Chapter 15

3.3K 120 22
                                    

Brianne Hill.

Hindi na siya muling nag salita at mas hinigpitan lang ang yakap sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil don pero hindi ko magawang pumalag, wala eh. Gusto ko din. Kahit anong gawin kong pagtanggi, siya parin.

Mahabang katahimikan ang nanaig sa aming dalawa hanggang sa mag salita siya.

"I'm sorry…" Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung para saan ang pag hinggi niya ng tawad pero ang sarap sa pakiramdam.

"I'm sorry for making you cry…" Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

Bakit ba siya ganito? Bakit ba ganito ang ikinikilos niya? Hindi niya ba alam na sa simpleng kilos at pananalita niya umaasa ako?

"I'm sorry Moo…" Gulat na napatingin ako sa mga mata niya. What did he say? Did he just called me Moo? Did he?

"W-what did you-" Pinutol niya ako sa pagsasalita at iginaya sa kama niya upang ihiga.

"Shh… Just rest okay? You need to rest. We'll talk tomorrow." Hindi ko alam kung bakit niya ako napapayag. Humiga ako at ipinikit ang mga mata ko, pero bago pa ako makatulog.  Naramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa noo ko.

Jayce Scott.

Pinag-masdan ko ang maamong muka niya habang natutulog. Hinawakan ko ang pisngi niya papunta sa mga mata at ilong niya.

"Still the same…" Napangiti ako, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang ganito. Ang mapapangiti habang may pinagmamasdan. Ang paglakas ng tibok ng puso ko.

Siya lang ang nakakapagganito sa akin.

Nadako ang paningin ko sa mga labi niyang nakaawang, at muling bumalik ang alaala kung saan nakita ko sila ni Henry.

"Fuck it. Just fucking forget it Jayce." Umiling ako at lumabas ng kwarto upang pumunta ng kusina at kumuha ng dalawang beer.

Ininom ko ito at napapikit ng mariin. You need to forget it Jayce, let her explain her side. Pigilan mo ang magalit.

Napabuntong hininga ako. Bakit nga ba sinundan ko siya? Bakit nga ba Jayce? Kasi nga may nararamdaman kapa para sa kanya.

Patunay na roon ang nangyari kanina, hindi ko maipaliwanag ang galit na naramdaman ko ng makita ko siya kasama ang gagong yon.

Wala sa loob na hinawakan ko ang pang upo ko. Matambok naman ang akin bakit hindi nalang ito ang hawakan niya?

Napailing ako. Damn Jayce Scott. What the hell are you thinking?

Nagagalit ako. Nagagalit ako sa tuwing nakikita ko siya. Nagagalit ako sa tuwing naalala ko ang ginawa niya. Pero kapag nagagalit ako, hindi ko maiwasang masaktan.

Bakit ba ngangyari iyon? Bakit nga ba nagawa niya iyon? Pero bakit ko nga ba siya iniwan ng hindi pinagpapaliwanag? Siguro dahil sa sakit at galit.

Nasaktan ako, nagalit. Pero minsan hindi ko maiwasang mapaisip na siguro kung hindi nangyari iyon masaya parin kami hanggang ngayon.

Kahit na galit ako sa kanya, gusto ko parin siya. Gusto kong maliwanagan para mawala yung galit dito sa puso ko. Para maging maayos na kami.

Napangiti ako, wala ako dito kung hindi dahil kay Dad. He made me realized something.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Mom, nakaupo sa mga high stool dito sa bar counter.

Galit sa akin si Mom, dahil sa ginawa ko sa park.

"Son." Nilingon ko si Dad na umupo sa tabi ko, bago nag salin ng alak.

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Bakit mo binili ang dating park?" Nag iwas ako ng tingin kay Dad.

"I-i can't tell you why Dad. Sorry."

"I understand." Tumango tango ito at muling nag salin ng alak.

"Why did you left? Is it because of her?" Seryosong tanong niya pero hindi ako sumagot.

"Bakit mo tinakbuhan ang problema niyo? Hindi mo ba alam ng dahil sa ginawa mo baka iyan pa ang pag sisihan mo habang buhay?" Sumeryoso ako at tumingin sa kanya.

"Bakit ko naman pag sisisihan ang pag iwan sa kanya Dad? She cheated on me. That's why I left." Umiling si Dad sa akin.

"I am very disappointed son." Umiiling iling na sabi nito.

"Iniwan mo siya ng dahil lang sa nakita mo right? Paano pala kung hindi totoo iyon? Paano pala kung may nag sumusubok lang sa relasyon niyo or may sumisira…" Ngumisi si Dad sa akin. Kinabahan ako.

"I saw her Dad. S-she's with her ex. D-doing-" Pinutol niya ako.

"Alam mo bang ganyan din ang nakita ko dati? Your mom in the bed naked. With a man." Wala akong ibang makita sa muka ni Dad kundi pag sisisi.

"Sobrang nasaktan ako ng makita ko iyon. Kung kelan kinasal kami dun ako nagloko, nambabae at higit sa lahat dumating sa punto na sinasaktan ko na siya. Mas pinipili ko ang ibang babae kesa sa kanya. Tinitiis ko siya, pinapaiyak kasi akala ko doon ako sasaya. But I'm all wrong." Nanubig ang mga mata ni Dad.

"Alam mo bang isang araw pag gising ko, yung lahat ng galit na nararamdaman ko napalitan ng pag sisisi. Ang sakit non anak. Yung malaman mo na hindi pala talaga siya nagloko. She never cheated on me, ang sakit kasi nakagawa ako ng kasalanan sa kanya. Napapatanong nalang ako sa sarili ko na bakit ba hindi ko siya pinakinggan, na bakit ba hindi ko siya pinaniwalaan. Hindi ko siya hinayaangtmag paliwanag kaya hanggang ngayon nag sisisi parin ako. Bakit ba hindi ko pinaniwalaan yung babaeng mas kilala ko. Yung babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako." Tumulo ang luha ni Dad. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon lang.

"D-dad tama na-" Umiling ito.

"No. I won't stop. Sinasabi ko ito sayo dahil ayokong matulad ka sakin na punong puno ng pag sisisi sa buhay. Kaya son, hanggat hindi pa huli ang lahat. Court her again, make her feel whole again. Fix your self. Kasi alam kong hindi kana ulit mabubuo kung hindi mo siya kasama." Tumango tango ako. Marami akong narealize sa sinabi ni Dad. Hindi lahat ng nakikita tama, hindi lahat ng naririnig tama. Pupuntahan ko siya, Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong maalis ang galit sa puso ko.

"I know son, she has a reason. Let her explain her side. At higit sa lahat Don't hurt her, kasi iyan pag napagod kakahabol sayo siguradong mag sisisi ka." Kinabahan ako sa huling sinabi ni Dad.

"Thank you Dad, and I really need to go." Tumango siya at tinapik ang balikat ko.

"Go chase and court her bago pa mahuli ang lahat." Tumango ako.

"I will Dad."

Napangiti ako sa naalala. I am going to court her and this time I am not going to leave.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now