Chapter 25: End of Courting

3K 102 16
                                    

"Cancel all the shit Raph." Malaming na sabi ko.

"Huh? Bakit? Teka nasaan ba si Brianne? Sayang naman to!" Mabilis na sabi niya.

"Your fucking cousin just cheated on me." Hindi ko maitago ang hinanakit sa boses ko.

Kahit anong sakit ang maramdaman ko, hindi parin non maaalis ang pagmamahal ko sa kanya.

Pinatay ko na ang tawag at nag patuloy sa pag maneho sa hindi ko alam kung saang lugar.

Kaya pala busy at ayaw makipag kita sa akin, busy sa pag papakasarap.

Napangisi nalang ako, I can't believe I fall for her trap.

Ano pa bang aasahan ko? A playgirl will always be a playgirl, tama nga siya hindi ko siya mababago. Ako lang itong umaasa na totoo ang pinapakita niya.

Damn her and her innocence face. I should have known, she's not my last.

Huminto ang kotse ko sa isang lugar kung saan kita ang buong city, kitang kita ang ilaw ng mga malalaking building.

Tumayo ako doon at hinayaan kong lumuha ang mata ko.

"MAHAL NA MAHAL KITA BRIANNE! PERO BAKIT MO AKO PINATAY?! TANGINA ANG SAKIT SAKIT!" Hindi ko mapigilan isigaw ang hinanakit ko.

Buti pa ang mga ilaw, maliwanag hindi kasing dilim ko. Buti pa sila hindi pinapatay pero ang puso ko, hindi ko alam kung kailan ulit liliwanag. Ang sakit sakit.

"Mahal kita but I've had enough tama na masakit na.." Humina ang boses ko at napaiyak nalang. Lalake ako oo, pero may kahinaan din ako.

Kahinaan ko siya at sisiguraduhin kong maaalis siya sa sistema ko, para hindi na ako masaktan ng ganito.

Napahilamos nalang ako sa muka ko, at hinayaang tumulo ang mga luha ko para sa kanya, kapag mahal na mahal mo talaga grabe din ang sakit na mararamdaman mo. Sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag at tangging ang luha ko nalang ang nag papaliwanag ng lahat kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

Mahal ko siya pero bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat? Wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin at pagkatiwalaan siya, pero iba parin pala kapag mismong mata mo na ang nakakita. Kakaiba rin ang sakit, Iba parin kapag ang katotohanan na ang sumampal sayo. Masakit sobra…

"TANGINA NIYONG MGA LALAKI KAYO!! PAASA! MANLOLOKO! GAGO!" Napalingon ako sa babaeng sumigaw. Umiiyak ito at halata ang pagod sa muka.

"Hindi lahat ng lalaki ganyan." Mahinang sabi ko kaya napabaling ang tingin niya pa akin.

"Ay potangena may tao pala." Hindi ko alam pero napahalakhak ako, lalo na ng makita itong natataranta kakapunas sa muka niyang puno ng luha.

"Sorry po kuya, hindi po lahat ng lalake manloloko nadamay lang kayo sa kagaguhan ng gago kong ex."
Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Oo, hindi lahat ng lalake manloloko kasi yung iba naloko." Muling bumalik ang lungkot ko sa tinig ko.

"Naloko ka kuya? Oh huwag mo itanggi halata sa mata mo!" Muli ako napatawa ng mahina sa reaksyon niya. Nanlalaki ang mga mata neto at nakataas pa ang mga kamay.

"Oo naloko ako at masakit. Sobrang sakit…" Tinapik ako neto sa balikat at umalis.

"Oh eto oh! Pampawala ng feelings kahit isang gabi lang." Sabi niya at hinagisan ako ng alak.

Tumabi ito sa akin at umupo sa batong inuupuan ko.

"Alam mo sana naging bato nalang ako, para wala na akong maramdaman." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Niloko ka rin?" Natatawang tumango ito. Pero bakas ang kalungkutan sa mata nito.

"MABUHAY ANG MGA NALOKO! HOOO! MAKAKA MOVE-ON DIN KAMI KASI WALANG FOREVER!" Sigaw nito at tumawa pa na parang baliw. Napangiti nalang ako at tinaas ang bote ng alak.

"Makakalimutan din kita!" Sumigaw narin ako at napakasarap sa pakiramdam ng mailabas mo ang sakit na nasa puso mo.

"Alam mo ba yung sinasabi nilang believe with your eyes not with your ears?" Napatango nalang ako.

"Ilang beses ko iyan naranasan, naririnig ko na nakikita ko pa pero hindi ko parin pinaniniwalaan. Mahal ko eh." Malungkot akong napangiti. I know, I notice everything I just act like I don't.

"Parehas pala tayong tanga." Parehas kami tumawa at maya maya lang nag lahad ito ng kamay sa harap ko.

"Kristen Agatha Solis by the way." Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang ito.

"Jaycee Scott Quiamco, nice to meet you Kristen." Ngumiti rin siya sa akin at itinaas ang alak. Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng pakiramdan ko sa kanya.

"Woooh! Makaka move-on din kami." Napangiti ako sa sinigaw niya, tumingin sa itaas at pumikit.

Makakalimutan din kita Brianne, at kapag nangyari yon sisiguraduhin kong wala na akong ni-katiting na nararamdaman para sayo. Pangako.

Hi guys! End na ng CMP, but hindi dito nag tatapos ang storya nila. Tinapos lang ni Jaycee ang kung anong meroon sa kanila ni Brianne, Hoo! Mag hintay nalang tayo sa next chapter titingnan natin kung ano na ng mangyayari sa kanilang dalawa. -Gette

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now