Chapter 16

1.7K 39 12
                                    

Chapter 16

Napatigil ako panandalian sa narinig ko. Mali lang naman ang pagkarinig ko diba? Hindi niya naman siguro sinabi ang pangalan ni Anton diba? No. Wala akong narinig. Ibang tao yun. Hindi. Tama, hindi.

"My other son Raymond Anthony Sylvestre also known as Anton in this filthy place."

Napalunok ako at nagbadya ang luha sa mga mata ko. Nilingon ko ang babae pero nakasakay na ito sa elevator. May kung anong kumurot sa dibdib ko. Dalawa't kalahati mahigit na taon rin mula ng huli kaming magkita. Hindi ako dapat magulat kung may iba man siyang makilala. Dapat hindi ako masaktan. Ako ang nangiwan diba? Deserve ko 'to. Tama. Dapat lang na nararanasan ko ito kasi ako ang nang-iwan. Besides, hindi naman talaga niya ako minahal.

"Hay nako, Raymond Anthony Sylvestre ang OA mo. Hindi ako napano okay? Yeah right, I love you too."

Napahawak ako sa dibdib ko. Sumakay ako sa kotse ko bago doon binuhos lahat ng sama ng loob ko. Hindi mawala wala sa utak ko na sinabihan ng babaeng iyon kung sino man siya si Anton ng 'I love you too,' mga salitang hindi sinabi sa akin ni Anton.

Pagkarating sa bahay ay napatingin sa akin si Laura na matigas ang ekspresyon pero nang makita niya ako ay lumambot ang mukha niya. "Ate?" Umiling lang ako at tumakbo sa kwarto ni Thoren na connect ng akin. Sinara ko ang pinto at napadusdos pababa.

Doon ako umiyak ng umiyak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Doon ako umiyak ng umiyak. Napatingin ako sa anak ko na kamukhang kamukha ni Anton. Kinarga ko siya kahit tulog pa at niyakap. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako kakaiyak.

**

"Ate? Anong gagawin mo ngayon?" Tanong sa akin ni Laura. Andito kami ngayon sa mall. Hindi kasi mapakali si Thoren sa bahay. Bihira naman siya gumanito kaya pinagbibigyan ko na. Pag hindi kasi siya mapakali gusto niya lang ipasyal siya.

"Maghahanap ng bagong trabaho. Ano pa ba?"

"Ate," panimula niya. "Isang linggo mahigit ka nang naghahanap ng trabaho at so far wala pang tumatanggap sa iyo. Which is unusual dahil matataas ang grado mo. You're the cum laude ate for Pete's sake!"

"Minsan kasi hindi lang matalino hanap nila." pagdedepensa ko. Totoo naman kasi. Minsan hindi lang talino ang pinagbabasehan. Kasali yun pero most companies tinitingnan yung kabuoan. Sabi nga nung nakaraang pinagtrabahuan ko, magaling pero di sapat.

"Paubos na ang pera mo ate." Maya maya ay tiningnan niya ako na para bang may naisip siya. "Ate bakit hindi ka mag-apply sa Sylvestre & co.?" Napahinto ako kaya napatingin siya sa akin.

"Tell me you're joking," ani ko sa kanya at nauna nang maglakad. Sumunod naman agad siya sa akin.

"Come on ate, you have to admit that I have a point." Point out niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumigil ako sa harap niya, "This is not a joking matter. And. You. Know. That! Iniiwasan ko nga ang pamilya niya tapos magtatrabaho na tuloy ako sa kanila? Umiwas pa ako eh ano?" Sarkastiko kong saad.

"Pero wala kang ibang choice ate! Anong gusto mo magutuman kayong mag-ina? Konti lang ang maitutulong ko at alam mo yan. Ayaw mo naman humingi ng tulong sa mga kaibigan mo." Napaiwas ako ng tingin kay Laura at binaling ang tingin ko sa 1 year and 2 months ko nang anak. Nakatitig ito sa akin at pinaglalaruan ang buhok ko. Nakakapanibagong tahimik ang batang ito. Para bang ayaw niya muna manggulo kasi alam niyang may problema ako.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Laura at binalingan si Thoren. "Baby boy, gusto mo na mag-eat?" Tumingin siya sa akin bago tumango at sumandal sa dibdib ko. Napangiti naman ako.

"Ewan ko sa'yo ate! Lagi mong iniiwasan ang problema! Ewan ko sa'yo! Diyan ka magaling." Saka niya ako iniwan.

May kung anong kumirot sa dibdib ko sa sinabi niya. Tama naman siya e. Magaling akong magtago,umiwas at lumayo. Magaling rin akong kumimkim ng problema. Bakit ba kasi ako ganito? Hindi naman to dahil sa pride. Napabuntong hininga ako at napatingin sa gilid ng parking lot ng mall. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Leann, kaibigan ko, na nakikipaghalikan sa isang lalaki. Tinakpan ko ang mata ni Thoren. Pambihira talaga to si Leann. Pumi-PDA. Natawa nalang ako ng bahagya. Nagtampo pa ako kay Leann nung isang araw. Medyo masakit kasi ang sinabi niya sa akin pero hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kaibigan. Hindi ko ata yan kayang gawin e.

Napailing nalang ako at pumasok na sa mall. Tumigil ako sa tapat ng isang restau at kinuha ko ang phone ko pero nagulat ako nang bumangga ako sa kung sino. "Ay!" Ani ko.

Umismid lang yung bakla na nakabangga sa akin. Ngayon ko lang napansin na medyo marami-rami ang tao sa lugar na ito. Wow anong meron?

"Sorry ma'am, reserved po ang buong lugar ngayon kasi may engagement party na ginaganap dito." Ani ng guard. Tumango naman ako. Wow. Ang bongga. Aalis na sana ako kung hindi ko lang nakita kung sino ang nakaupo sa isang grand piano ng restau na usually may nagpiplay habang kumakain.

Sina Anton at isang hindi ko kilalang babae.

Nanigas ako ng makita ko si Anton. Nakangiti siya habang nakatingin sa babaeng nagpipiano sa tabi niya. Malayo ako pero kitang kita ng dalawang mata ko ang adoration sa mukha niya habang nakatingin sa babae. I want to think na magpinsan lang sila o magkamag-anak pero nang malapit na silang maghalikan pagkatapos magpiano ng babae ay tila pinagpupunit ang puso ko.

Hindi lingid sa akin na panay ang tulo ng luha ko. "Anton," puno ng pait na bulong ko. Medyo may habaan na ang buhok niya at bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Sa katunayan, bagay na bagay siya sa buhay na ito. Katunayan na tama ang desisyon kong iwanan siya dahil dito naman talaga siya nababagay gaya ng sabi ng mommy niya.

Magically, as if he heard me, bigla siyang lumingon sa akin kaya hindi natuloy ang paghahalikan nila. Kumunot ang noo niya na parang inaaninag ako. Hindi sinasadyang napatingin rin ako sa isang babae na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Ang nanay ni Anton na ayaw na ayaw sa akin at nakatingin siya sa batang kaga-karga ko. Tumayo si Mrs. Sylvestre.

"Mommy," Umungot si Thoren kaya tila ba natauhan ako at nagmamadaling lumakad palayo.

Nang makalayo na ako ay napahawak ako sa dibdib ko bago napatingin kay Thoren. Muntikan na. Muntikan na nilang makita si Thoren dahil sa katangahan ko. Hinalikan ko ang noo ni Thoren na nakatitig lang sa akin. "Bakit ka iyak mommy?" Medyo may pagkabulol na tanong niya sa akin.

"Nothing baby, don't forget na love ka ni mommy ha? I love you baby," more than I love your father kaya hindi ko hahayaang makita ka ng pamilya nila dahil alam kong hindi ka nila tatanggapin. I'll protect you no matrer what.

---------

Short update. Hays malapit na kasi ang valentine's day. It's my personal independence day. Haha. Just Kidding.

Comment your reaction.

Ciao!

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon