Chapter 15

1.8K 33 10
                                    

Chapter 15


Present time



"Ate bilisan mo! Malelate ka na sa trabaho!" Sigaw ni Laura sa akin. May dala dala siyang tuwalya at medyo haggard ang itsura.


"Oo saglit lang! Saglit lang diba?" Huminga ako ng malalim. "Hoo! I can do this!" Finally kasi after 6 months, mareregular na ako.


"May magbababye daw kay mommy oh!" Nilingon ko si Laura at ang umiiyak na bata sa bisig niya. Nalungkot naman ako at nag-alangan na umalis. Parang laging unang beses na magkakahiwalay kami ng anak ko.


Oo, anak ko. Anak namin ni Anton.


Hindi ko inakalang magbubunga ang nangyari sa amin ni Anton. Hindi ko inasahan at hindi ko ginusto. Pero hindi ibig sabihin, ay hindi ko na siya mahal. Nung una medyo hindi ko siya agad matanggap pero pagkatapos ng ultrasound at narinig ko ang heartbeat niya ay agad ko siyang minahal. Dugo at laman ko rin naman siya.


Sa ibang bahay na ako nakatira. Malayo na kina nanay dahil tinakwil nila ako nang malamang nabuntis ako at walang ama. Hanggang ngayon ay masama pa ang loob nila sa akin pero hindi ko sila masisisi. Kung sakaling gawin sa akin yun ng anak ko ay talagang sasama ang loob ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita si Thoren dahil wala pa akong lakas ng loob bumisita sa kanila.


Naiwan si Laura sa bahay namin dati. Gusto niya sanang sumama pero alam kong mas kailangan siya nina nanay at daddy.


Hinalikan ko ang pisngi ni Thoren at pinunasan ang mukha niyang may tumutulong luha. Naman e! Bakit kasi di ko kayang iwan ang anak ko?


"Balik lang si mommy ha? Love you baby boy." Saka ako nagmamadaling umalis. Pagkalabas ko ng bahay ay rinig ko pa ang iyak ni Thoren na nagpasama ng loob ko.


Sumakay na ako sa kotse ko at lumarga papunta sa S&A inc., ang kumpanyang pinagtatrabahuan ko.


Huminga ako ng malalim bago pumasok sa nasabing building. May mga taong nakatingin lang sa akin pagpasok ko, meron rin namang wala lang. Yung mga kakilala ko naman ay nginitian ako.


"Good Morning, Miss Javier. Pinapatawag po kayo ni Mr. Cayabyab." bungad sa akin ng sekretarya ni Mr. Cayabyab. Napangiti naman ako. "Ngayon na ba agad?"


"Opo,"


"Okay papunta na ako. Thank you."


Pagkarating ko sa office ay kumatok muna ako. "Pasok!" Sigaw ni Mr. Cayabyab mula sa loob kaya pumasok na ako. Nakangiti ang matanda sa akin. Pero para may mali sa ngiti niya.


"Pinapatawag niyo raw po ako?" Magalang na tanong ko sa kanya.


"Ah, yes." Tumayo siya at iminuwestra ang upuan sa tapat niya. "Sit, Miss. Javier," ano ako aso? Pero umupo rin naman agad ako.


I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon