Chapter 2

3.4K 58 4
                                    

Chapter 2

"Oh, ano? Ayos na ba ang gamit mo?" tanong ko kay Kristine habang inaayos ang bag ko. Tumalon naman siya at nagtitili, "Oo naman ate! Kagabi ko pa napaghandaan yun! Excited na talaga ako!" natawa naman ako sa kanya dahil halos magsasayaw na siya sa sobrang tuwa. 

"It's not like first time natin magbakasyon." nakangisi kong saad sa kanya. Sa totoo lang kanina ko pa pinipigilan ang magtitili. Aba, nakakahiya naman kasi sa kapatid ko ano? Tumawa lang siya, "Iba naman kasi yun ate. This time kasi, tayo lang dalawa!" tuwang tuwa talaga siya. 

Isang linggo na ang nakakaraan mula nang graduation ko at nang in-announce nina Nanay at Daddy ang bakasyon na ito naming dalawa at ngayon na ang araw nang pag-alis namin. 

Bigla namang nagbukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin sa pumasok, "Nay!" sabay naming bati ni Kristine. Pinagpatuloy ko lang ang pag aayos nang gamit ko habang dinadaldal naman ni Kristine si nanay.

Nakangiti ako habang kinukwento ni Kristine kung gaano siya ka-excited sa bakasyon na ito. Kahit ako man, I'm looking forward to this vacation. Bihira lang kaya kami pakawalan ni nanay! Masyado kasing strikta si nanay. Gusto niya nung nagaaral pa ako e sa lessons ko ako nakatutok at hindi sa pagbabarkada.

Buti nga eh natanggap ni nanay ang mga kabarkada ko kung hindi baka loner ang drama ko. Alam naman niya kasing mababait yun e.

Lumapit si nanay sa akin, "Gusto mo ng tulong?" alok niya pero magalang akong tumanggi, "Nako nay, ayos na ako. Tapos na nga po ako oh." saad ko saka sinara ang zipper nang bag. Hindi naman kasi sobrang dami ang binalot ko dahil alam ko namang bibili bili din ako nang mga damit doon.

"Oh siya mag-iingat kayo ha? Matatanda na naman kayo alam niyo na ang tama at mali. Oh siya malayo pa biyahe niya mainam na umalis kayo nang madilim pa. Ihahatid namin kayo nang Daddy niyo sa pier." tumayo na siya, "Teka at magbibihis na ako." nagalad siya papunta sa pinto at lumabas. "Laurence magbihis ka na at aalis na tayo." rinig pa naming sigaw ni Nanay kay Daddy bago niya isara ang pinto.

"Grabe ate! I'm so excited!" sigaw ni Kristine. Ngumisi lang ako dahil medyo pagod ang katawan ko kakaayos nang gamit ko. Tumayo ako at nagsimulang magbihis. Takte, ngayon ko lang namalayang kanina pa pala ako nakatapis. Ni hindi man lang ako gininaw! Naka bra at pan--ah! Ano ba naman to. Too much information!

Pagkasuot ko nang floral shorts ko at green na hanging blouse ay naglagay agad ako nang sunscreen. Hindi naman sa may araw ngayon. Mag-a-alas singko pa lang naman nang umaga pero natripan ko maglagay. Lumabas na agad ako nang kwarto dala dala ang bagpack ko. Doon kami magsi-stay sa bahay nang kapatid ni nanay. Si Tita Kristy. Mabait yun at maalaga kaya walang problema. Mas okay nga daw sa kanya na magpunta kami doon dahil pagkatapos mamatay nung asawa niyang foreigner eh wala na siyang kasama. Wala din naman silang anak dahil di naman magka-anak si tito Kristoff. Nung maalala ko kung paano umiyak si tita nung namatay si tito ay nalungkot ako.

"Oh magiingat kayo ha?" paalala ni Daddy nang nasa pier na kami. Natawa naman ako, "Opo. Mamimiss niyo lang kami e." sabay nag-apir kami ni Kristine. Ngumisi naman si Daddy, "Di masyado. Masusolo ko tong nanay niyo e." saad niya sabay yakap kay nanay. "Eeeww!" saad namin ni Kristine, "Daddy naman! too much information!" nakangiwing saad ni Kristine. Umiling lang si nanay, "Ewan ko sa inyo. Ayan na yung barko oh. Mag iingat ha? Mag iingat!" paalam ni nanay sa amin at niyakap lang kaming dalawa.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon