Chapter 10

1.9K 38 28
                                    

Chapter 10


I always believed na kapag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan. At kasalukuyan ko siyang napapatunayan. Paano? Dahil pakiramdam ko iniiwasan niya ako pagkatapos nun.


Confirmed. Iniiwasan niya ako. Sa hindi nalamang kadahilanan ay ayaw niya akong makasama sa iisang lugar. Buti sana kung hindi siya obvious eh samantapang halata naman masyado!


Gaya ngayon.


"Sige na, Anton. Kumain ka na. Samahan mo na kami." yaya ni tita sa kanya. Hindi ako nagsasalita at kumakain na lang. Secretly, gusto ko siyang sumabay para makausap ko siya mamaya kung ano ba ang problema niya sa akin. 


"Ayos lang po ako. Sige po, hinatid ko lang talaga yung tubig. Mauuna na po ako." saka ngumiti na parang ngiwi naman. 


"Tumahimik ka at kumain na lang." saad ko na nagpatahimik sa lahat. Hindi ko sila pinansin. Naiinis ako sa kanya. Ang arte! Pa-virgin! OA!


Ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya't nag-angat ako ng tingin. Nakita kong mariin siyang nakatitig sa akin. Hindi ako makatagal sa intensidad ng titig niya kaya't bumalik nalang ako sa pagkain. Bigla naman siyang umupo sa upuan sa tapat ko kaya't pinigilan ko ang sarili kong mapangiti.


Poker face lang ako sa labas pero sa loob nagwiwiggle-wiggle na ako. Saglit ko siyang sinulyapan ng tingin pero hindi siya makatingin sa akin.


**


"Ba't mo'ko iniiwasan?" tanong ko sa kanya ng maabutan ko siya sa may gate. Actually, baliktad dahil pagkatapos namin kumain nagmamadali akong umalis at nagpaalam sabi ko sa kwarto lang ako pero ang totoo umikot ako para makarating sa gate ng hindi dumadaan sa harap.


Natigilan naman siya at napamura. "Fuck! Are you my stalker or what?" naiinis niyang saad. Bigla naman akong natahimik dahil parang talagang naiinis na siya sa akin. Oo nga naman kasi, Tine! Bakit ba sunod ka ng sunod sa kanya?


"May topak ka ba?" naiinis ko na ring saad. "Nung isang araw okay ka then ngayon after a week hindi na naman? Alam mo? Ewan ko sa'yo! Mas mainam pa nga hindi na lang kita pansinin. Oo nga naman bakit nga naman ba kita pinapansin?" saka ko siya inirapan at iniwang nakanganga. Bwisit siya! Bahala siyang mapasukan ng langaw ang bibig niya



"Ate, isang buwan na rin pala tayo rito ano?" tanong ni Laura sa akin. Napatingin ako saglit sa kalendaryo at wala sa sariling napatango. Oo nga no? Isang buwan na pala mahigit kaming narito. Bakit parang ang bilis lang?


"At dalawang linggo na rin kayong hindi nagpapansinan ni kuya Anton. Okay lang ba kayo ate?" napaismid naman ako nang mabanggit niya ang lalaking iyon.


"Don't say bad words. Magmumog ka."


"Parang tanga tong si ate!" aniya at pumalatak, "Naman kasi ate. Ang awkward kaya kapag nagdadala siya ng tubig sa atin tapos para kayong hangin samantalang dati sweet sweet niyo!"

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon