Chapter 22

2.4K 87 1
                                    

WARNING: Typos and grammatical error's.

Nakauwi na ako lahat lahat ng hindi siya pinapansin, sa ibang bus ako sumakay dahil kapag nakikita ko siya lalo akong nasasaktan. Hindi ko kasi maisip na isang kotse lang pala ang halaga ng pag ibig ko sa kanya, ang sakit eh.

Ganito pala talaga kapag mahal na mahal mo iyong isang tao, grabe din ang sakit na mararamdaman mo kapag may nagawa ito.

Kapag nag mahal ka talaga kakambal na rin nito ang salitang sakit.

Tulala lang akong nakatingin sa basong hawak ko na may lamang alak ng mag ring ang cellphone ko.

Agad ako nakaramdam ng lungkot ng makita ko ang pangalan niya, hindi ko ito pinansin at pumasok nalang sa kwarto ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko at nakatulugan ko nalang ang pag iyak.

Nagising ang diwa ko ng makarinig ng malalakas na sigawan at tugtog sa sala ko.

Inis akong bumangon dahil alam ko naman kung sino ang mga nan'don. Pupungas pungas akong lumabas at pag labas ko agad akong hinatak ni Matthew paupo sa sofa at inabutan ng alak. Tinanggap ko ito at tiningnan sila.

"Anong ginagawa niyo dito?" Seryosong tanong ko. Tumingin sila sa akin, isang tingin na nag aalala.

"We heard what happened about you and Brianne." Seryosong sabi ni Martin.

"I'm sorry bro sa nagawa ng pinsan ko." Si Raph, hindi ko naman kailangan ng sorry niya. Hindi nalang ako umimik at sumandal sa sofa at pumikit.

"You know what bro? Why dont you talk to her and hear her explanation, let her explain the reason why the hell did she fucking do that shit." Sabi ni Martin.

"Oo nga bro, Baka naman may rason, kilala mo rin naman si Danna diba? Baka naman kagagawan niya lang lahat ng iyon." Napaisip ako sa sinabi ni Tofer, Hindi naman ako galit kay Brianne eh, hindi ko kayang magalit sa babaeng mahal ko.

Nagpapalamig lang ako kasi nasaktan ako, ayoko kasi na mag usap kami ng parehas kami hindi okay, baka mag kasakitan lang kami.

"That bitch! Tinuloy parin niya." Napatingin ako kay Martin at punong puno ng galit ang mga mata nito. Tumayo ito at naglakad papunta sa pinto ko at lumabas ng walang pasabi.

"Patay si Danna…" Napailing nalang ako sa kanila at tumayo.

"Iligpit niyo nalang iyang mga kalat niyo kapag gusto niyo nalang umalis." Naglakad nako papunta sa pinto ng kwarto ko.

"Fuck you lover boy." Sinamaan ko ng tingin si Matthew.

"Mag loko kana sa kahit sino wag lang sa taong broken hearted." Loloko lokong tawa ni Tofer kaya binato ko sila ng isang unan sa gilid ko.

"Tangina niyo!" Ayon nalang ang sinabi ko at muling pumasok sa kwarto ko at nahiga.

Brianne

Nakatitig lang ako sa cellphone ko at huminga ng malalim.

Ayaw niya akong kausapin, h indi niya sinasagot mga tawag at text ko.

Kasalanan ko naman pero hindi ko kayang hindi niya ako pinapansin. Ayoko siyang mawala sa akin.

Tatlong araw narin ang nakalipas simula nung nangyari yon, hindi parin niya ako pinapansin kahit sa university hindi ko siya nakikita.

Mag babakasyon na kami lahat lahat, at ayoko ng hindi kami maaayos kapag nag bakasyon na kaya naisip kong pumunta nalang sa Condo niya.

Pag katapos ng klase namin dumiretso agad ako sa condo niya, pag pasok ko maayos na living room ang bumungad, napangiti nalang ako. Napakalinis talaga ng bahay ni Scott.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now