Chapter 12

37.6K 511 42
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Kumikirot ang bawat parte ng katawan ko dahil sa paintball war kahapon. Kahit na gusto ko pang humiga, kailangan kong agahan ang gising ko dahil ngayon ang science quiz bee. Madaling araw palang ay nakahanda na ako, hahabulin ko pa kasi ang pinaka-maagang bus papunta sa venue.

"Ihahatid na kita," biglang lumabas si Lee mula sa kusina.

"Agh!" napasigaw ako pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko. Ingat na ingat pamandin akong bumaba ng hagdan para wala akong magising.

"Huwag ka ngang mang-gulat. Hatid? Eh parang hindi ka nga natulog diyan sa eyebags mo eh. Nagpuyat ka nanaman sa kakalaro ano?" sabi ko nang makabawi ako sa gulat ko.

"Kumain ka na at huwag makulit, ihahatid na nga eh ang dami pang tanong."

"Ang aga-aga ang sungit mo. Hindi na ko kakain, umiikot na sikmura ko sa kaba eh."

"Suit yourself. Tara na?" tanong nito. Huh, hindi ko napansin na nakapalit na pala siya. Parang mas nauna pa siyang nagising kaysa sa akin eh.

"Naki-usap ba si Tita sa'yo para ihatid ako ng ganito kaaga? Kung oo, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo eh."

"Walang pumilit sa akin. Tsaka huwag ka ngang laging ganyan. Parang lahat ng gumagawa ng maganda sa'yo eh kailangang may hidden agenda. Magsapatos ka na o i-check ko kung may naiwan ka, i-start ko lang 'yung sasakyan," lumapit muna siya sa akin at pinitik ang noo ko bago lumabas. Napatunga-nga ako doon ah. Chineck ko ang bag ko, wala 'yung ID ko! Buti nalang nasabi niya, kabadong-kabado kasi talaga ako. Umkayat ulit ako para kunin ang ID ko at pagbaba ko, nagsapatos na rin. Napahinto ako sa pagbukas ng pintuan palabas nang marinig ko ang boses ni Tito at ang pangalan ko na nabanggit niya.

"...should treat Lhaine nicely and don't let her get hurt. You never mentioned Yaj transferred at your school. Your mom is worried, shoud I be too?" ma-awtoridad ang boses ni Tito.

"Hindi na ma-uulit ang nangyari dati Dad," sagot ni Lee. I leaned closer to listen.

"I know this is a touchy topic but are you two back together? Does Yaj know you are living on the same house Lhaine is? Remember that Yaj hurt you," sunod ni Tito.

"I'll fix it. Hindi na mauulit iyong nangyari dati," gumiya si Lee para tumungo sa pintuan. It was too late for me to run and hide!

"Ano, tara na?" sabi lang niya sa akin. Tumango ako at sumunod sakanya palabas. Binati ko si Tito na kararating lang pala.

"Good luck Lhaine, do your best," simpleng sabi lang ni Tito bago pumasok sa loob. Tahimik akong sumakay sa sasakyan. Tatanungin ko kaya siya?

"Matulog ka nalang muna. Medyo malayo ang venue di ba?" basag niya sa katahimikan nang makalabas na kami sa village.

"Ah, medyo. Sige, pagising nalang kapag malapit na tayo. Thanks," tinakpan ko ang mukha ko gamit ang jacket ko.

"I got into an accident. Wasak na wasak ang sasakyan ko pero galos lang ang natamo ko. Lasing ako noon pauwi. Ilang linggo pagkatapos akong i-break ni Yaj. Sa totoo lang hindi ko alam kung linggo o buwan na, I lost track," sabi niya bigla. Tinanggal ko ang jacket sa mukha ko.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon