Chapter 18

3.6K 107 22
                                    

Brianne Hill.

"What?! Where are you?! Pupuntahan kita!" Nagising ako sa malakas na pag sigaw ni Scott habang hawak ang cellphone.

Natataranta itong tumayo at nag palit ng damit. Lalabas na sana ito ng tawagin ko ito.

"What happened? And where are you going?" I asked him and he just cursed.

"Shit! I'm sorry Brianne, I need to go, pupuntahan ko lang si Kristen kailangan niya ako ngayon. I'm sorry babalik din ako wait for me ok?" I nodded my head.

"Okay take care and I love y-" Hindi na niya ako hinintay matapos at nagmamadaling lumabas na ng kwarto.

Napayuko ako, ganon ba talaga kahalaga ang nangyari na kailangan niya kong iwan dito without even saying how much he loves me?

"Damn it! You need to understand him Brianne, he loves you okay? He loves you." I tried to convince my self and sight deeply.

Mag hihintay ako, sabi niya babalik siya eh pero sumapit ang gabi hindi parin siya bumabalik. I tried to call him and text him pero wala akong reply o tawag na natanggap.

Hell! Kinakabahan na ako! Bakit hindi siya nag tetext?! Hindi niya ba alam na nag aalala ako?!

I tried hard to stop my tears from falling but I failed. Where the hell is he?! Nag aalala na ako na baka kung anong nangyari sa kanya!

Nakatulog nalang ako sa pag aalala at nagising nalang ng wala pa rin siya.

Hanggang sa lumipas ang tatlong araw wala padin siya, wala akong natanggap na kahit anong text o tawag sa kanya. Kahit Hi wala.

Malungkot akong napahilamos sa muka. Bakit wala parin siya? Sabi niya babalik siya ah? Bakit wala parin?

Damn it! Tumayo ako at lumabas ng condo niya upang pumasok sa condo ko.

Kung wala siyang balak ipaalam kung nasaan na siya mas mabuti pang mag trabaho muna ako. Nag aalala ako pero wala naman sigurong mang yayaring masama sa kanya diba?

I sight at naligo na bago umalis at pumasok sa aming Botique.

"Long time no see bestfriend!" Pang iinis ni Danna at inirapan ko lang ito bago ipinasa sa kanya ang mga bagong design na nagawa ko.

"Oh ayan!" Dumila lang ito sa akin kaya napailing ako. Kahit naman wala ako dito kayang kaya ni Danna na patakbuhin ito ng maayos. Design lang naman ang hinihingi niya sakin kaya madali lang.

Pumasok ako sa opisina ko at umupo.

Kakaupo ko palang ay bumukas ang pinto at pumasok si Enchong.

"Samahan mo ako!" Umupo ito sa harap ko at nangalumbaba.

"Saan naman?" Kumunot ang noo.

"Sa mansyon, ikaw nalang sasama ko kesa naman sa iba."

"Bakit ba? Ano bang gagawin don?" Ngumuso ito.

"Eh kasi, pupunta lahat ng pamilya namin don tapos kakain tayo. Ipapakilala na kasi samin yung mapapanggasawa ng pinsan ko. Gusto kita isama ayoko ma bored don, alam mo namang ilap ako sa mga pinsan ko." Tumango tanggo ako.

"Sige na nga. Kelan ba?" Ngumiti ito sakin. Sasama ako para naman hindi ko maalala na wala siya.

"Mamaya na! Samahan mo ako ah?" Binatukan ko ito.

"Tangina mo! Hindi mo sinabi agad na mamaya na pala! Ulol ka talaga!" Kumamot lang ito sa batok niya.

"Syempre para hindi ka na tumanggi diba?" Binato ko ito ng lapis.

"Letse ka! Umalis kana nga! Sunduin mo nalang ako mamaya. Pasalamat ka kaibigan mo ko naku." Humalakhak lang ito bago tumayo at yakapin ako.

"Thank you Brianne-yan!" Ngumuso lang ako inirapan siya, tatawa tawa naman itong umalis.

Pag ka alis niya napabuntong hininga nalang ako.

Sinimulan ko na ang trabaho ko hanggang sa matapos at dumating na si Enchong para sunduin ako.

"Let's go?" Tumango nalang ako ako at sumakay na sa sasakyan niya. Tahimik naming tinahak ang daan hanggang sa hindi ako nakatiis.

"Alam mo ba kung nasaan si Kristen?" Nilingon ko siya at nakita ko kung paano dumilim ang muka nito at umigting ang panga.

"Hindi. Bakit sakin mo tinatanong iyan? Close ba kami?" Mariin na sabi nito. Mukang nawala sa mood ang gago.

Hindi nalang ako umimik dahil baka mapuno na ito.

Nakarating kami sa mansyon ng pamilya niya at bumaba na.

"Florencio anak!" Mapait akong napangiti ng makita kung paano sila nag yakapan ng mama niya ata.

Kung sana ganyan parin kami ni Mom pero wala eh nag bago na siya.

"Who's this pretty lady anak?" Ngumiti ako sa kanya.

"Mom si Brianne po kaibigan ko."

"Nice to meet you Brianne, come let's get inside." Pumasok kami at hindi ko alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko.

Iba ang tibok ng puso ko ngayon, nakakatakot.

Pumasok kami sa Dining area at pinaupo ako ni Enchong sa isang silya katabi niya.

Napansin kong may dalawang upuan pang bakante sa harap namin at nandito narin ang mga kamag anak niya.

"Goodevening everyone, hindi ko na papatagalin ang lahat. I want you to meet our newly engaged couple-" Hindi ko na naintindihan ang sinabi ng lola nila at natigalgal sa nakita. Papalapit ng papalapit ang dalawang taong paparating at pabilis ng pabilis ang pag hinga ko.

Nakalapit ang dalawa pero sa isang tao lang ako nakatitig. Sa isang taong nakangiti na parang walang problema sa buhay, sa kanya lang. Paano niya nakukuhang ngumiti ng ganyan? Ang kapal ng muka niya!

Namuo ang luha sa mga mata ko kasabay ng pag buhay ng galit sa puso ko.

Lahat ng sakit bumalik lahat ng alaalang pilit kong binabaon sa limot bumalik.


"Henry…" I murmured as my tears started to roll down.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now