Chapter 13

1.7K 33 13
                                    

Chapter 13

Isang linggong wala si Anton. Ang sabi niya may lalakarin lang daw siya. Pero kahit wala siya hindi tumigil ang sweet letters at roses. Kasalukuyan akong nakaharap sa computer at nakikipagchat sa mga kaibigan ko. Dalawang linggo nalang at uuwi na ako saka maghahanap ng trabaho.

Dalawang linggo nalang at matatapos na ang kahibangan kong ito. Bigla kong sinara ang laptop at napahawak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa isipin na iiwanan ko si Anton ay nalulungkot ako.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako dating ganito. May mga nagiging crush naman ako pero hindi naman ganito. Posible bang...?

Napangiwi ako. Ew. Ang cheap ko naman siguro kung magmamahal ako agad ng lalaking magdadalawang buwan ko palang kilala? Ganun na ba ako kawalang experience sa lalaki?

Hindi ko alam pero bigla ko nalang nakita ang sarili kong kausap ang mga kaibigan kong sina Jensen, Camille, Leann, Nicole at April sa conference call sa phone.

Imbes na payuhan ako ay tinawanan ako ng mga walanghiya.

"Oh my gosh guys! Dalaga na si Tine." Ani Jensen at humalakhak. "Ulol kasi!" Naiinis na saad ko.

"Hindi na siya mamamatay na virgin." Ani Nicole na nagpatawa sa grupo kahit sa akin. Walanghiya ang mga ito.

"Sagutin niyo kasi ng maayos ang mga tanong ko!" Ani ko sa kanila.

"Alam mo namang hindi mo makakausap ng matino ang mga iyan. Ano ba gusto mo malaman?" Tanong ng medyo matino na si April. Buti pa 'to.

"Eto nga, sa magda-dalawang buwan ko na nanatili rito. Hindi niya ako tinigilan. Hindi ko na alam, Aps. Parang gusto ko na talaga siya. Ewan ko ba. Medyo awkward pa kapag sinasabi ko out loud pero ano...er..." di ko mapatuloy ang sasabihin ko dahil nakakailang.

"Tatapusin mo yan o sasabunutan kita?" Saad ni Leann.

"Ano kasi...nakakailang." kiyemeng saad ko.

"Tine!" Halos sabay-sabay nilang sigaw kaya nagulat ako at agad naibulalas ang nasa utak ko.

"I think I'm in love with him!"

Saglit na natahimik ang mga tao sa kabilang linya. "Huy guys, violent reactions please?" Kinakabahan kong saad.

"Oh my God, seryoso siya."

"Shit akala ko nagloloko lang?"

"Hala! Di nga?"

"Dalaga na siya."

"Confirmed. Di na siya mamamatay na virgin."

Napairap ako sa response nila. Only them. Only them would make this situation light. "Guys naman e. Seryoso kasi ako. Posible ba 'to?"

Bigla silang naging seryoso, "Posible, Tine. Lalo na sa iyo na wala pang actual experience sa ganyan. Lalo na dahil sa kwento mo masyado siyang sweet." Ani Leann.

"Pero di ba masyadong mabilis?"

"Para sa akin masyado pang maaga but then again ibang tao ka naman. Hindi ikaw ako kaya magkaiba tayo ng pananaw." Sagot ni Nicole.

"Pero ingat ka lang. Kasi babalik ka after two months diba?" Saad naman ni Camille.

"Oo. Andyan sa Maynila ang buhay ko. Wala rito. Babalik at babalik ako diyan." Sagot ko.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon