Chapter 34

2.1K 45 8
                                    

Chapter 34

Dingdong!

Tunog ng doorbell ang nagpatigil sa akin sa ginagawa ko. Pinunasan ko muna ang pawis na tumulo sa pisngi ko dala ng mainit na singaw ng niluluto kong sabaw. "Teka lang!" Sigaw ko at dinaanan muna si Thoren. Nakita kong nakaupo siya sa walker niya sa sofa at nanunuod ng cartoons. Napangiti ako at dumiretso na sa pinto.

"Hi!"

Nawala ang ngiti ko ng makilala ko kung sino ang nagdoorbell. Asiwa akong dumistansya. "Anton"

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya habang nakangiti. Nagdalawang isip pa ako saglit pero binuksan ko rin ng malaki ang pinto.

"Dad! Dad!" Narinig kong sigaw ni Thoren. Sinara ko ang pinto at sumunod na sa kanila.

"Hey buddy! How are you? Are you taking care of mommy and the baby?" Nakangiti niyang tanong sa anak namin.

Parang nakakaintindi namang tumango ang anak namin at nagkwento ng kung ano ano. Medyo natatawa pa si Anton dahil minsan hindi na maintindihan ang sinasabi ni Thoren sa sobrang daldal.

We're not living together but we're still married. If that's even called marriage. After kong lumabas ng ospital last last week, eto na ang naging arrangement namin. Minsan sa kanya natutulog si Thoren. Minsan naman dito sa bahay.

Honestly speaking, hindi siya nakakapanibago. Hindi naman kasi ako naging at home talaga sa bahay nila. Bumalik na lang ako sa bahay namin ni Thoren. Maliit lang pero at home at panatag ako.

He respected my decision in echange of two conditions...

"I accept. We live separately, alright. But you will not hide my children from me. I will visit the three of you always." Pambungad niya isang araw nang makapasok siya sa kwarto ko.

Medyo may hang-over pa ako sa pinagusapan namin kaya't medyo nagloading ako. "Huh?"

"You want space? I'll give you some but you won't totally distance yourself from me. We'll just live separately. We are after all still married."

"For you." Napabalik ako sa realidad nang abutan niya ako ng rosas. Medyo nagulat naman ako. Naalala ko yung sa isla. Gaya noon. Isang rosas lang din ang ibinigay niya. Ayokong umasa kaya nagpasalamat lang ako at nilagay sa nakita kong vase ang rosas.

"Magbihis na kayo, ipapasyal ko kayo. Pwede ka pa naman pumasyal diba?" Nagaalala niyang tanong.

Naasiwa naman ako pero bahagya ring natawa, "Buntis ako, Sylvestre. Hindi baldado."

"Sige. Bihis ka na, ako na magbibihis kay Thoren." Saka niya kinarga ang anak namin at pumunta sa kwarto ni Thoren. May separate na na room si Thoren dahil sa gusto na rin ni Anton. Nilagyan niya lang ng baby monitor na nakakunekta sa kwarto ko. Hindi na ako umangal.

Nagbihis na rin ako at nagsuot ng leggings at loose shirt. Naglipbalm lang ako na cherry flavor at inayos ang buhok ko sa messy bun. Pawisin kasi ako kaya alam kong magdidikit dikit lang din ang buhok ko.

Nakita kong kinikiliti ni Anton si Thoren sa baby monitor. Napangiti ako.

It's not a secret na bumabawi si Anton. Hindi ko rin naman siya sinusungitan. Papaano naman kaso makakabawi ang tao kung hindi mo bibigyan ng pagkakataon?

Aaminin ko. Maraming beses na gustong-gusto ko na siyang sungitan pero tuwing naiisip ko na bihira lang siyang mageffort, pinagpapasensyahan ko na lang. Hanggang sa nakita kong determinado talaga siya.

Tulad nung isang araw, bigla akong inatake ng matinding hilo at malupit na morning sickness, siya ang nag-alaga sa akin. To think na nakasaklay pa rin siya hanggang ngayon dahil hindi pa gaano magaling ang sugat niya sa paa. Kaya talagang naapreciate ko ang efforts niya.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon