Chapter 4

2.4K 54 6
                                    

Chapter 4

"Oh kain na po kayo." yaya ko sa bumabang si tita Krista at kapatid kong si Kristine. Agad namang tumakbo papalapit sa amin ang kapatid ko, "Wow ate! Nagluto ka?" nakangiting tanong niya. Natawa naman ako bago tumango, "Tinulungan ko na lang si nana. Nakakahiya kasi bagsak na bagsak ako kahapon e." 

Umiling naman si tita Krista, "Nako! Ano ka ba naman Tin! Hindi ko kayo pinapunta rito para manilbihan no? Ayos lang kahit matulog kayo magdamag. Walang problema." saad niya at ngumiti. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit hindi man lang nagkakaboyfriend ulit itong si tita Krista e bata pa naman siya. 37 years old lang siya pero biyuda na. Wala rin naman silang anak kaya't mag-isa siya sa buhay. 

"Eh hindi ho papayag si nanay nun. Alam niyo naman po si nanay namin." saad ni Kristine habang tinutulungan akong maglagay ng plato. "Sabay na po kayo." yaya ko sa ibang kasambahay. Ngumiti lang sila at umiling, "Sige lang po. Ayos lang po kami." 

Nanalangin lang kami at nagsimula nang kumain. "Tin, saan ka ba mag-aapply nang trabaho?" ngumuya muna ako bago sumagot, "Doon sa Maynila lang din po tita. May isang specific company rin po kasi na tumawag sa akin. Baka doon na lang po." saad ko at ngumiti. Sasagot pa sana siya nang biglang may mag doorbell. 

"Ah baka yan yung tubig." tatayo na sana si Tita Krista nang pigilan ko siya, "Sige na po tita, ako na lang po ang magbubukas. Tapos na rin naman po akong kumain." saad ko at pinunasan ang bibig ko. 

"Ang konti naman ng kinain mo." nakasimangot na saad ni tita, "Ay nako tita, ganyan po talaga si ate." rinig kong sabad naman ng kapatid ko. Naglakad na ako papunta sa pinto at binuksan ito. 

Laking gulat ko naman ng makita ko yung Anton na nakatayo sa harap ko at may hawak na papel. May tatlong galon din siya na mineral water sa tabi niya, "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Nag-angat naman siya nang tingin sa akin tsaka ngumisi. Heh! Ngisi ngisi mo diyan? 

"Dito ka pala nakatira." di siya nagtatanong kundi parang amazed pa siya na nadito ako. Sumimangot naman ako, "Ano naman sa'yo?" nakasimangot kong tanong. Ano bang problema nang lalaking ito? Bakit parang natatawa pa siya na nandito ako? 

"Let me guess? Ikaw ang nagluto?" nakangisi niyang saad. Tumaas ang kilay ko, "Oo ako nga? Ano nga yun sa'yo?" naiirita kong tanong. Nginuso niya naman ang katawan ko at ngayon ko lang narealize na naka-winnie the pooh apron pa pala ako. Nakagat ko ang labi ko sa hiya. "Bata talaga." bulong niya sa tenga ko at pumasok sa loob. 

Tiningnan ko naman ng masama ang likod niya, "Pasok ka! Pasok!" sarkastikong sabi ko na nagpatawa lang sa kanya. Dala dala niya ang dalawang galon ng tubig. Edi ikaw na! Ikaw na ang malaki ang katawan at malakas! 

Pagpasok naming dalawa ay nakita kong nagbulungan yung ibang katulong. May iisa pa ngang naglakas at bumati, "Hi Anton." saad nito at inipit ang tumakas na buhok niya sa tenga. Nakita ko namang kumindat si Anton sa kanya. Napailing na lang ako. Ang kalandian talaga nitong lalaking ito anytime anywhere! 

"Ay tita! Di niyo naman sinabi na pogi pala itong magdedeliver ng tubig!" makapal na saad nang kapatid ko. Tumawa lang ng mahina si Anton at kinindatan si Laura. Tumaas ang kilay ko, "Hoy Anton, tigilan mo yung kapatid ko." pagsuway ko sa namumuong kalandian ng kapatid ko at ni Anton. 

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon