Chapter 04. No ID, No Entry!!

39.9K 580 45
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights 

----------------------------------------
Chapter 04. No ID, No Entry.
-----------------------------------------

Kahit sa malayo… kilalang-kilala ko kung sino siya. Matagal nang nakatatak sa puso’t isip ko ang itsura niya!

Yes, I could clearly see his face. He was standing there before me, looking so perfectly handsome. His face quite expressionless…

He didn’t utter a word as he took a step towards me. Anakshutang animales, si John Lloyd! Oo mga kapatid, papalapit sa'kin si John Lloyd Cruz! I swear! Si Lloydie talaga.

Naku, mahal na mahal talaga ko ni Lord! Ano bang kabutihan ang ginawa ko para pagkalooban ako ng ganitong biyaya?

At sa bawat paghakbang niya papalapit eh siyang pagbilis nang tibok ng puso ko. I remained standing there, stunned. I could barely even move. Hindi ko magalaw ang mga paa ko. He was getting closer at parang nagwawalang drums ang puso ko sa bilis nang tibok nito. At sa di inaasahang pangyayari, John Lloyd Cruz gently wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him… yung muka niya sooobrang lapit sa'kin… ito na nga ata ang tinatawag nilang A VERY SPECIAL LOVE… Jusko Lord… Utang na loob, ilayo niyo po ako sa kasalanan!!!

THUMP.

THUMP.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. I wasn’t sure what I was expecting him to do. Ang alam ko lang parang tatalon na palabas ang puso ko… at sooobrang init ng mukha ko kaya kahit di ko nakikita sarili ko alam kong namumula buing mukha ko.

Tapos… tapos… biglang lumalapit ang mga mapupulang labi ni John Lloyd sa'kin. I could already feel his breathe against my face… Naku isang KISS lang Lord pramis I’ll CHANGE MY LIFE, papakabait na talaga ako just give me ONE MORE CHANCE!!! Tapos… Sigurado ako… lalong papalapit na ng papalapit ang mga matatamis niyang labi… :-*

Di ba sa mga palabas pinipikit ng mga leading lady ang mata nila? So, pinikit ko ang mga mata ko… a minute or so… the kiss never came… bakit kaya?? Antagal naman o!!! Ano bang nangyari??? Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko…

In my horror, hindi na pala si John Lloyd Cruz ang nasa harap ko… eh di sino pa? Wala ng iba pa kundi ang ubud ng yabang na si Miguel Josef Uy Monteverde!!! Wala na kong nagawa dahil konting-konti na lang magdidikit ng muli ang mga labi namin… OH NOOOO!!!! Pumikit ulit ako and another minute passed… wala ulit nangyari… dahan-dahan ko ulit binuksan ang mga mata ko only to be greeted by the LARGEST, GREENEST FROG I have ever seen. Hesus Maria Josepa, naging palaka si Miguel Josef Uy Monteverde!!! Inay ko po!!! Kumaripas tuloy ako ng takbo pero ang lalaki ng talon niya at patuloy akong hinahabol ng higanteng palaka… wwwwaaaaaahhh… ng biglang nagsalita ang palaka:

Em-Em: Ate Ellie!!! Ate Ellie!!! Gising na oi!!! Late ka na!!!

Parang boses yun ni bunso aa?

Em-Em: Ate Ellie!!! Gumising ka na daw sabi ni mama!!!

Ako: (nag-unat) Huh?

Em-Em: Oi Ate Ellie!!!

Napa-upo na ko sa kama… argh… so panaginip lang pala ang lahat ng yun???

Ako: Aaaahhh… (naghikab) Anong oras na ba???

Em-Em: Naku, 7:00 na!!!

Ako: WWWWWWWWAAAAAAAAAHHHH!!! ALAS-SIETE?? Sheet!!!

Halos tumalon na ko pababa sa kama. Di ako pepwedeng ma-late. Law ang una kong subject ngayon at last time na-late na ko sakanya dahil sa pag-potchi ko nun… hindi na ko pwedeng umilit kundi…

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon