Chapter 32

1.8K 40 7
                                    

Chapter 32


"Hindi 'yun ganun." Sinubukan kong magpaliwanag pero inirapan niya lang ako. Parang may pumitik naman sa akin. Naiirita ako sa reaksyon niya.

"Alam mo kung susungitan mo lang ako, iiwan na kita rito. Leche!" Inis na saad ko at iniwan nga siya sa kwartong tinutulugan ko. Nabubwisit ako sa mukha niya.

Anak ng putakte naman baby, bakit parang napaglilihian ko ang hunghang mong tatay?

Narinig ko ang tawag ni Anton pero dinedma ko na lang. Napapailing ako habang naglalakad papunta sa kusina. Medyo nagugutom na rin ako pagkatapos ng pagsusuka ko.

Binuksan ko ang refridgerator nang makarinig ako ng boses sa may sala. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses 'yon ni Anton at ng nanay niya.

"What is this act, Raymond?" Nangagalaiti na naman ang boses ng nanay niya. Hindi ko alam pero umatake ang dugong chismosa ko.

"What act, mom?" Bagot na sagot ni Anton. Nakatayo ang nanay niya sa harap niya at nakapamewang. Ano bang pinaguusapan nila?

"This! All these weird act towards that woman." Ani nanay niya. Biglang natigilan ako.

"Is it wrong to be nice to the mother of my child?" Sarkastikong tanong ni Anton at pinaandar ang wheelchair niya. Hindi kasi yun yong traditional na wheelchair. Huminto siya sa may sofa at lumipat doon. Inalalayan naman siya ng nanay niya. "Thanks." Aniya at binuksan ang tv.

"Raymond, what about Solemn?" Malumanay na ang boses ng nanay niya. Bahagya pa akong nagulat. Ibang ginang ang nakikita ko ngayon. Hindi yung babaeng laging nakasigaw at nakaismid sa akin. Siguro dahil lang 'yon sa pagkaayaw nila sa akin para sa anak nila.

Lumapit nalang ako ulit sa ref dahil nakaramdam ako ng uhaw.

"Tell me honestly, Raymond. Do you still love Solemn?" Napatigil ako sa pag-inom sa narinig kong tanong ng nanay nila. Napalunok ako at ibinaba sa dining table ang baso dahil baka maihulog ko lang at mabasag. Malaman pa nila na naririto ako.

Matagal bago nakasagot si Anton. Namasa ang mga palad ko kakaantay sa sagot niya. Pakiramdam ko ilang oras akong nag-aantay kahit ang katotohanan ay segundo kung hindi ba minuto lang.

Pero ang sagot niya ay kinabasag ng puso ko.

"Of course, I still do."

Nagsituluan ang luha ko. Hawak hawak ko ang bibig ko para hindi umalpas ang hagulhol. I should've expected that. Hindi madaling kalimutan ang taong minamahal. Nag-antay pa ako. Baka sabihing bilang kapatid o kung ano pero wala na. Hindi na sila nag-usap.

Nagmamadali naman akong pumunta sa kwarto ng anak namin ni Thoren. Nakita kong natutulog pa siya sa crib. Umiyak ako habang nakatingin sa kanya. "Baby sorry... hindi na kaya ni mommy."

Para saan pala ang ilang linggo ng sweetness? For show? Sabi ko na nga ba. Kaya hindi dapat ako nagtitiwala sa kanya.

"You heard everything. I saw you," napalingon ako sa pinto at nakita ang nanay ni Anton. Nakakrus ang magkabilang braso nito. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko.

"Are you happy now? Are you happy that I'm hurt? That I'm broken?" May hinanakit na tanong ko.

"I'm not..." sagot niya na nagpatigil sa akin. Nagulat pa ako lalo ng ngumiti siya sa akin. "For the past few weeks. I was really surprised why he was so sweet with you. Then, last week I knew the reason." Nakita ko ang awa sa mga mata niya at doon palang parang ayoko nang malaman.

"He learned about what really happened that night. Nagalit ako sa'yo nung sa ospital dahil inisip ko, alam mo naman na bumabagyo pero hinayaan mong umalis ang anak ko. But you were right. I should've blamed Solemn. May nangyari sa kanila ng isang etranghero at yun ang rason kung bakit naaksidente si Raymond. Nagalala siya dahil hindi sumagot sa tawag si Solemn. At nang sumagot naman, puro ungol ang naririnig." Napasinghap ako. That bitch!

"Hindi niya daw sinasadya but the damage is done." Bigla naman akong nanghina.

"That's why he's sweet. Kasi pinapaselos niya si Solemn. Oh damn it." Natawa ako ng pagak bago pinunasan ang luha ko, "I've never felt so used and pathetic. Damn it! Damn it!" Galit kong sigaw at nagwala. Wala akong pakialam kung hindi akin ang bahay na ito. Wala akong pakialam kung nasa harapan ko ang mismong nanay ni Anton o kaya naman ay ang anak kong natutulog sa gilid.

"Shit! Shit!" Galit kong sigaw habang umiiyak. Pinapakalma naman ako ng nanay ni Anton pero I'm too far gone.

Hindi ko na talaga maintindihan. Ano bang naging kasalanan ko sa kanya? Wala na ba talaga akong pag-asang sumaya? Hindi na ba talaga ako pwedeng mahalin? Lagi na lang ba akong gagamitin? Hindi pa ba siya napapagod? Kasi ako tangina pagod na pagod na.

Napahagulhol ako at sinabunutan ang buhok ko. "Ang sama niya. Ang sama niyo..." paulit ulit na saad ko habang umiiyak.

"Argh!" Daing ko ng may masakit na gumuhit sa puson ko. Kasabay ng pulang likidong nakita kong bumakat sa pantulog kong puti. "A-ang baby ko..."

"Oh my God! Buntis ka?" Aniya at inalalayan ako. Pakiramdam ko ay papanawan na ako ng ulirat.

"Mark! Mark! Si Cristine!" Sigaw ni Mrs. Sylvestre habang inaakay ako. "Mark! Antonio! Raymond!" Tawag niya sa mga lalaki ng bahay.

Naririnig ko ang iyak ni Thoren. Gustuhin ko man siyang aluin ay nanghihina ako. Umiiyak na rin ako. Pakiramdam ko magkahalo na ang pawis at luha ko.

Nang wala pa rin pumasok ay inalalayan niya ako. Bigla naman may sumalubong sa amin na katulong. "Diyos ko po!" Sigaw ni manang.

"Manang tulungan mo ako! Asan sila?!"

"Mom!" Rinig kong tawag nina Anton at Mark.

"Damn it! What happened?!" Naramdaman kong umangat ako. Napatingin ako kay Mark na siyang kumarga sa akin.

"A-ang b-baby ko..." umiiyak kong saad. Sa di kalayuan ay narinig ko ang tinig ni Anton.

"Damn it! Darling, don't give up. Stay with us! Lauren! Don't fucking close your eyes." Sigaw niya nang papikit na ang mga mata ko.

I'm barely conscious on what's happening. Ang alam ko lang nasa sasakyan kami ngayon at umaandar na ito. Ang sama sama ng pakiramdam ko at gusto ko nang ipikit ang mga mata ko pero lagi akong ginigising ni Anton na siyang kasama ko sa backseat.

Hindi ako gaano aware pero may nararamdaman akong tumutulo. I managed to crack a joke, "I-ipaayos niyo n-na ng-nga itong kotse n-niyo. Tumatagos a-ata ang ulan." Dinilat ko ang mga mata ko at ngayon ko lang napansin na hindi ulan ang tumutulo.

Anton is crying at luha niya ang tumutulo sa mukha ko.

"I-I'm s-sorry." Basag na basag na ang boses niya.

Naramdaman kong may ngiting dumapo sa labi ko. "S-sorry..." I croaked out bago ako tuluyang lamunin ng dilim. Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang pagsigaw ni Anton sa pangalan ko.

--------------------------------------

Clarifications:

May mga nakakexperience ng makunan na matagal mawalan ng malay at nararamdaman pa nila ang sakit. Which exactly what happened to my tita when she had a miscarriage. So it's not necessary na mawalan agad ng malay pag nakunan or experiencing na muntik nang makunan.

I'm NOT confirming na nakunan nga siya.

Sinong nasaktan? Pakinggan niyo ang music sa taas. About broken family. Parang ganun kasi ang nangyayari kina Tine.

Comment your reactions dali!

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon