Chapter 3

2.6K 88 7
                                    

Brianne Hill.

Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa kama.

Hawak ko parin ang maliit na box, habang hawak ko ito at ramdam na ramdam ko ang malakas na pag tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko, binuksan ko ito at naguluhan ng makitang isang usb lang ang laman nito.

Pinagloloko ba ako ng nag bigay nito?

Kinuha ko ang usb at hindi ko alam kung bakit ako nanginginig, kinuha ko ang loptod ko at binuksan ito.

Nilagay ko ang usb doon at binuksan ang files nito, pagtingin ko isang video lang ang nakalagay doon.

Kinakabahan man pinilit ko parin pindutin ang mouse at i-play ito.

Pag ka play nito agad akong napasinghap ng makita kung sino ang dalawang tao ang nandoon.

Nagsimulang tumulo ang luha ko ng mapanuod ang sarili ko na sinimulang babuyin ni Henry.

Bumilis ang paghinga ko at tumulo ng tumulo ang luha ko.

Napanood ko rin kung paano dumating sa Scott at sapakin sa Henry.

Napahagulgol ako ng mapanood ko rin kung paano niya ako sampalin at narinig ko ang mga binitawan niyang salita na lalong nag pasakit ng nararamdaman ko.

Bakit ganon? Ano bang nagawa ko para masaktan ako ng ganito?

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko hinagis ko ang loptop ko at lahat ng bagay na makita ko.

"Hayop ka Henry! Hayop ka!" lumabas ako ng kwarto at nag simulang mag basag ng gamit sa living room.

Dito niya ako binaboy, hayop siya…

Dahil sa kanya inayawan ako ng lalaking mahal na mahal ko.

Bakit dumating ang ganitong klaseng sitwasyon kung kailan mahal na mahal ko na siya? Napahagulgol ako lalo, Scott I'm sorry…

Napayuko ako, hinding hindi ko mapapatawad si Henry… Ang sakit sakit ng ginawa niya.

I hate you Henry, I hate you…

"Sana pinatay mo nalang ako…" Hikbi ako ng hikbi, bakit ganito ang sakit? Nakakamatay.

"Ang dumi dumi ko…" My tears were falling and I couldn't stop it anymore. Binaboy ako ni Henry. Binaboy niya ako…

"Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako iniwan…" I was crying so hard, Ang sakit sakit, ayoko ng maramdaman pa itong sakit na ito.

Ayoko na, pagod na pagod na akong maramdaman ang ganitong klaseng sakit.

Ayoko ng mabuhay…

Danna.

Kinakaban ako ng hindi ko malamang dahilan, kanina pa ako tawag ng tawag kay Brianne hindi niya parin sinasagot.

Hindi naman siya ganito, kahit alam kong may tampuhan kami sinasagot niya parin ang mga tawag ko at mag tetext kung nakauwi na ba siya.

Pero bakit ngayon wala? Iba ang pakiramdam ko ngayong araw na ito, kinakabahan talaga ako.

"Mahal kalma lang…" Sinamaan ko ng tingin si Martin.

Inupisahan ko ng i-dial ang number ni Jasmine at pagkasagot pakasagot niya nito nag tanong na agad ako.

"Hi Jas, kasama mo ba si Brianne?" Alam kong bakas sa tono ko ang pag aalala.

(Hindi ko siya kasama, si Raph lang ang kasama ko. Bakit may nangyari ba?) Nag aalalang tanong nito, huminga ako ng malalim.

"Gabi na kasi at kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot, nag babakasakali lang naman akong kasama niyo siya, pero di bale puntahan nalang namin siya sa condo niya. Bye Jas!" Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at hinatak ko na agad si Martin patayo.

"Tara puntahan nalang natin si Brianne sa condo niya." Tumayo naman agad ito at inakbayan ako.

NASA kotse na kami at hawak ni Martin ang isang kamay ko at ang isa naman gamit sa pag da-drive.

"Relax mahal, kanina pa nanginginig ang kamay mo." Tumingin ito sa akin at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Paano ako mag rerelax? Iba kasi talaga pakiramdam ko Hal eh." Sabi ko, hindi na umimik si Martin ganyan naman yan tahimik.

Nang makarating kami sa condo niya, agad agad akong pumasok.

At napasinhap ng makita kung gaano kagulo ang kwarto niya, hinanap ko siya at agad akong napaiyak ng makita ko siyang nakahiga walang malay at puro dugo ang palapulsuhan.

"OH MY GOD! BRIANNE!" Napahagulgol ako lalo ng makita kung gaano siya kaputla, hindi siya nag mumulat ng mata. Kaya lalo akong nataranta.

"Martin, Martin! Si Brianne!" Natatrantang pumasok si Martin sa kusina at napasinghap din.

"Shit!" Binuhat niya si Brianne, at agad nilabas.

Iyak lang ako ng iyak habng nakasunod sa kanila.

"Jusko po si Brianne…" Sumakay kami ng kotse at agad ring nakarating sa hospital.

Dinala siya sa emergency room at napaupo nalang ako sa upuan.

Napahagulgol ako, ano bang nangyayari sayo Bri? Bakit kailangan pa humantong sa ganito?

Iyak lang ako ng iyak ng maramdamang may yumakap sa akin.

"Magiging maayos din ang lahat mahal…" Niyakap ko siya ng mahigpit. Sana nga, sana maging maayos na si Brianne…

"Anong nangyari?!" Nag aalalang tanong ni Jasmine at Raph.

"She tried to kill herself." Si Martin na ang sumagot.

"Oh god!" Napaupo rin si Jasmine at napasapo sa muka.

"Ano bang nangyayari kay Brianne?"

"Hindi magkakaganito si Brianne kung walang nangyari." Seryosong sabi ni Raph.

Napalingot kami nang lumabas ang doctor sa emergency room.

Agad ako tumayo at lumapit sa kanya.

"How's my bestfriend doc?" Nag aalalang tanog ko.

"She almost lost her life, pero buti nadala niyo agad siya dito at naagapan ang pagtulo ng dugo, She's fine now pero kailangan parin natin siyang salinan ng dugo dahil hindi biro ang nawalang dugo sa kanya." Napahinga ako ng malalim sa sinabi ng doctor, umalis na siya at ililipat nalang daw si Brianne sa private room.

"Thank you po." Pagpapasalamat ko sa itaas,  niyakap naman agad ako ni Martin.

"Ligtas na siya, pero hindi ko maiwasang mag alala kung bakit niya ito nagawa." Nag aalalang sabi ko. Seryosong tumingin sa akin si Raph

"Isang tao lang naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito." Seryosong sabi niya at hindi ko maiwasang banggitin ang pangalan ng taong iyon.

"Jayce Scott…"

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now