Chapter 18

1.6K 35 5
                                    

Chapter 18


"Ano?" Gulat na tanong namin ni Laura. Naalimpungatan si Thoren at akmang iiyak pero inalo ko. Tumahan naman agad at bumalik ng tulog ang bata. Pag-angat ng tingin ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Mark. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Kuya had an accident before when he was still a kid. That was the cause of sterility of kuya. It's a rare case, the doctor said, but it is possible." Huminga siya ng malalim.

"Paano niya nalamang baog siya?" Tanong ni Laura.

Mariing tumitig sa akin si Mark. Nagconclude agad akong hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin. "Solemn wanted a child. Badly. When they were still on the dating stage, they had a check up. Kuya was devastated when the doctor said he can't produce a child. Nagkalabuan sila ni Solemn hanggang sa naghiwalay. Dun na din nawala si kuya." Nalaglag ang panga ni Laura. Napunit naman ang puso ko. Ano pa pala itong inaarte ko eh ako pala itong sampid sa storya nila?

Huminga ako ng malalim para pawiin ang sakit. Kaya naman pala ganun kababa ang tingin sa akin ng nanay nila. Extra pala ako. Panira ng love story ng may love story. Akala ko ako yung bida ako pala ang kontrabida. Storya pala nito ito. Hindi pala akin.

Naramdaman kong nalaglag ang mga luha na parang talon mula sa mga mata ko. Pwede bang iiyak ko nalang ito? Masakit na kasi e. Hearing the girl say I love you, too, to him hurts, seeing them almost kissing hurts, but learning that they were the one true pair killed the remaining part of me.

Masama ba ako kung umasa ako sa mga salita at galaw niya? Mali ba na naniwala ako sa lahat ng pangako niya? Ang sama ko na ba kung nagmahal ako ng lalaking hindi naman sa akin nung una pa lang? Manhid nga siguro ako at tatanga tanga para maniwala.

Pasensya na naman. Unang beses kong magmahal. Palpak pa. Naanakan pa. Ang masaklap? Ikakasal na pala siya. Panggulo lang pala ako. Tama pala na hindi ako nanatili. Tama pala na sinunod ko ang gut feeling ko na iwanan siya. Ang mali ko lang ay nang iwan ko sa kanya ang puso ko.

"Pero seeing your son, changes everything. I'm sorry kung tinanong ko kung sino ang ama niya. That was a very stupid question. He looks like kuya. He has to know--" pinutol ko agad siya nang mapansin ko kung saan na patungo ang paguusap na iyon.

"Stop right there. My son will never meet any of your family members. Hindi mo dapat siya nakita kanina. Wala dapat ni isa sa inyo ang nakakita sa kanya." Matapang na saad ko. Ngayon lang ako tumapang. Anak ko na ang pinaguusapan rito. Magkakamatayan tayo.

"What?" Halos pabulong niyang tanong, "Hindi mo siya ipapakilala kay kuya? Sa mga magulang namin?"

"Para saan pa? Para maramdaman ng anak ko na hindi siya tanggap? Na anak siya sa labas? Pakyu niyo, no thanks!" Saka ako lumabas ng kotse. Ano sa tingin niya? Pagkatapos niyang sabihin lahat ng iyon sa akin ay makukonsensya ako at dadalhin ko ang anak ko sa pugad ng walanghiya nilang nanay? Ayoko! Akin lang ang anak ko. Tutal napatunayan na hindi baog si Anton, makakagawa pa siya ng maraming anak. At gaya ng sabi ko, hindi niya na kakailanganin si Thoren.

Pero bakit ka nasasaktan? Bakit parang gusto mong maglupasay sa sakit kapag iniisip mo na magkakaroon ng anak sa ibang babae si Anton?  Tanong ng isang mahaderang boses sa loob ng ulo ko. Kinuyom ko ang kamao ko. Hindi dapat ako masaktan. Dahil kung didibdibin ko yun, lalo akong mawawalan ng dibdib. Di loko lang. Kung didibdibin ko 'yon, baka bumigay na ako sa sobrang sama ng loob. Hindi nga malinaw sa akin kung papaano ako nakasurvive ng ako at si Laura lang ang magkasama.

Gusto kong magpakalayo-layo.

