Chapter 26

1.8K 33 43
                                    

Chapter 26



"Close your eyes,"


Kasalukuyan akong inaayusan rito sa kwarto ko. Nakatingin sa akin si Thoren habang karga karga siya ni nanay. Malungkot ang ekspresyon nilang dalawa ni Laura kaya't pinilit kong ngumiti. "Ano ba kayo. Smile naman d'yan!" pagpapagaan ko sa tension na namumuo.


Akala ko lahat ng ikakasal ay masaya? Pero bakit ako parang ibuburol?


Huminga ako ng malalim. Kasal ko na ngayon. Sa Huwes lang. Hindi ko pa kayang humarap sa Diyos at mangako ng pawang kasinungalingan. Ngumiti ako sa nagmake up sa akin nang matapos siya. Alam kong medyo may nasesense na ang babaeng ito pero hindi lang nagsasalita.


Lumabas na kami mula sa hotel na nirentahan namin at sumakay na sa sasakyan nina Anton na susundo sa amin. Tumigil kami sa isang magarang mansion. Akala ko ba...


"Judge parin ang magkakasal sa inyo pero garden wedding hindi sa mismong opisina lang ng judge," paliwanag ni nanay. Natahimik naman ako. Ano pa bang masasabi ko? Eh sarili kong kasal wala akong kaalam alam sa mangyayari.


"Anak, alam mo bang pari man o judge ang magkakasal sa inyo ay pareho lang ang epekto?" napatingin ako kay nanay na nakangiti sa akin. Ano't tina-topic niya ito?


"Napapansin ko kasi na parang malungkot ka. Dahil ba Judge lang ang magkakasal sa inyo? Wag mo yung isipin. Ang alam ko, pari man o judge ay parehong legal ang kasal. Sabihin na nating kapag priest, minister o pastor ang magkakasal ay pakiramdam natin mas mabisa kasi sa simbahan talaga at sa harap ng Diyos kayo mangangako. Wag mo na masyadong isipin 'yon anak. Ang isipin mo nalang, mabibigyan mo na ng buong pamilya ang anak mo. Nanay ka na rin Cristine, at hindi dapat puro sarili ang iniisip mo. Minsan kahit mahirap, o masakit ay kailangan nating isalang-alang ang bata." mahabang litanya ni nanay.


Napaisip naman ako at bahagyang nahiya. Totoo ang sinabi ni nanay. Matanda na ako. May anak na nga eh. Pero eto ako at sarili kong kaligayahan ang iniisip. Napatingin ako sa anak kong karga-karga ng kapatid ko. Kailangan siya lang ang isaaalang-alang ko. Dapat siya ang priority ko.


**


"Do you Raymond Anthony Sylvestre take Cristine Lauren Javier as your lawfully wedded wife?"


"I do." walang buhay nitong sagot. May kung anong kumurot sa dibdib ko.


"Do you Cristine Lauren Javier take Raymond Anthony Sylvestre as your lawfully wedded husband?"


"I-I..." don't. Napatingin ako sa anak ko na nakangiti sa akin. Huminga ako ng malalim. Para sa'yo, Thoren. Gagawin 'to ni mommy para sa'yo. "I do."


Napansin kong nakatitig ng matagal sa akin si Anton pero hindi ko naman mabasa ang nasa isipan niya. Ano bang iniisip mo ngayon ha, Anton? Masama ba ang loob mo dahil pumayag ako? Galit ka ba sa akin dahil sa akin ka ikinasal at hindi sa babaeng mahal na mahal mo ha, Anton?

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon