Chapter 19

3.8K 120 24
                                    

Brianne Hill.

"R-rest room lang po ako." Hindi pa sila nakakapagsalita ay tumayo na agad ako.

Hindi ko alam kung saan ang rest room nila kaya napadpad ako sa malawak na garden at dito nilabas ang mga luha ko.

Damn him! Paano niya nakukuhang ngumiti ng ganon? Paano niya nakukuhang maging masaya kung may tao siyang sinira? Ang kapal niya!

"Brianne…" Nanigas ako sa gulat at galit. Wala siyang karapatang tawagin ang pangalan ko. Hayop siya!

Humarap ako sa kanya at malakas na sinampal ito.

"Gago!" Sinampal ko ulit ito at pinagsasapak.

"Putangina mong hayop ka! Hayop! Mamatay ka!" Hindi niya ako pinipigilan.

"Paano mo nagawa sakin yon ha?! Binaboy mo akong hayop ka! Sinira mo ang buhay ko tapos ikaw eto?! Bigla magpapakita at masaya na?! Ang lakas ng loob mong maging masaya kung may tao ka namang sinira! Hayop ka!" Napagod na ako kaya napatakip nalang sa muka.

"I-i'm sorry Bri… sorry." Umiling ako sa kanya.

"Hindi ako sasaya sa sorry mo Henry at ito ang tandaan mo. Walang kapatawaran ang ginawa mo Henry. Tandaan mo yan!" Umiling ito.

"I know Bri, pero gusto ko lang sabihin na nag sisisi ako. Pinag sisisihan ko ang mga nagawa ko Bri, sa loob ng taon wala akong ibang naramdaman kundi pag sisisi. Na minsan naiisip ko na bakit ko ba siya sinunod? Nasaktan kita ng dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo pero… I swear Bri. Nabulag lang ako sa pagmamahal ko sayo at sa sobrang pagmamahal sinunod ko ang utos niya na pag hiwalayin kayo…" Nagtataka ko itong tiningnan.

"W-what do you mean? M-may nag utos sayo? May kasabwat kapa?! Hindi na kayo naawa sakin!" Napahagulgol ako at bago ko pa masampal ulit ito. May sumapak na dito.

"Tarantado ka! Ikaw pala ang lalakeng iyon!" Pinagsusuntok ni Florencio si Henry. Hindi ko magawang umawat dahil sa sakit na nararamdaman.

Pinag kaisahan ako. Ang buhay ko. Ang relasyon namin ni Scott. Sinira kami eh! Walang puso ang gumawa nito sa amin. Wala.

"Tama na!" Narinig kong sigaw ng fiancé ni Henry at pinaghiwalay ang dalawa.

Tulala lang ako sa kanila at humihikbi. Lumapit sa akin si Florencio at niyakap ako.

Hinarap ko si Henry at mariin na tinitigan ito.

"S-sino ang kasabwat mo? S-sino ang nag utos sayo na sirain kami?! Sino?!" Gigil na pahayag ko dito.

"Do you really want to know?" Mahinang bulong nito. Mariin akong tumango sa kanya.

"Ang mommy mo Brianne. Siya ang may pakana ng lahat, siya ang nag utos sa akin na sirain kayo. Siya Brianne, ang mommy mo…" Bumilis ang pag hinga ko at tila napako sa kinatayuan. Mabilis akong umiling.

"N-no no… hindi iyon magagawa ni mom. Mahal niya ako eh, hindi niya magagawang sirain ako…" Humagulgol ako at tila baliw na umiiling. Hindi eh…

Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Florencio.

"She already did Bri. Try to confront her. Hindi ako nag sisinungaling, nagawa ko man noon pero hindi na ngayon Bri. Gusto ko ng ayusin ang buhay ko at ganon na din ang iyo, talk to your mom, let her explain her side. Ask her." Nanghihinang tumango ako at hinarap si Florencio.

"P-please take me home… in our mansion." Tumango si Enchong at mabilis ang pinasakay sa kotse niya at dinala sa mansion.

Pagkarating namin dito, agad kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"S-stay here please?" Pakiusap ko kay Enchong at nanginginig na lumabas sa kotse bago pumasok sa mansion.

Pag pasok ko palang dama ko na ang katahimikan nito na tila parang walang nakatira.

Napabuntong hininga ako at mabilis na pinunasan ang takas na luha.

Maraming alaala ang mansion na ito, dito ako pinalaki ni mom. Dito ako inalagaan. Dito kami naging matatag.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa opisina ni mom. Naabutan ko siyang may pinipirmahan.

"M-mommy…" Nanginginig na tawag ko sa kanya. Nag angat ito ng tingin sa akin at agad na sumalubong ang mga malalamig na mata nito.

"Oh, you're here." Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Why the hell are you crying Brianne Hill?" Mas lalo akong humikbi ng pinunasan niya ang luha ko. Niyakap ako nito at naniniwala ako na hindi iyon magagawa ni mom sa akin.

"M-mommy… is it true?" Kumalas ito sa akin at tinitigan ako.

Umiling iling ako. "Hindi naman po diba? H-hindi mo naman po magagawa iyon diba? Hindi naman po totoo ang sinasabi ni Henry diba? Anak mo ako eh… hindi mo ako kayang saktan…" Lalong lumakas ang iyak ko ng manigas ito sa kinatatayuan at tila natigilan sa narinig.

"N-no mommy… I k-know you can't do that to me. H-hindi naman ikaw ang nag utos diba? Mahal kita mommy… Please po sabihin niyong hindi totoo ang sinasabi ni Henry. Masakit mommy… masakit napo kasi…" Titig na titig ito sa akin at tumulo ang butil ng luha sa mga mata niya at kasabay non ang pagyuko at pag hingi ng patawad.

Parang biniyak ang puso ko sa sakit.

"I-im sorry a-anak…" Napalayo ako sa kanya at napaupo nalang sa sahig at saka humagulgol. Ang sakit pala kapag mismong magulang mo na ang humadlang para sa kasiyahan mo.

Ang sakit kasi yung taong akala kong magpoprotekta sa akin, siya pa pala ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

A/N: BASAHIN MO MUNA! WAG MONG BALIWALAIN, DAHIL HINDI MO ALAM KUNG GAANO KA SAKIT MABALEWALA K?!

Ehem! Sorry for the long wait mga bes. Atleast naranasan niyong mag hintay diba? Ano buhay pa ba mga readers ko? O napagod na kakahintay ng update? Haha. Anyway guys thanks sa pag hintay ng update, saya ba mag hintay? Diba hindi? Dont ya worry matatapos rin pag hihintay mo ng update dahil konting kembot nalang to at tapos na. Final Chapter na ang next update at Epilogue na.  Wakas na! O diba? Lahat nag wa-wakas. "Patunay na walang Forever." 😩😏

And guys may bagong story ako. "His Sorrow" ang title. Short story lang and If you want to read it, just visit my profile and add it to your library.

Basahin niyo ng mawasak  yung puso niyong buo, badtrip kayo. 😂

Abangan niyo rin ang story ni Danna at ni Tamie Fei! Wag niyong palampasin kapag napost ko na. I swear guys kapag di niyo yun nabasa hindi niyo mahahanap ka red string niyo. Djk. Ge bye. 😂

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now