita Scott kailan ba ulit kita makikita?

Napatigil ako sa pag iisip ng tumunong ang cellphone ko.

"Nasaan ka?" Tanong ni Danna pag kasagot na pagkasagot ko ng tawag niya.

"Lumabas lang ako saglit at pauwi na." Simpleng sabi ko at yumuko.

"Okay, Nakausap mo naba si Henry?" Nag aalalang tanong nito.

"Hindi pa, hindi ko siya ma-contact." Nag padala narin ako ng mensahe sa kanya pero wala parin. Matagal tagal narin kasi kaming hindi nag kikita at nag uusap kaya wala na akong balita sa kanya.

"Alright, mag text ka kapag nakauwi ka na ah, bye." Hindi na ako sumagot at pinatay nalang ang tawag.

Alam kong malaki ang tampo sakin ng mga kaibigan ko lalo na si Danna.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at iniisip kung saan ko hahanapin si Henry, kailangan ko malaman ang lahat.

"Ano ba? Sinabi ng busy ako ngayon pwede ba mamaya ka nalang tumawag!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa kausap niya ata sa cellphone.

Napailing nalang ako, busy pero nandito at nakaupo lang.

Naalala ko tuloy siya, kung paano ako naging busy at nawalan ng oras sa kanya.

Napapikit nalang ako at sinimulang alalahanin ang lahat.

Nandito parin ako sa company ni Mommy, hating gabi na pero nandito parin ako dahil tinambakan nanaman ako ng trabaho.

Napainat nalang ako at napahilot sa sentido ko, miss na miss ko na Scott mahigit isang linggo narin kaming hindi nagkikita.

"Brianne, yung 100 design na pinapapasa sayo ni Ma'am? Nagawa mo naba?" Tanong ng secretary ni Mommy.

Tiningnan ko siya at umiling, hindi ko na kayang mag isip pa ng ibang design dahil pagod na pagod na ako at wala pa akong tulog.

"Pwede bang mag pahinga muna? Hindi ko magagawa ng ganon kadali ang 100 design na hinihingi niyo." Naiinis na wika ko, totoo naman eh mahirap gawin iyon tapos kailangan na kinabukasan?

Napailing nalang ako, napapansin ko lang kasi na kada matatapos ako sa isang gawain meron nanamang kapalit at hanggang sa matambakan na ako.

Tinatambakan nila ako ng gawain kaya nawawalan ako ng oras sa mahal ko.

Kapag nag tetext siya minsan lang ako makapag reply. Namimiss ko na siya.

Lumipas ulit ang dalawang araw hindi ko nanaman siya nakikita.

Palala ng palala ang trabaho ko dito, kaya minsan napapaiyak nalang ako.

Tapos isang araw hindi ko kinaya ang sama ng loob ko dahil napagalitan ako ni mommy.

Nagpunta ako sa bar at hinayaan uminom at makalimot ang sarili ko.

Maya maya lang may tumabi sa akin at nagulat ako ng makilala kung sino ito.

Courting Ms PlaygirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora