Chapter 21

1.7K 32 17
                                    

Chapter 21



Bigla ring bumalik sa pagiging malamig ang tingin niya. Not the cold na parang bitter siya. More like the coldness na he doesn't care if I'm here. Well shit.


"She's your new secretary?" Tanong ni Anton sa kapatid at pinasadahan ako ng tingin. "Are you sure she's capable? I don't want failures in this company."


Bigla naman akong nanliit. Damn it. Ang layo ng lalaking ito sa lalaking nakilala ko sa isla. Yung Anton na 'yon, kahit mayabang hindi yun nangmamata ng tao. But this guy? I don't know this guy.


"Kuya! Don't be rude." Saway ni Mark sa kapatid.


"I'm not being rude, Ryder. I'm stating a fact...and a possibility." Nilingon niya ako. "Teach her what she needs to know," saka siya umalis.


Nalaglag naman ang balikat ko saka napabunton-hininga. "Tine, I'm sorry. Kakarating ko lang rin and kahit ako nagulat nang makita ko siya sa office ko at nauna pa sa akin." Pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya.


Hindi ko kailangang sabihin ng malakas pero talagang nadown ako sa sinabi ni Anton. What happened to him? Yun ba talaga ang totoong siya? Bakit parang ayaw kong maniwala? That Anton in the island was way better than that jerk a while ago.


**


"Thank you sa pagtuturo sa akin sa mga gagawin, Ara." Ani ko habang tinutulungan siyang magligpit. Medyo nalulungkot ako kasi paalis na siya. Ngumiti naman siya at niyakap ako.


"Pwede pa rin naman tayo magkita at mag-usap anytime!" Ngumiti naman ako.


"Sure, I'd like that." Yun lang at umalis na siya. Napabuntong hininga ako saka pabalyang umupo sa desk na ngayon ay akin na. Nasa labas ng opisina ni sir Mark ang desk ko.


Sinasanay ko na rin ang sariling tawagin siyang sir Mark. Pati na rin si Anton na sir Raymond. Napabuntong hininga ako.


Kasalukuyan akong nag-iisa dito dahil nasa meeting si Sir Mark at Anton. Medyo nabobored na ako dahil wala pa naman akong gagawin kaya nag-arrange nalang ako sa desk ko. Naalala kong magulo rin ang desk ni sir Mark at sinabihan akong kung pwede ay iarrange ko na rin.


Nakakaloka, hindi ata secretary lang ang inapplyan ko kundi kasali na ang pagiging yaya. I opened his office saka nagsimula sa kung anong dapat kong gawin.


I was fixing some documents nang maabutan ako ng iaang taong hindi ko inaasahang makikita ko ulit.


"What the hell do you think you're doing?" Mariin ang boses niya kahit hindi nakasigaw at talagang mangangatog ang tuhod mo sa kaba.


"A-anton..."


Biglang tumaas ang kilay niya, "Excuse me? What did you just call me?"

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon