Chapter 20

1.8K 33 1
                                    

Chapter 20


"Tine?"

Napatingin ako sa pinto ng tinitirhan namin nang makita ko si Mark na nakatayo. It has been weeks mula nang madischarge ako sa hospital. I'm still healing may mga parte pa rin ng katawan ko na medyo nananakit.

Pero hindi yun ang point. Ang point eh paano niya nalamang dito ako nakatira?

"Can I...can I come in?" Tanong niya sa mababang tinig habang nakatitig sa akin. Tinitigan ko muna siya saglit bago pinagpatuloy ang pagpapakain kay Thoren. "Sige," sagot ko.

Narinig ko naman ang tunog ng paa niyang naghuhubad nang sapatos. Ganun katahimik ang buong bahay. Wala kasi si Laura. Nakaseparate parin kasi ako ng bahay kahit pa nagkaayos na kami nina nanay.

"Nandito ka ba para alukin ako ng pera gaya ng ginawa ng nanay mo?" Tanong ko nang hindi siya tinatapunan man lang ng tingin.

Napansin kong natigilan siya, "No! Of course not," medyo naoffend siya base sa tono ng boses niya. Nagkibit balikat ako.

"Eh bakit ka nandito?"

"Gusto ko kayong kamustahin..." nakikinita kong may idadagdag pa siya, "...at humingi ng tawad." Doon niya nakuha ang atensyon ko.

"Ha? Bakit?"

"Marami akong nasabing masasamang salita. I've been insensitive. And for that I'm sorry." Nailang ako sa paraan ng paninitig niya kaya medyo umatras ako.

"Ano...ayos na 'yon. Tama ka naman e. Hindi ako pinilit ng nanay mo na magpabuntis." Sagot ko at tinapunan siya ng tingin. Lumungkot ang mukha niya at yumuko. "Sorry talaga,"

Naawa naman ako dahil nasisense ko naman na sincere siya. Shet! Bakit kasi pinanganak akong mabait? Kainis tuloy minsan kasi hindi nagtatagal ang galit ko.

Tinapik ko ang balikat niya, "Ayos na kasi 'yon. Wag mo nang isipin."

Nagangat siya ng tingin at binigyan ako ng nakakasilaw na ngiti. Natigilan naman ako dahil dun. Medyo kumalabog ang dibdib ko at medyo uminit ang pisngi ko. Oh no, I'm blushing?

"Kamukhang kamukha niya talaga si kuya," ani Mark

Napangiti naman ako bago binaling ang atensyon ko sa anak kong nakatitig lang sa amin. Milagro at nananahimik ito ngayon? "Oo nga eh. Carbon copy. Ang unfair nga kasi nine months ko siyang dinala tapos di ako ang kamukha niya?"

"Siguro kasi mahal na mahal mo si Kuya?" Kumalabog naman ang dibdib ko sa sinabi niya.

"H-ha? Anong konek?" Tanong ko kaya natawa siya. Lintek ayan na naman ang nakakasilaw niyang ngiti.

"Sabi kasi nila kapag ang anak daw ay kamukha daw ng papa. Mahal na mahal daw ng mama ang papa. Vice versa naman kapag mama ang kamukha ng bata." Natawa nalang ako sa sagot niya.

"Naniniwala ka pala diyan? Sus sa genes lang yan. Nagkataon na mas dominant ang genes ni Anton kesa sa akin na recessive." Sagot ko. Biglang napahawak sa ilong si Mark.

"Teka nagsisimula ka na bang maglesson ng science?" Biro niya kaya napahalakhak ako.

"Loko ka talaga." Naiiling na saad ko.

"Balita ko, wala ka pang trabaho?" Usisa niya. Nagkibit balikat ako bago tumango. "Gusto mong sa kumpanya magtrabaho?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw ko nga makita ng kuya at mommy mo ang anak ko sa inyo na tuloy ako magtatrabaho? Ano ako hilo?" Ismid ko.

"Why not?" Aniya, "Ako ang bahala sa'yo. Saka kailangan mo na ng trabaho. Pumayag ka na, Tine. Ako na gagawa ng paraan." Tinitigan ko siya ng nag-aalangan.

"I don't know..."

**

Hindi ko alam kung anong pinakain sa akin ng lokong iyon at nakita ko nalang ang sarili kong nakatayo sa Sylvestre & co. Nababaliw na ba talaga ako? May umiiwas bang mag-aapply sa kumpanya ng iniiwasan? Wala! Ako lang ang loka-lokang gumawa nun.

"Ma'am papasok po ba kayo?" Medyo nayayamot na tanong ng gwardya sa akin. Inismiran ko siya ng palihim. Hindi niya ba nahahalata na gumagawa ako ng pinakamadugong decision making sa tanang buhay ko ever?!

Okay, kalma.

"Papasok ako kuya." Saka ako pumasok sa loob. Narinig ko pang bumulong-bulong si kuya pero dedma na ako. Napabuntong hininga ako. Nagkaanak na ako at lahat, hindi parin nawawala sa akin ang pagiging loka-loka. Nagdududa na tuloy ako kung nalaglag ba ako nung bata pa.

Sumakay ako ng elevator at gaya ng sabi ni Mark ay pinindot ko ang 25th floor. Floor niya daw ito sabi niya. Ang kay Anton ay 30th floor pa so may limang palapag pa bago magcollide ang landas namin. At hinihiling ko na sana hindi ko na siya makita pa.

Medyo napapaisip ako minsan kung may nararamdaman pa ba ako kay Anton o nasasanay na lang ako na sabihin sa sarili kong meron pa.

Bigla akong nabangga kaya nabalik ako sa katinuan. "Oh! I'm sorry miss." Napaangat ako ng tingin at nakitang isang lalaking mukhang may lahing banyaga ang nakahawak sa braso ko. Medyo natulala ako sa kagwapuhan ng seryoso niyang mukha. Sine etey?

"Okay lang po." Tumango siya at iniwan ako. Pasimple ko namang hinabol siya ng tingin at nakita kong halos lahat ng babaeng empleyadong nadadaanan niya ay halos mag hugis puso ang mata.

"Pogi ni sir Ford no? Siya ang company lawyer ng Sylvestre & co.!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsasalita ng babaeng nasa gilid ko pala. Ngumiti naman siya sa akin, "Hi! Ako si Ara! At ako ang secretary ni sir Mark. How may I help you ma'am?" Ah siya pala ang secretary. Medyo bubbly siya kaya nakakatuwa. Napansin ko rin ang halatang baby bump sa kanya.

"Ah, pinapunta kasi ako rito ni Mark--este sir Mark pala." Bahagyang kumunot ang noo niya na parang may inaalala. "Ah!" Nagningning ang mga mata niya. "Ikaw ba si Cristine?" Napatango naman ako.

"Napakilala ka na nga ni sir sa akin. Ikaw raw yung papalit sa akin. Magreresign na kasi ako dahil nga you know?" Aniya at tinuro ang baby bump. Ngumiti naman ako. Naalala ko nung buntis palang ako kay Thoren.

Pero secretary? Nakakaloka. Wala bang iba? Ang layo naman ng secretary sa kursong tinapos ko 'no? Pero choosy pa ba ako? Starters pa lang naman daw e. Sige na nga.

"Kelan naman daw ako pwede magsimula?" Ngumiti siya.

"Sa friday na nga pala ang effectivity ng resignation ko so baka sa friday ka pa actually magsimula. Pero for now, I will train you siguro. Anyway,nasa loob naman si sir Mark para makausap mo. Sabihan ko lang," lumapit siya sa intercom para siguro sabihan si Mark.

"Sir andito na po yung sinasabi niyong papalit sa akin." Nakangiti na sabi ni Ara. Nagulat naman kami pareho nang bigla siyang magmura.

"Really? Shit!" Mahina lang pero rinig na rinig namin. Nagmamadaling bumukas ang pinto at lumabas si Mark. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Nakita ko ang panic sa mga mata ni Mark pero bago pa ako magtanong kung bakit ay may isang pigura pa na lumabas mula sa pinto. Nanigas ako nang makita siya at tila hindi naman makapaniwala ang mukha niya nang makita ako.

"Lauren?" Mahinang bigkas niya sa pangalan ko.

"Anton," sagot ko. Shit!

---------------

The (medyo) long wait is over! Tadaah! Nagkita na sila. Kailangan eh. Para magsimula na ang kalbaryo ni Tine. Ano, pahirapan ko na? *insert evil laugh*

Comment your reactions down.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon