Chapter 30

1.7K 34 14
                                    

Chapter 30


Tuliro ako habang paakyat sa kwarto ni Anton. I'm pregnant. Magkakababy na ulit kami. Magiging kuya na si Thoren. Pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Anton.

I'm not his baby maker na pwede niyang anakan anytime, anywhere!

Nagulat ako ng maraming nurses ang nagtakbuhan papunta sa row ng kwarto ni Anton. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.

Please no.

Agad akong napatakbo papunta sa kwarto niya. What the hell is happening?

Naabutan ko roon ang mga magulang ni Anton, si Solemn at si Mark. Nauna kasing umakyat si Mark kesa sa akin dahil kelangan kong nagpalamig ng ulo dahil sa nalaman kong balita.

"Tine," malungkot na tawag ni Mark sa akin.

"A-anong nangyayari?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Umiiyak si Solemn at ang nanay ni Anton. Hindi ko napigilang mabwisit kay Solemn. Bakit siya ganyan kung magreact at pumapel? Siya ba ang asawa? Hindi! Damn it.

"Anong nangyayari sa kanya, Mark?" Tanong ko sa ikalawang beses.

"Bigla nalang nagkombulsyon si Anton kanina na siyang naabutan nina mama. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari Tine." May pagod at takot sa mga mata ni Mark kaya hindi ko pinigilan ang huli nang yakapin ako nito.

"Just because my son is in danger, doesn't mean he's already dead and you already have the freedom to flirt with my other son!" Galit na saad ng nanay nila Anton.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Flirt? I was comforting his son! Bagay na dapat siya ang gumagawa.

"Mom!" Asik ni Mark.

"What? And really, Mark? Yang babaeng 'yan ang gusto mo?" Nanguuyam ang tinig ng babae.

"Tita..." ungot ni Solemn.

"Mom, stop! What is your problem?" Namumula na ang mukha ni Mark sa galit. Namasa naman ang mga mata ko. Lagi nalang ako ang nagmumukhang masama dahil sa Solemn na yan. Ayokong maging childish pero ayoko makasama si Solemn sa iisang lugar.

"Stop crying, Tine. It's not good for the baby..." hindi na natapos ni Mark ang sasabihin dahil nakaramdam ako ng mahapdi sa pisngi ko.

Nilingon ko ang sumampal sa akin at nakitang si Solemn iyon. Galit na galit ang mga mata niya, "Buntis ka? At kay Mark ang bata?"

Narinig ko ang pagsinghap ng mga magulang nila Anton. Napailing naman ako. "No!"

"Hindi ka man lang naawa sa asawa mo? Talagang tinuhog mo ang magkapatid? Nagpaanak ka pa!" Galit na galit na sigaw ng nanay nila.

"Hindi yan totoo! Anak ni Anton ang batang ito! Hindi ko kailan man gagawin ang magtaksil sa asawa ko." Mariin kong saad.

Umiling si Solemn, "Imposible. Nagkakausap kami ni Raymond at sinabi niyang walang nangyayari sa inyo dahil hindi kayo nagpapansinan."

Sumikip ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Solemn. Itinanggi ako ni Anton? Wow. So ano yun? Ako na asawa ang ginawa niyang kabit? Na itatago niya na may nangyayari sa amin para hindi masaktan si Solemn? Grabe naman! Durog na durog na ako.

"That's not my kid! Kay kuya yan Solemn! Stop!" sigaw ni Mark.

Pero kahit anong pagtatanggol niya sa akin ay wala nang makakawala sa sakit na nararamdaman ko dahil sa panggago ni Anton.

Akala ko kaya ko pa. Akala ko kahit ilang beses niya akong ipagtulakan ay kakayanin ko pa. Akala ko kaya kong manatili sa tabi niya kahit anong mangyari.

Pero hindi pala dahil hindi ko nanpala talaga kaya. Hindi ko na pala kaya ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Siguro mas nakararapat kung lalayo na kami ng mga anak ko. Maybe, what happened to Thoren will happen to this second baby. Aalis ulit ako pero this time sisiguraduhin kong hindi na ako makikita pa ng pamilya Sylvestre kahit pa gamitin nila ang pera ni sa paghahanap sa akin.

Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Mark. Nakita kong namutla siya sa determinasyong nakita niya sa mga mata ko. "Don't... don't do this to my brother, Tine. Wag mo ulit alisin sa kanya na maging ama sa mga anak niya." Pakiusap niya sa akin pero hindi na magbabago pa ang isip ko.

Umiling siya, "Wag mong gawin 'to sa kapatid ko..."

"I'm sorry." Ani ko at tumakbo palayo. Narinig ko ang pagtawag sa akin nina Mark at ng tatay niya pero ayoko na.

Hindi ko pala kayang tuparin ang mga plano ko para sa atin, Anton. Hindi ko pala kaya na maging second best nalang lagi. Hindi ko pala kaya. Ayoko pala maging ganun ako habang buhay.

Gusto ko rin pala na ako yung priority. Gusto ko ako lang yung mahal. Pero makakamit ko ba yun kung nasa tabi ako palagi ni Anton? Kung palagi akong nandyan?

Siguro sa pag-alis ko mapapansin niya na ako. Ganun naman daw diba? Kung kelan wala na ang tao saka marerealize ng halaga nito. Marealize kaya ni Anton ang halaga ko sa buhay niya?

Hindi siguro. Hindi niya ako mahal eh.

Nilingon ko ang ospital at ngumiti ng mapakla.

"Paalam, Anton."

-------------------------------------

APRIL FOOLS HAHAHAHA. Hindi po ito ang totoong chapter 30. Sorry po. Gusto ko lang talaga 'tong gawin. Ang magpost ng fake chapter.

Tungkol po sa totoong chapter 30, tingnan ko lang po kung matatapos ko iyon mamaya. Kung matatapos ko siya agad, ipopost ko.

Gusto ko nga sana na ito nalang ang totoong chapter 30 pero lalayo sa plot so, no. Haha.

Taas kamay sa naloko. 😂😂

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon