Chapter 21

3K 100 20
                                    

Nasa bus kami ngayon, katabi ko si Brianne. Ngayon ang Immersion namin sa NSTP subject namin, sa Mt. Makiking kami mag te-training. Karamihan sa amin ay excited, hindi ko kasama ang mga gunggong dahil ang mag kasama lang sa bus ngayon ay HRM at Fashion Design Students. Sa ibang bus ang mga gunggong at hindi ko mahagilap si Raph, baka tumakas at sa ibang bus sumakay para makasama si Jasmine.

Binalingan ko si Brianne, busy parin ito sa Cellphone niya, isang linggo narin ang lumipas simula nung umiyak siya sa akin.

Minsan kakaiba ang kinikilos niya pero pinagsasawalang bahala ko nalang kagaya ngayon. Kanina niya pa hawak ang cellphone niya at may katext, hindi ko makita kung sino kasi kapag susubok akong dumungaw sa cellphone niya lalayo siya o kaya papatayin ito.

Napahinga nalang ako ng malalim, baka naman mama niya iyon kaya hinayaan ko nalang. Tahimik lang akong nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko siya pinapansin kasi muka naman siyang busy sa cellphone niya.

Hindi naman masamang magtampo diba? Ngayon lang naman ako mag tatampo sa kanya eh. Kanina niya pa kasi ako hindi pinapansin, kinakausap ko naman siya pero wala talaga sasagot niya lang na Huwag daw ako maingay, mamaya ko nalang daw siya kausapin.

Hanggang sa makababa kami wala talagang pansinan, ako ang nag bitbit ng mga gamit niya at dinala sa tent nila. Pagkalagay ko umalis agad ako ng hindi nag papaalam sa kanya at pumunta na sa tent namin ng mga gunggong.

"Oh, May regla nanaman si Jayce wag kayo maingay." Tumatawang sabi ni Matthew kaya binato ko sa kanya ang bag ko.

"Aray potangina!" Sigaw nito at babatuhin din dapat ako pero sinamaan ko siya ng tingin kaya napahinto siya sa gagawin at maayos na ibinigay sa akin ang bag niya.

"He he he he." Pabirong tawa nito at nag peace sign pa. Narinig ko namang tumawa ang tatlong ulol.

"Ano ka ngayon Matt? Huwag mo na kasing asarin ang Good boy natin." Sabi ni Tofer at ngumisi pa.

"Oo nga, Sabi nga nila iba daw magalit ang mga goodboy lalo na pag hindi pinapansin ng girlfriend, kaya tantanan mo iyan." Mapang asar pa na sabi ni Raph na nag aayos ng gamit niya, si Martin naman tahimik lang at hindi na nag salita.

Malaki ang tent namin kasyang kasya ang kinseng tao pero dahil maarte si Matthew dina siya nag aya ng iba at kami lang mag babarkada ang nandito.

Lumabas na kami dahil pinag titipon na kaming lahat para sa gagawing mga activities.

Hinati hati na kami ang iba ay gagawing ang obstacle activities, Swimming at Team building iba pa.

Kami naman mamaya pa daw kaming ibang course at pinabalik muna sa mga kanya kanya naming tent.

Hindi muna ako bumalik sa tent dahil alam kong mang aasar lang ang mga ulol doon, umupo muna ako sa isang tabi na may mahabang lamesa.

Tahimik lang akong nakaupo doon, nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang nakangiting muka ni Brianne.

Hindi ko ito pinansin at tumingin nalang sa ibang direksyon.

"Uy, ang baby ko nag papabebe." Malambing na sabi nito at yumakap pa sa akin.

Nilingon ko ito at nakitang nakanguso ito at nag papacute, pero iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya.

"Baby ko naman! Pansinin mo na ako!" Nag dadabog na sabi nito at ngumunguso pa.

"Sino ba kasing katext mo?" Nag iwas ito ng tingin at binaliwala ang sinabi ko.

"Kita mo, ayaw mong sabihin." May pag tatampo sa boses ko at nag iwas ulit ng tingin.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now