Chapter 19

3K 87 10
                                    

WARNING: Typos and grammatical error's

"Salamat po tita and tito."  Sabi ni Brianne at yumakap kila Dad and Mom.

"You're welcome dear, tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo okay? Mag iingat kayo." Mom, at tumango naman si Brianne, ano kayang pinag usapan nila?

"Fei, Mauuna na kami. Be a good girl ok?" Sabi ni Brianne kay Fei at niyakap ito.

"Bye po, and nice to meet you all po." Tumango lang sila dad at mom, pati narin si Fei na kumakaway.

"Bye ate bye kuya!" Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko.

"Bye mom and dad, see you soon." Nag thumbs up si dad sa akin at ngumiti naman si mom.

"Anak tandaan mo yung mga sinabi ko sayo ah?" Tumango naman ako at nagpaalam na.

Tatandaan ko po iyon Dad pangako.

Mag kahawak kamay kaming umalis ni Brianne sa bahay nila mom.

Nasa kotse kami at hindi ko maiwasang hindi siya titigan dahil kanina pa siya nakangiti.

"Oh bakit ka nakatingin? Gusto mo ulit makurot?" Supladang sabi nito at umirap pa. Napatawa naman ako.

"Masama ba tingnan ang mahal ko? Iniisip ko lang naman kung bakit ka nakangiti mag isa diyan." Namula naman siya at ngumuso.

"Paki mo ba? Eh ang saya ko lang dahil sobrang babait pala nila tita at tito, lalo na si Fei." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Mabait talaga sila moo, Nga pala ano palang pinag usapan niyo ni mom?" Lumingon ito sa akin at dumila.

"Secret." Natawa nalang ako, at hinawakan ang kamay niya.

"Ikaw talaga, alam ko namang tungkol iyan sa akin e. Sabihin mo na." Kinurot nito ang kamay ko.

"Secret nga sabi e, bawal sabihin, sa amin lang yon." Napatango nalang ako at hinigpitan ang hawak ng kamay niya.

"Okay, Love you." Sabi ko at paglingon ko sa kanya isang tipid na ngiti nanaman ang binigay niya.

Mapait akong napangiti, I never heard her say the words.

Nawala ang pangamba ko ng hawakan nito ng mahigpit ang kamay ko at ngumiti ng pagka-tamis tamis sa akin at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.

"Thank you baby, napasaya mo talaga ako ngayong araw nato." Bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti sa mga sinabi niya, nawala agad ang panggamba ko.

Minsan hindi naman kailangan ng salita para masabi mo ang totoo mong nararamdaman, minsan kilos at galaw lang sapat na.

"You're welcome moo, napasaya mo rin ako ngayon araw kaya quits lang tayo." Napahalakhak nalang kami at magkahawak kamay na bumyahe.

Nakarating kami sa Condo niya ng ligtas.

Pagkapasok na pagkapasok namin, bagsak agad kami sa sofa.

"Wait Bi, palit lang ako damit." Tumango lang ako at pumikit. Naramdaman ko namang tumayo ito at pumunta sa kwarto niya.

Nag pahinga lang ako saglit at pumunta sa kusina niya, mahaba haba ang byahe namin kaya alam kong gutom na siya.

Nangalkal ako sa refrigerator niya at may nakita akong fresh shrimps,

Naisip kong ito nalang ang lulutuin ko.

French-Fried Shrims for the dinner.

Nag salang na ako at pinainit ang paglulutuan ko.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now