Chapter 15

3.6K 131 7
                                    

Brianne.

Nasa room na ako at eto, walang kasawaang pattern lang naman ang ginagawa nila. Well hindi ako gumagawa bakit pa? Alam ko naman na yan.

Lumapit sa akin si Dana, my dear best friend isa rin pala ito sa hindi gumagawa. Napahalakhak ako, ang sama na kasi ng tingin ng prof sa amin.

Gagawa rin naman ako kaso late nga lang, it's just a damn basic pattern.

"How are you my dear best friend?" Tanong ni Dana at tinaasan ako ng kilay.

"Fine." Walang gang sabi ko rito.

"Hindi na tayo nakakapag bonding ah? You're enjoying Jayce huh?" Umismid lang ako dito.

"Hinay hinay lang best friend." Hinila ko ang buhok neto.

"Shut up Dana alam ko ginagawa ko." Sabi ko rito at tinampal niya naman ang kamay ko.

Ganyan kami magmahalan, saktanan.

Si Dana, mabait yan bitch lang. Isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko.

Since high school kami na laging magkasama, sa ibang bansa ko siya nakilala.

Spoiled yan at brat, kapag sinabi niya gusto niya sundin mo ito at kapag ginusto niya nakukuha niya sa kahit anong paraan.

Sanay na ako sa kanya, sa ugali niya para narin kaming magkapatid niyan.

Natapos ang klase sa aming major subject at kami ay lumabas na ng room. Paglabas namin, maring tao.

"Bakit parang ang dami namang studyante ang nasa labas ngayon?" Tanong ko kay Dana.

"Ewan ko. Ang daming tao yung amoy nila halo halo na!" Sabi nito at tinakpan niya ang kanyang ilong gamit ang panyo. See? Ganyan ka arte yan.

Naglalakad kami at nakipag sisikan sa mga babaeng itchosera.

"Ano ba?!" Tinulak ni Dana yung isang babaeng nakatapak sa paa niya.

Eh paano ba naman nag tatatalon sa kilig habang na atras maglakad, napayuko lang ang babae at umalis na. Well that's Dana by the way.

"Easy best friend." Tinaasan lang ako ng kilay at umarap.

"Napakaharot kasi bwisit." Ayan badtrip na yan.

"Staka bakit ba kasi sila nag tititili?" Naiinis na tanong neto at napatingin sa baba at napahinto.

Nasa itaas kasi kami 2nd floor at dito kita kung ano ang nangyayari sa baba.

"Oh my god! Brianne look!" Hinatak ako neto at may itinuro sa baba, agad lumakas ang tibok ng puso ko ng tumingin rin ako sa tinitingnan niya.

Oh god! Napatuptop ako sa aking bibig. Shit hindi ko ito naipaghandaan. Ang nga estudyante nakaform nang heart shape mga nakapula at may hawak na red roses.

Fuck! Nakita ko sila Martin Tofer Matthew at Raph na kumakanta habang si Jayce Scott ay nasa gitna ng puso at nag gigitara.

O ang isang katulad mooo ay di na dapat pang pakawalan.

Madamdaming kanta ni Mathew at Raph, may papikit pikit pa.

Alam mo bang pag naging tayoo hinding hindi na kita bibitawan.

Si Martin naman at si Toffer ang sumunod, nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa akin.

Aalagaan ka't di papabayaan, pag ka't ikaw sa akin ay prinsesa.

Napatingin ako kay Scott na kinanta ang last part ng chorus.

Punong puno ng emosyon ang mga mata nito at wala akong nagawa kundi mapangiti.

I wanna hug him right now, dali dali akong bumaba at doon sakto natapos ang kanta.

Pag ka't ikaw sa akin ay prinsesa, Prisesaa... oh tulad mo.

Titig na titig siya akin habang papalapit ako sa kinaroroonan niya.

Habang papalapit ako sinalubong ako ng mga taong may hawak ng red roses at binigay sa akin. Napangiti ako ng makita ang mga hawak ko. I love it.

Nang makalapit ako sa kanya ay nginitian niya ako.

"Scott..." Hindi ko alam ang sasabihin ko kinakabahan ako.

"Brianne, Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito. Ang hirap, nahihirapan ako kasi kapag ikaw na ang kaharap ko wala akong masabi, i feel nervous, kasi ikaw to eh, si Brianne ka ang babaeng mahal ko." Nakatitig ako sa mga mata niya na nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at dinala sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.

"Nararamdaman mo ba kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko?" Napatango lang ako at dinama ang puso niyang sobrang bilis ng tibok.

"Kapag malapit ka nagiging abnormal ang tibok ng puso ko, maisip lang kita at mabanggit lang ang pangalan mo nagiging ganito na kabilis ang tibok ng puso ko. Ikaw si Brianne ang babaeng mahal ko at nagpapatibok ng ganito sa puso ko." Ngumiti ito sa akin hindi ko mapigilang hindi rin mapangiti.

"Simula ng makilala kita nakuha mo na ang puso ko, kaya ikaw ingatan mo po dahil kapag nawala ka sa akin o kapag iniwan mo ako, para narin akong namatay dahil ikaw na ngayon ang may hawak nito, ikaw na ang puso ko, ang mundo ko you're my everything Brianne. Kaya ikaw, huwag mo na akong iiwan kailangan kita para mabuhay ako, ganon kita kamahal, kaya kong ibigay sayo lahat kahit pa ang puso ko." Nanunubig ang mga mata ko at ang lakas ng tibok ng puso ko, ngayon lang na may lalaking gumawa nito sa akin.

"Mahal kita Brianne at sisiguraduhin kong kapag naging tayo hinding hindi kita pababayaan. Mamahalin kita, hindi kita lolokohin at gagawin ko lahat para maging isang mabuting boyfriend sayo." Hindi ko alam ang sasabihin ko, ang lakas ng tibok ng puso ko at parang gusto ko naring kunin ito at ibigay sa kanya.

"Mahal na mahal kita Brianne Will you be my girlfriend?" Yung mga namumuong luha sa mata ko ay nagsimula ng bumagsak.

Agad ko siyang niyakap at sumagot.

"Oo Scott, simula ngayon ako na ang mag aalaga sa puso mo at ikaw na rin ang mag aalaga sa puso ko. Kaya kapag iniwan mo ako, para mo narin akong pinatay kaya huwag mo akong iiwan dahil patay ka sa akin." Ramdam ko ang paninigas niya sa kinatatayuan niya. Damn hindi ata inaasahan ang sagot ko. Tulala ito habang nakatingin sa kawalan.

"Hoy! Ano? Hindi ka mag rereact? Hoy ano ba?! Sige babawiin-" Bigla niya akong niyakap at nag sisisigaw.

"Yes! Fuck! She fucking said yes man!" Narinig kong naghiyawan silang lahat pero hindi na namin iyon pinansin.
Sinapo niya ang muka ko at tinitigan ako sa mga mata.

"I fucking love you Brianne!" Pinitik ko ang bibig niya.

"Hep, no cussing please." Humalakhak ito at niyakap ulit ako.

"Mahal kita Brianne. Hanggang bukas." Napahiwalay ako sa kanya at nangunot ang noo dahil sa sinabi niya.

"Ano kamo? Hanggang bukas lang?!" Maiinis na sana ako ngunit hinalikan ako nito sa labi. Isang mabilis na halik.

"Oo mahal kita hanggang bukas." Inulit niya nanaman na nag paasim lalo sa muka ko. Bago pa ako maka pag react hinalikan niya ulit ako sa labi. Smack lang.

"Oo mahal kita hanggang bukas, bakit may katapusan ba yung bukas? wala naman diba?" Unti unti akong napangiti, Mahal niya ako hanggang bukas. It means he will love me forever.

Oh god, ngayon nalang ulit ako sumaya ng ganito simula ng iwan niya ako. Ngayon, nagpapasalamat ako sa lalaking yon na iniwan niya ako at naging isa akong lalakero at nakilala at napunta kay Scott. Nag papasalamat ako na sinaktan niya ako dahil nalaman kong may mas deserving pa para sa puso ko.

Sabi ni Mommy kapag daw may lalaking hindi ikakahiyang i-pag sigawan sa lahat na mahal ka at lahat gagawin para sayo, wag mo na daw pakawalan pa dahil iyon daw ang lalaking seryoso at higit sa lahat totoong magmahal.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now