Chapter 23

1.6K 29 7
                                    

Chapter 23


Hindi ko matingnan si Anton habang pinapaliwanag sa kanya ng tatay niya ang nangyayari. Ayoko siyang tingnan. Ayokong makita ang pagkamuhi sa mga mata niya. Ramdam na ramdam ko ang intensidad ng titig niya sa akin at ayokong salubungin iyon. Duwag na kung duwag, wala akong pakialam.


"Are you insulting me?" malamig ang boses na tanong ni Anton. "Are you fucking kidding me?"


"Raymond!" saway ng dad niya sa kanya, "No cussing in front of the child."


Narinig ko ang pagtawa ng pagak ni Anton, "I don't care. That fucking child is not mine!" he roared. Napangiwi ako lalo na nang magsimula nang umiyak si Thoren.


"Shh, baby. Tahan na." alo ko pero panay parin ang iyak niya. Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay ang pagtulo ng luha ko. He denied our son. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong malaman ito ng kung sino. I started humming para tumahan si Thoren.


"Make that damn child shut up, Lauren." malamig ang boses na saad ni Anton. I flinched at the hatred in his tone.


"Gago ka ba? Huwag mong gaganyan ganyanin ang anak at apo ko!" sigaw ni daddy. Hindi ko maiwasang hindi sumama ang loob sa kanya. Gusto kong sisihin si daddy. Kasalanan niya kung bakit nangyayari ito dahil pinilit niya ako. Pero wala na naman akong magagawa dahil nangyari na ang kinakatakot ko.


"It's your fault, Mr. Javier. You brought that to your family." hindi ko siya tiningnan ng diretso pero kita ko sa peripheral vision ko na bumaling ang tingin niya sa akin. "Pinapaangkin niyo ang batang hindi ko anak? Sa tingin niyo sinong hindi magagalit? This could ruin my relationship with my fiance!" matigas niyang saad.


Napalunok ako dahil tila bilyong karayom ang tumusok sa puso ko ng sabay sabay sa binitiwan niyang salita.


"Kitang kita ng dalawang mata mo na kamukhang kamukha mo ang anak mo tapos itinatanggi mo pa? Kuya Anton, anong klaseng lalaki ka?" naluluhang tanong ni Laura. Ramdam ko ang awa niya sa akin.


Hindi ko na napigilang sumigaw, "Stop! Stop! Tumigil kayo dahil rinding rindi na ako sa boses niyong lahat!" galit na sigaw ko sa kanila. Napatingin sila sa akin.


"Naaawa kayo sa akin? Dad, Laura? Samantalang kayo ang nagpumilit na pumunta ako rito?" nakita ko ang sakit na dumaan sa mata ni daddy at Laura pero wala akong pakialam. Kanina pa ako pinaguusapan at nilalait rito, madaya naman kung hindi ako sasabat.


"At ikaw Anton," baling ko sa kanya at naglakas loob na rin sa wakas na salubungin ang nakakamatay niyang tingin, "Alam mong hindi ako pariwarang babae. Kung hindi mo kayang tanggapin ang anak ko, edi wag! Hindi ka naman namin kailangan! Pero para lang malaman mo, totoong ikaw ang tatay ng anak ko!" mariin na saad ko at tumalikod.


Natigilan ako ng makita ko ang mala-anghel na mukha ni Solemn sa tapat ng pinto. Hilam ng luha ang kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero kung tutuusin mas nakakaawa naman ako kaya ipinagwalang bahala ko ang awang nararamdaman ko at nagmamadaling lumabas.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon