Chapter 16

3.6K 120 10
                                    

Nasa sasakyan kami at papunta sa Condo niya, ipag luluto niya raw ako.

Napangiti naman ako sa naisip, sigurado akong masarap nanaman ang ulam na iluluto niya para sa akin.

Umalis na agad kami sa University pag tapos ng nangyari. Oh god hindi ko parin akalain na kami na, Si Dana nga nakalimutan ko na kung saan ko naiwan kanina sa sobrang kaba.

Buti nalang talaga last class ko ang major subject kaya nakasama ako sa kanya kasi hindi niya raw ako hahayaan na mag cut classes. Well ano pa bang masasabi ko? Good boy ang boyfriend ko eh.

Mag kahawak kamay kami habang nag mamaneho siya, hindi ko mapigilang hindi kiligin, kinuha ko ang iPhone ko at kinuhaan ng picture ang kamay naming magkahawak.

I opened my instagram account and post the picture.

'Officially mine.' Napangiti ako, he's mine now.

Nakarating kami ng maayos sa condo niya.

"Wait ka lang dito moo, bihis lang ako." Napangisi ako ng may pumasok na kapilyohan sa isip ko.

"No, sasama ako." Gulat na naptingin ito sa akin.

"Seriously? Sasama ka talaga?" Ngumuso ako at napatango.

"Okay fine, come on." Hinawakan niya ang kamay ko na biglang namawis.

Shet, talagang papasamahin niya ako?

Nakarating kami sa kwarto niya at sinimulan na niyang hubarin ang polong suot.

Shet! Nakikita ko na ang sexy back niya na ma-muscles.

Napahinto ako sa pag nanasa sa katawan niya ng humarap ito sa akin at nag bihis ng sando.

"Hey, tama na iyang ganyang tingin." Sabi niya sa akin at humalakhak.

"Ayon na iyon? Hindi mo tatanggalin yan? I mean hindi ka ba mag papalit ng pang ibaba?" Bago ko pa mapigilan ang bibig ko nakapag salita na ako ng salitang nag pahalakhak ulit sa kanya.

"No moo, hindi kaya tara na sa kusina at ipagluluto na kita." Hinawakan ako nito sa kamay at inalalayan palabas ng kwarto niya.

Napasimangot nalang ako, sayang.

NANOOD ako sa kanya kung paano siya mag luto at napagod din ako sa kanonood kaya umupo ako sa mesa at nilabas ang iPhone ko.

Pinicturan ko siya habang nag luluto at agad itong pinost sa instgram.

'My handsome chef is cooking for me.' #Sexyback

Napangisi nalang ako ng may mga nag like na agad nito.

Marami sigurong babae ang naiinggit sa akin ngayon dahil ang pinapangarap nilang lalaki ay nasa akin na.

Akin na siya ngayon.

Inihanda ko ng ang mga plato at baso na gagamitin namin.

Nilapag na niya ang niluto niyang sinigang. Yes sinigang nanaman, ako ang nag request niyan dahil iyan talaga ang favorite ko. Hindi ako mag sasawa sa sinigang niya.

Sabi niya nga na baka manawa ako but no, ang luto niya ang pinakamasarap na natikman ko bukod kay mama at manang.

Sabi pa niya na sa susunod ay iba nan daw para matikman ko ang ibang putahe niya. Umoo nalang ako kahit kuntento nako sa sinigang niya.

Agad akong kumain at ninamnam ang pagkain.

"Ahh. This is so delicious!" Masayang sigaw ko na nagpatawa sa kanya.

"Ikaw talaga, sa susunod papatikim ko naman sayo ang iba ko pang kayang lutuin." Napatango nalang ako at hindi na makapagsalita dahil punong puno na ng pagkain ang magkabilang pisngi ko.

Nakarinig ako ng click at pag angat ko ng tingin hawak niya ang iPhone niya at kinuhaan pa ako ulit ng picture.

Nilunok ko agad ang pagkain at uminom ng tubog bago kinuha ang cellphone ko at kinuhaan din siya ng picture.

Tumabi ako sa kanya at nag kuha ako ng picture niya.

Humalik ako sa pisngi niya ng mag wacky pose siya.

Meron ding siya ang nakahalik at nagtititigan kami sa pictures.

Pagtingin ko sa kanya nakangiti siya habang nakatitig sa mga larawang kinunan namin.

Napangiti ako ng pilit, nakikita ko kung gaano siya kasaya sa akin, nakikita ko kung gaano niya ako kamahal... at natatakot ako dahil don.

NAPATOS kami kumain at nasa kwarto niya kami nakahiga siya sa lap ko at nakatingin sa akin, habang ako nakatitig sa kanya at hinahaplos ang malambot niyang buhok, hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw na ito." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Sa sobrang saya ko gusto na kitang, pakasalan ngayon." Napatawa ako sa sinabi niya at kinurot ang pisngi niya.

"Aba aba Mr. Quiamco nangangarap ka naman ata ng gising." Tatawa tawa kong sabi, biglang lumungkot ang mga mata niya at nag iwas ng tingin.

"Ayaw mo bang magpakasal sakin?"

"Of course not! Scott bata pa tayo, marami pa tayong pag dadaanan. Ang kasal hindi iyan minamadali." Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.

"Sa tingin mo ba ako na talaga ang para sayo? Kasi ako ikaw na, sigurado akong ikaw na ang papakasalan ko, ang magiging nanay ng mga anak ko. At ang mamahalin ko hanggang bukas..." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa labi na agad naman niyang tinugunan.

Humiwalay ako at ngumiti sa kanya.

"Mahal na mahal kita Brianne." Napaka swerte ko sayo Scott, at alam ko sa pag ngiti kong yon, alam mo na ang sagot sa tanong mo.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now