Chapter 25

1.7K 39 3
                                    

Chapter 25

"Excuse me?" Nakatanga kong tanong. Tinitigan niya naman ako. "What?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Baliw ka ba? Hindi mo ako kailangang pakasalan. Ipapakilala ko naman sayo ang anak mo." Medyo ilang kong sagot.

Sinong hindi maloloka kung bigla kang sabihan na magready dahil papakasalan ako as soon as possible?! Ano siya hilo?

Kumunot ng todo ang noo niya, "Ayokong magkaroon ng illegitemate na anak."

Umismid ako, "Huli ka na. Meron na oh. Ayan na siya. Isang taong gulang mahigit na at nagsasalita na."

Nagtagis ang bagang niya at halatang naiinis sa paraan ng pagsagot ko pero dinedma ko siya. Pakyu siya. Gusto kong maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako.

Pero mahal mo siya diba? tanong ng maharot na bahagi ng utak ko.

One sided yun. Di yun counted.

"Nonsense. Pumayag ka o hindi ikakasal ka rin naman sa akin." Aniya at tinalikuran ako. Aba't!

"Hoy--" natigilan ako dahil nakita ko si Thoren na nakaangat ang kamay at tila nagpapakarga kay Anton. Thoren never did that gesture before. Nakangiti pa ito sa ama niya.

Dahan dahan, as if takot siyang mabasag ito, nilagay niya ang kamay sa magkabilang gilid sa ilalim ng kilikili at kinarga si Thoren. Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa mata ko habang nakatingin sa kanila. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman ito sa kasalukuyan.

Gaya ng laging ginagawa ni Thoren, pinatong niya ang ulo sa dibdib ni Anton at saka nagthumbsuck. Yan ang gesture niya kapag nanlalambing siya.

Nagpapalambing ka ba sa tatay mong walanghiya, anak? Bakit?

"What's your name, buddy?" Tanong ni Anton sa batang nasa dibdib niya saka hinaplos ng may sobrang pag-iingat si Thoren sa ulo.

"Thowren Mawrco Avier!" Magiliw na saad ng anak ko kahit pa bubulol bulol.

Tiningnan ako ng mariin ni Sylvestre. "It should be Sylvestre, buddy." Anito sa anak.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Wow. Parang kelan lang kung murahin mo kaming mag-ina. Ngayon gusto mo Sylvestre apelyido niya? Mangarap ka! Javier lang yang magpakailanman."

"Not if I'll marry you." Malamig niyang saad.

Bigla ko namang napagtagpi tagpi kung bakit niya ako gustong pakasalan. And wow did it hurt? "Gusto mong magpakasal tayo para sa bata?"

"Whatelse?" Aniya.

Nagiwas ako ng tingin at nagmura ng mahina. Tangina. Akala ko namanhid na ako may isasakit pa pala? Di pa pala yun full force?

"Tumigil ka Sylvestre. Hindi mo ako kailangang pakasalan. Hindi mo naman ako mahal diba?"

"Kailangan ba kitang mahalin para pakasalan kita? Isn't our son enough? Stop being selfish."

What did he say? Kinuha ko si Thoren sa kanya at umakyat sa room ni Thoren. "Where are you going? We're not yet done talking." Hindi ko siya pinansin at pilit pinapakalma ang sarili ayokong magmumura o magsisigaw na naririto si Thoren.

Nang mailagay ko sa crib niya si Thoren ay in-on ko fan sa kwarto niya. Ramdam ko ang titig sa akin ni Anton habang inaayos ko si Thoren.

"Dito ka muna baby boy ha?"

"Opo." Sagot niya at naglaro. Sinamaan ko ng tingin si Anton saka lumabas. Nang makalabas kaming dalawa ay tinulak ko siya.

"Nababaliw ka na! Ayokong magpakasal sa'yo! Ayokong mamulatan ni Thoren ang magulong pamilya. Saka wala sa plano ko na magpakasal at makipagdivorce." Mariin kong saad.

Natawa naman siya ng pagak. "Sinong may sabing ididivorce kita kung sakali? You're stuck with me. At dahil sa pinapakita mong resistance I'll tell your parents we'll get married next week." Aniya at akmang aalis na.

