Chapter 14

3.9K 148 47
                                    

"Seriously?! Papasuot mo talaga sa akin yon?" Umirap ito sa akin.

"Oo at huwag na huwag kang mag rereklamo! Ayan ang kaparusahan mo." Sabi nito sa akin at dumila, Fuck. Talagang seryoso siya don? Ako? Ako na si Jayce Scott Quiamco papasuotin niya ng Hello kitty na Pajama?

"Wala na bang iba? Brianne naman." Nag papaawang sabi ko sa kanya ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Sige mag reklamo ka pa at ang High waist short kong garterise ang ipapasuot ko sayo! Bonus pa ang muka ni barbie don sa gilid!" Shit! Mas lalo naman akong kinabahan don' Alam kong hindi ito nag bibiro base pa lamang sa itsura nito. Agad akong napailing at lumapit sa kanya.

"Oo na! Asan na ang Hello kitty na pajama?" Napipilitang tanong ko rito. Ngumisi lamang ito at iginaya ako papasok sa kwarto niya.

Nangalkal ito sa drawer niya at nilabas ang kanyang  hello kitty na Pajama.

Agad akong napalunok, at shit agad ko ring pinagsisihan ang pag oo sa kanya.

"Ano? Kunin mo na ito at suutin mo." Sabi nito at tinulak ako papasok sa banyo.

Nang makapasok ako sa banyo nanginginig kong hinubad ang aking pantalon. Saka lumulunok na isinuot ang pajama niya.

Nang pagmasdan ko ang suot ko sa malaking salamin na nasa banyo namula ang muka ko, Isang lalaking naka suot ng Polo shirt na blue at tinernuhan ng isang pink na pajama. Fuck! I can't believe I'm doing this for her.

I'm doing this because my girl want me to wear this shit.

"Scott tapos kana ba? lumabas kana diyan!" Nahihiyang binuksan ko ang pinto ng banyo at nakayukong lumabas. Nakita ko ang mga paa na na nasa harapan ko. Maya maya lang narinig ko ang pag click ng camera at ang malakas niyang tawa.

Fuck! Pinicturan niya ako!

"Hahhahah! Damn Scott you look good wearing my Pj." Tawa parin ito ng tawa.

"Huwag mo akong pagtawanan!" May pagbabanta sa boses ko.

"At bakit? Ang cute mo kaya! Ano akala niyo kami lang mga babae pwedeng mag suot ng mga damit niyong mga lalaki like boxer short at oversized shirt?" Ngumingising sabi nito.

"Yun na nga eh! Kapag kayong mga babae ang nagsuot ng mga damit namin ang ho-hot niyong tingnan kapag kami naman mag susuot ng damit niyo like this muka kaming bakla bakit ang unfair?" Nakangusong tanong ko rito, tama naman ako eh. Ang gaganda nila tingnan kapag suot nila ang damit namin pero kapag kaming mga lalake ang babading tingnan kapag suot ang damit nila.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at hinatak si Brianne na tawa parin ng tawa.

"Shut up or I'll fucking kiss you." Bigla naman itong tumahimik kaya napangisi ako. Tatahimik naman pala eh.

Tumayo ako para kuhain ang pinag hubaran kong pantalon na naiwan ko sa loob ng banyo, agad ko itong itunupi ng maayos at lumabas na.

Nakita ko siyang nakaangat ang IPhone niya, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at hinayaan ko nalang muna. Pipihitin kona dapat ang doorknob ng tawagin ako nito dahilan para mapabaling ang muka ko sa kanya.

"Bakit?" Nakaangat parin ang iPhone nito nag tataka ko siyang tiningnan

"Wala wala sige na stupiii!" Sabi nito at hindi na ako pinansin.

Lumabas na ako at sa sala naupo, fuck paano ako lalabas neto?

Napasabunot nalang ako sa buhok ko ng maisip na may makakakita sa akin na ganito ang itsura.

"Fuck!" Inis na sabi ko. Narinig ko ang pagbukas ng kwarto ni Brianne at naramdaman ko nalang ang presensya na sa harap ko.

"Umuwi ka na gabi ma rin eh delikado na bumyahe pag ganitong oras alam mo naman mga tao ngayon." Sabi nito sa akin, nag papaawang tiningnan ko siya.

"Pwede bang suotin ko nalang ang pantalon ko?" Napapangiwing sabi ko rito. Ngunit nginisian lang ako nito.

"No, lalabas ka ng ganyan ayaw mo ba talaga suotin yan at mas gusto mo pang suot ang pantalon mong nadikitan ng masangsang na amoy?" Iritang sabi nito at tumalikod. Agad akong tumayo at hinawakan ang braso nito.

"Fine. Ito na wag ka lang mag tatampo or magagalit sakin dahil hindi ko kayang matulog ngayon na alam kong nagtatampo ka dahil lang sa pantalon." Unti unti itong humarap at niyakap ako.

"Yes! So tara na? Hatid na kita sa baba." Nakangiting sabi nito na tila ba nanalo sa loto.

Napangiti nalang rin ako, lahat gagawin ko mapasaya lamang siya kahit pa kapalit non mag suot ako ng ganito at nang pambabaeng damit.

Para sakanya gagawin ko ang lahat. Para sa ikakasaya niya.

NAKARATING ako sa condo ko at agad na nag toothbrush at hilamos tapos ay pabagsak na humiga sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may mensahe ito galing kay Brianne.

Brianne: Nakauwi ka na ba?
Kumain kana pasensya na kung hindi kita napakain rito alam mo na walang stock hindi pa nakakabili.

Napangiti ako sa mensahe niya, fuck para na kaming mag boyfriend girlfriend nito ah.

Agad kong tinawag ang number niya at agad rin naman niya itong sinagot.

(Bri?)

(Nakauwi kana? Kumain kana diyan alam kong wala ka pang kain.) Nag aalalang sabi nito na ikinangiti ko.

(O'sige kakain nako pero ikaw rin kumain kana okay?) Nangingiting sabi ko.

(Oo nag pa deliver na ako.) Sabi nito at napatango na lamang ako.

(Good, huwag kang mag papagutom okay?) Sabi ko rito.

(Okay, Scott wag mong huhubarin yang Hello Kitty kong Pajama ah? Gusto ko matulog ka ng suot yan. At oo nga pala nag toothbrush kana ba?) Napahalakhak ako.

(Okay, at oo nag toothbrush agad ako gaya ng sabi mo.)

(Good. Osige na bababa ko na to mahpahinga ka na diyan.)

(Okay, ikaw rin magpahinga na at huwag ka nang lumabas ng condo mo pagkatapos mong kumain.)

(Oks, goodnight.) Malambing na sabi niya na ikinangiti ko.

(Goodnight din bye take care.) Malambing din na sabi ko bago niya ibinaba ang tawag. Fuck! I just can't stop my self from smiling. Oh god! Hindi pa kami pero ang sarap na sa pakiramdam paano pa kaya kapag sinagot na niya ako?
Damn I'm so fucking happy.

Tumunog ang cellphone ko senyales na may nag text.

Binuksan ko ito at nakitang si Raph iyon.

Raph: Damn brad, hindi ko alam na nag susuot ka pala ng ganon.

Nag tataka ko itong nireplayan ng kung ano ang ibig sabihin nito. Tangina nakita niya ba? Tumunog ulit ang cellphone ko pag tingin ko nag reply na ang gunggong.

Raph: Just fucking open your instagram brad.

Sabi neto at may emoji pa talaga. Bakla.

Binuksan ko ang instagram ko at nakita ko agad ang picture ko na suot ang pajama na hello kitty.

Picture ko na nakayuko, nakaside nakaupo at picture ko na nakahawak sa doorknob at nakalingon sa pwesto niya. Fuck! Maiinis na dapat ako dahil karamihan ay pinag tatawanan ako pero nawala iyon ng makita ang caption na nakalagay.

"My man, wearing my Hello kitty pajama <3 :) #Socute." Oh man!

I'm a one hell'a lucky bastard and she's fucking mine.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now