Lecture 10

2.1K 50 3
                                    

Sunday Lecture

Title: 6 Ways To Be Happy

Paano maging masaya sa ating buhay?

1. Free your heart from hatred

Matthew 5:8

"Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios."

Ang pag-aalis ng galit sa puso ay pagpapalaya sa sarili kaya wag kayong magagalit dahil ito ang pumuputol ng kaligayahan sa sarili. Isa pa, madaling mahawakan ng demonyo sa leeg ang taong may galit dahil iyon ang weapon nila. Lumiliit din ang daan mo kapag ika'y galit. We must be humble and learn to forgive. Sabi nga ng Lord "Forgive and you will be forgiven."

Awit 37:8

"Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana;walang kabutihang makakamtan ka."

2. Free your mind from worries

Don't be worry because God has a plan to you. Wag kang magmadali, free yourself to worry dahil hindi iyan makakatulong sayo. Palayain natin ang sarili natin sa mga ganitong bagay dahil wala itong magagawang maganda sa ating buhay. Bakit ka magwoworry, meron kang Diyos ka na buhay? Surrender all your worries to God, siya ang bahala doon.

"Ang taong nag-aalala ay nagdudulot ng matinding negatibo sa buhay mo."

Matthew 6:25-26

"Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?"

3. Live Simply

Huwag kang gumastos pag hindi kaya. Hindi mo kailangang magyabang para lang sumikat ka. Mamuhay ka ng payak, hindi mo madadala sa langit ang mga karangyaan mong nararanasan sa buhay.

4. Expect less

Wag kang mag-expect sa tao dahil maaari kang masaktan. Wag mong ibibigay ang 99.9% na pagmamahal mo sa girlfriend/boyfriend mo dahil hindi ka makakasiguro sa kanila. Expect less! Limitado lang ang lahat ng nasa mundong ito.

Bakit hindi mo na lang ibigay ang 99.9% mo sa Lord? Sa kanya hindi ka mabibigo. Sa kanya sasaya ka. Sa kanya hindi ka magsisisi. Mamahalin ka niya ng buong puso at kahit saktan mo pa siya, mamahalin ka pa din niya. Hindi ka niya susukuan kahit anong mangyari. Ganyan tayo kamahal ng Lord.

Note: Wag kang aasa sa tao dahil masasaktan ka lang. Ito ay limitado.

5. Give more

Ang taong nagbibigay sa Diyos, ang tao ay may aanihin. Sa Diyos mo lang ibigay.

Acts 20:36

"When Paul had finished speaking, he knelt down with all of them and prayed. "

6. Always pray

Efeso 6:18

"Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos."

Ang pananalangin pala ay pakikipag-usap at pakikipagrelasyon sa Diyos. No prayer, no power. Less prayer, less power. Dapat mamuhay tayo ng may panalangin.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now