Hinabol ko siya, "Bakit ba hindi mo nalang ako tantanan? Dahil ba ito sa paghihiwalay niyo ni Solemn? Edi habulin mo siya! Wag mo akong idamay!" Sigaw ko.

Natigilan siya. Kumuyom ang kanyang kamao at sinamaan niya ako ng tingin. Hindi naman ako nagpahuli. Wala akong pakialam kahit magalit siya sa akin.

Talaga? Eh bakit masakit ang dibdib mo sa katotohanan na nasasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Solemn? Tanong ng atribidang subconscious ko.

"Wag mo nang isali ang pangalan niya rito." aniya.

Pero mapilit ako at hindi na ako mapipigilan. "Oh, bakit? Kasi nasasaktan ka pa? Kasi iniwan ka niya dahil malandi ka? Kung sinu-sinong pinapatulan mo? Ayan tuloy nakabuntis ka!" Panunuya ko sa kanya.

Masama na talaga ang itsura niya at alam kong galit na galit na siya pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong manumbat. "Karma mo lang siguro yan. Alam mo bakit? Kasi gago ka. Hindi mo deserve ang isang taong magmamahal sayo ng totoo. Kahit simpleng babaeng nagbabakasyon, papatulan mo. Ay mali, lahat ata ng nakapalda papatulan mo e. Ganyan ka kalandi. Karma mo rin siguro kung talagang nabaog ka. Kung ganun, hindi na dadami ang lahi mo. Malas ko nga dahil sa lahat ng babaeng papatulan mo ako pa yung nabiktima, edi nasira tuloy ang buhay ko." Pagpapatuloy ko pa.

Mahabang katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. Tanging malalim na paghinga naming dalawa ang maririnig. Ako, dahil sa sobrang haba ng sinabi ko. Habang siya, ay dahil sa pagpipigil siguro ng galit.

"Tapos ka na? Masaya ka na sa lahat ng sinabi mo?" Malamig na tanong niya sa akin.

Bigla namang nagsink in sa akin ang lahat ng sinabi ko. Lalo na yung huli kaya napalunok ako.

"Kahit gaano mo ako laitin, hindi mawawala ang katotohanang may anak ako sa'yo at magpapakasal pa rin tayo sa ayaw at sa gusto mo. Hindi naman natin kelangan magkaayos. Anak ko lang naman ang kailangan ko hindi ikaw." Aniya at tuluyan nang umalis ng bahay ko.

Mas marami akong sinabing masakit. Mas marami akong murang nabitiwan. Mas mahaba ang sinabi kong panlalait.

Pero bakit parang mas masakit yata ang binitiwan niyang salita? Sobrang sakit to the point na paglabas na paglabas niya ay humagulhol ako ng iyak?

Siguro nga, kahit anong gawin ko hindi ko na mapapalitan o mapapantayan man lang si Solemn sa puso niya. Minsan tuloy gusto kong itanong sa mundo kung bakit sa lahat ng babae e talagang ako ang nakakaranas ng ganito?

Kahit pala maggalit galitan ako, kapag nasaktan ko siya eh nasasaktan pa rin pala ako. Kahit pala anong muhi ang ipakita ko hindi parin pala maitatanggi na mahal na mahal ko parin pala si Anton. Na kahit anong sabihin niya sa akin na masakit eh siya parin.

Siya parin kahit na gustuhin kong magmahal ng iba.

I wonder kung noon ba kahit kaunti minahal niya ako? Kasi kung kahit kaunti eh minahal niya ako malamang masaya na ako. Kahit kaonti lang.

Pinunasan ko ang luha ko. Ganito na ba ako kadesperada at nanlilimos ako ng pagmamahal sa taong may mahal nang iba?

"Lagi na lang ba kitang maaabutang umiiyak? Ako na ba ngayon ang bagong tagapunas ng luha mo tuwing iniiwan ka ni kuyang luhaan?" Napalingon ako sa may pinto at nakita si Mark na nakatayo roon habang nakatingin sa akin.

"Mark..."

Nagulat ako ng yakapin niya ako, "Shh. Tahan na. Lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Katulad ngayon, nandito ako dahil alam ng Diyos na kailangan kong punasan ang luha mo."

------------------

I know, valentine's day pero di ako nakikisabay na may sweet. Hahaha. Independence day at nutrition month po kasi sa amin ngayon. Haha kidding.

Comment your reactions down.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon