Chapter 14

3.2K 121 35
                                    

Brianne Hill.

Hindi ako makatulog, kahit anong gawin kong pag-pikit ng mata hindi ako dinadalaw ng antok.

Two weeks had passed but I still remember everything. The way he looked at me, the way he shouted at me and the way he broke me…

Tumayo ako at pumunta sa harap ng salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Napakalungkot ng mga mata kong maga sa pag iyak, namumula ang ilong at pisngi. Isang mahinang babae ang kaharap ko ngayon isang babaeng napakahina.

Umiling ako habang nangingilid ang luha sa mga mata ko.

No Brianne. Just fucking stop! He doesn't deserve your tears. This is not you anymore. This is not you.

Right. This is not the real me, hindi ako ito.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at agad na pumunta ng banyo upang maligo.

Natapos ako at agad pumunta sa tabi ng kama ko upang yumuko. Kinuha ko ang lumang maleta ko na naglalaman ng mga damit ko dati.

Binuksan ko ito at napangisi ng makita ang mga damit na ginagamit ko dati. Hinalungkat ko ito at agad kong nakuha ang itim na fitted dress. Sleeveless ito at 5 Inches above the knee.

Sinuot ko ito at lalong napangisi ng makitang hapit na hapit ito sa akin.

"The dress that hugs my curves." Umikot ako sa harap ng malaking salamin sa walk in closet ko at pinagmasdan ang kabuuan ko.

Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang mga make up ko.

Lumabas ako at umupo sa tapat ng salamin dito sa bedside table ko.

Naglagay ako ng make up na babagay sa akin. Namili ako ng lipstick at ang dark maroon revlon ang napili ko.

Inilapit ko ito sa labi ko at nilagyan ng kulay. Ngumuso ako mas lalong lumaki ang ngisi.

Dark eyeshadow, dark lipstick, dark dress and gorgeous Brianne.

Tumayo ako at sinuot ang 5 Inches black wedge heels ko.

Check.

Humarap ulit ako ng salamin ngumuso.

"Now this is the real me." Kinuha ko ang pouch ko at binuksan ang pinto ng condo ko pero sa pag bukas ko nito siya ring pag bukas ng pinto ng kaharap kong unit.

Tiningnan niya ang kabuuan ko at napa-igting bagang.

So nakabalik na pala siya dito? Hindi ko na siya pinansin at nag simula ng maglakad palayo sa kanya.

Ang mga taong tumutulak sayo palayo. Dapat pala talagang layuan para sa ikabubuti ng ating nararamdaman.

Sumakay ako sa kotse ko at pumuta sa dating bar na pinupuntahan ko.

Pumasok ako at agad akong sinalubong ng napakalakas ng beat ng tugtog.

Lumapit ako sa bar counter at umupo, bago nag order ng isang napakatapang na alak.

I want to forget. I want to forget him.

Uminom lang ako ng uminom hanggang sa nakaramdan na ako ng hilo.

Tumayo ako upang pumunta ng dance floor dahil inaakit ako ng kantang don't let me down.

Habang lumalakad papuntang dance floor hindi ko maiwasang mapaindak.

"Don't let me down!" Sumasabay na ako sa kanta at nag simula ng gumiling sa gitna.

Damn it feels good.

"Hi…" May lumapit sa akin at pag tingin ko napakagwapo nito at hanggang dibdib lang ako.

Umindak ako sa harapan niya at hinapit naman niya ako sa bewang. Parehas kaming nilalamon ng kanta at halos mawalan na ng pake sa mga tao.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now