Biglang sumagi sa isipan ko ang isla kung saan nagsimula lahat. Wala namang nangyaring mabuti sa akin sa lintek na bakasyon na iyon. Dalawang buwang kasiyahan. Dalawang taon at mahigit na pagdurusa? Hindi naman ata tama iyon.

"You have to listen! Kaylangan malaman nila mommy na may apo sila sa ate mo!" Sigaw ni Mark. Buti na lang at solo namin pansamantala ang parking lot.

"At ano? Para alipustahin sila lalo ng nanay mong impakta?" Sagot ni Laura.

"Watch your words, woman! That is my mother you're bad mouthing!" Ganting sigaw ni Mark.

"Eh ano? At least yan lang ang ginawa ko sa nanay mo! Alam mo ba kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari ang kamalasang ito sa ate ko? Kaya gaya ng sabi ko sayo kanina, tigilan mo na si Ate! Hayaan mo siyang mabuhay! Dahil kung idadamay niyo siya sa magulo niyong mundo baka kayo ang dahilan ng pagkamatay niya." Mahabang litanya ni Laura. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Bakit? Kasalanan ba ng nanay ko na nagpabuntis ang kapatid mo?"

Pak!

"Ang insultuhin mo ng paulit-ulit ang kapatid ko ay ang hinding-hindi ko matatanggap." Mariin pero naiiyak na saad ni Laura.

Bigla akong nanliit. Ano ba ang nangyayari sa akin? Noon pa man, si Laura ang palaban sa aming dalawa. Tumatapang ako pero weather weather lang. Pero siya talaga ang palaban. 

Umalis na lang ako sa lugar na iyon. Habang pilit na pinupunasan ang luhang lumalandas sa pisngi ko. Ang simpleng pagluha at naging hikbi hanggang sa ang hikbi ay naging hagulhol. Pumasok ako sa kotse ko kaya't naibuhos ko lahat ng sama ng loob. Nilagay ko saglit sa baby seat si Thoren sa likod. Saka ako bumwelo ng iyak.

Iniyak ko na lahat ng sakit na pwede kong maramdaman. Sakit sa pagiwan ko kay Anton, sakit sa pagdadalang tao mag-isa, sakit na dulot ng pagtakwil ng magulang ko sa akin, sakit dahil sa salita ng nanay ni Anton, sakit gawa ng hirap ng buhay na meron ako.

Hindi ko alam na darating pala ang pagkakataon na mapapagod ako. Siguro sa gagawin ko mababansagan na naman akong tanga. Siguro nga tanga ako pero kapag pala ang depresyon kinain na ang puso't isipan mo wala ka na palang maiisip na matino.

Nakita kong papalapit sa akin sina Mark at Laura. May takot sa mga mata nila. Bakit? Bakit sila natatakot? Kinuha ko mula sa baby seat si Thoren at inabot kay Laura. "Babalik ako ha? Saglit lang. Hihinga lang ako." Ani ko at binigay si Thoren kay Laura.

Nagsasalita sila pero parang wala na akong naririnig. Parang wala akong maintindihan. Nakikita kong bumubuka ang bibig nila pero wala akong naririnig. Pero sa halip na yon ang pagtuunan ko ng pansin ay pinaharurot ko ang sasakyan ko paalis ng  parking lot ng mall.

Saan ako pupunta? Saan ako hihinga?

Patuloy lang ako sa pagdadrive kahit parang umiikot ang tingin ko at nabibingi ako. Ramdam ko rin ang pawis na tumutulo mula sa noo ko. Humahalo ito sa luha na tumutulo mula sa mga mata ko.

Isang nakakasilaw na ilaw ang bumulaga sa akin kasunod ang nakakabingi na tunog ng metal at ang malakas na paghampas ng katawan ko sa manibela. Lalong lumabo ang paningin ko hanggang sa pinikit ko na ang mga mata ko.

Choice.

Lahat ng tao may choice. Ano ang choice mo? Ano ang choice niya sa gagawin pagdedisisyon?

Ano nga ba ang naging choice ko? Naging choice ko ang magpahinga.

Sigawan ang huli kong narinig bago ko ipikit ang mga mata ko.

Lahat ng tao may pagpipilian. It's a matter of choosing what's worth it and what will save you.

"Sorry," at nilamon na ako ng dilim.

------------------

Ewan ko ha pero ang lalim ng chapter na 'to. Hindi ako makatulog kaya update ulit. Haha.

Comment your reactions.

I Almost Do ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon