Chapter 14

1.7K 39 26
                                    

Chapter 14

"Now let's be clear. Stay. Away. From. My. Son."

"Mukhang nagkakamali po kayo. Wala ho akong kilalang anak niyo. Sigurado po kayong tamang tao ang nilapitan niyo?" Medyo naiinis kong tanong. Wow mali ata to si madam e.

"I've been following you for a while. I know who are you. Trust me, Cristine Lauren Javier." Nalaglag ang panga ko.

Bigla kong naalala kung sino ang Sylvestre na kilala ko.

"Nanay po kayo ni Mark? Mark Ryder Sylvestre?" Tumaas ang kilay niya at inassume kong oo ang ibig sabihin nun.

"How do you know my other son? Oh God, don't tell me you've been eyeing my other son, too?" She looked at me with disgust in her eyes.

"Po?" Di makapaniwalang saad ko. Anong sabi niya? Tiningnan niya ako ng mariin at nagpatuloy sa pagsasalita. Ni hindi niya manlang pinansin ang sinabi ko, "Girls like you, di kayo nababagay sa anak ko." di ako makasagot. Girls like me? Anong klase? "Gold diggers." Dagdag pa niya at ngumisi ng mapanuya.

"Nababaliw na po ba kayo? Excuse me po ha? Pero hindi ko po kilala ang anak niyong isa. Si Mark lang po. Maling tao po talaga pinuntahan niyo." Pagpapaliwanag ko. Naiinis na ako sa panlalait ng ginang na ito. Kung gaano talaga kaganda ang tingin ko sa kanya kanina parang nawala na tila isang bula.

"Oh, you don't know? I am the mother of Raymond Anthony Sylvestre. Also known as Anton in this filthy place."

Parang kutsilyong sumaksak sa dibdib ko ang salita ng nanay ni Anton. Nanay siya ni Anton? Kung ganon tama nga ako? Mayaman nga si Anton? Pero hindi naman pera ng anak niya ang habol ko ah. "Uulitin ko upang magkaliwanagan tayo. Gusto kong layuan mo na ang anak ko, miss."

"Di po ako gold digger." Tiningnan niya ako ng mariin at suminghap. Naiiyak na ako. Anton asan ka na kasi? "Huh! Lahat naman kayo ganyan ang sinasabi. Kesyo hindi gold digger! Hindi ginagamit ang mga anak ko para sa luho nila, nonsense!"

I can't believe this. Lahat ata na papuring nasabi ko sa utak ko kanina ay nawala nang parang bula. Ni hindi niya pa nga ako kilala e. Gold digger? Aanhin ko ang pera ni Anton e in the first place hindi ko naman alam na si Anton pala ang nawawalang kuya ni Mark. Hindi ko naman kasi alam na si Anton pala si Raymond Anthony Sylvestre!

"Wala ho akong alam sa totoong katauhan ni Anton. Ma'am minahal ko po si Anton bilang mahirap at walang maalala na Anton." Saad ko sa maliit na boses. Natawa naman siya nang hysterical. Na para bang may sinabi akong katatawanan, "Walang maalala? Are you kidding me?"

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng babaeng ito? "Alam ni Anton ang lahat. Wala siyang nakalimutan ni isang butil ng nakaraan niya."

"Imposible," umiling ako. "Hindi magsisinungaling si Anton sa akin! Nagusap na kami na wala nang itatago sa isa't isa!" pagrarason ko pa. Umismid naman ang nanay niya sa akin at bumulong, "Sino ka ba para sabihin niya ang totoo sa'yo?" panghahamon niya.

"I'm his-" natigilan ako. Anong sasabihin mo Tin? Nililigawan ka ni Anton? Eh ang nangyayari pa nga parang ikaw ang nanliligaw e. Anong sasabihin mo? Tumaas ang kilay ng mama ni Anton na para bang hinahamon ako kung ano ako sa buhay ng anak niya. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang luha ko. Oo nga naman, sino nga ba naman ako?

"Ano na miss?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot kaya't natawa siya. "See? Kahit ikaw di mo alam." Lumapit siya sa akin at inilagay ang kamay niya sa balikat ko, "Hija, hiwalayan mo na ang anak ko. Para rin naman ito sa inyong dalawa e. You're not good for him." Tumigil siya. Dumiin sa utak at dibdib ko ang katagang 'you're not good for him.' "And he's not good for you, too. I know my son, hija. Playboy siya at walang sineseryosong babae. Halos ata lahat ng nakapalda pinapatos e." walang tawa niya yung sinabi.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon