Chapter 8

1.8K 39 15
                                    

Chapter 8



Nababaliw na ako. Panigurado 'yon. Bakit naman ako makakaramdam ng selos? Fore Pete's sake wala pa nga kaming isang buwang magkakilala! Saka ano ba naman, Tine! Alam mo naman na naturalesang manyak 'yong si Anton. 'Wag na 'yon ang gustuhin mo please?


"What are you doing?"


Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Agad kong iniwas ang tingin ko nang makitang si Anton pala 'yon. Ang bilis niya naman atang nakababa mula sa speedboat? O sadyang kanina pa ako tulaley dito? Napansin ko ring nakasuot na siya ng blue na long sleeves at may salamin. Saglit kong tinitigan ang suot niya, talaga bang gwapo siya at magaling magdala ng damit o sadyang mukhang pang mayaman ang suot niyang damit?


"Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" balik tanong ko at hindi sinagot ang tanong niya.


Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo sa sagot ko, "Stop answering my questions with questions." hindi nakalagpas sa akin ang authoritative voice niya. Huminga ako ng malalim at saka siya hinarap. Nakita kong natigilan siya sa itsura ko. "Bata?"


"Who are you really, Anton?" natigilan naman siya sa tanong ko. Hindi ko pinalampas ang pagtatagis ng kanyang bagang at paniningkit ng mga mata niya sa likod ng salamin. Hindi ko talaga gusto sana na mangulit pa pero lahat ng galaw niya ay parang naguudyok sa akin na malaman kung sino talaga siya.


"Hindi ba't napag-usapan na natin ito, Lauren?" Lauren. Lauren ang tawag niya sa akin dahil yun ang tawag ni nana marcie sa akin at yun rin ang tawag niya sa akin kapag seryoso siya. Pwes kung seryoso sya, seryoso rin ako.


"I don't know, Anton. You tell me. Bakit nga ba lahat ng galaw mo kabaliktaran sa gusto mong ipakita? You appeared as the poor guy who lost his memories and is working hard for I-don't-know-what but the way you dress, the softness of your hands tells me otherwise. Tell me, Anton. Who are you really?" tanong ko sa kanya at sinalubong ang nanga-ngalit niyang titig.


He's mad. I know he is. I don't know my reason kung bakit gustong gusto ko siyang kilalanin. Hindi ko alam kung bakit kinukulit ko siya o kung bakit nagagalit ako kapag hindi siya nagsasabi ng totoo. Bakit nga ba?


"Why, Lauren? You think you're so fucking smart that because of your observations you already have an idea of what my life was before? So what if you're right? Paano kung ganon nga? Paano kung tama ka? Ano naman ang paki-alam mo? Kaano ano ba kita? You're not my wife nor girlfriend to ask me questions like that as if I owe you an explanation. Because, honestly babe? I don't." saka niya ako tinalikuran.


Hindi gaanong nagregister sa akin ang mga salita niya. Kahit pa ang pagtawag niya ng babe ay hindi ko gaano pinansin. Ang talagang tumatak sa utak ko ay ang tanong niya.


'Kaano ano ba kita?'


Para iyong sampal mula sa realidad. Tila tinablan ako ng hiya. I'm neither his wife nor his girlfriend for him to answer those questions. Tama naman siya ah? Pero bakit masikip ang dibdib ko? Bakit nalulungkot ako? Bakit may luhang tumutulo sa mga mata ko? Ano bang mali sa sinabi niya e tama naman? Hindi niya ako kaano ano. Isa lang ako sa mga kakilala niya rito sa isla.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon