Chapter 16: First Time In My Bed

116K 2.1K 99
                                    

Huminto bigla-bigla yung kotse at sa sobrang bigla-bigla, gulat na gulat ako. Sa sobrang gulat na gulat ako.

Wala na kong maisip na doble-dobleng salita. Okay?!

Tinignan ko si Erick, he looks scary. This is the first time I saw him like this.

"Anong problema?" tanong ko.

“Wala. Pumasok ka na agad sa loob." utos niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.  I think he's staring at something.

Tinignan ko kung san siya nakatingin at mali ako. He's not staring at something, he's glaring at someone.

Someone, defined as isang tao na nakasandal sa sasakyan, medyo magulo ang buhok na nakasuot nang black tees at nakatalikod sa direksyon namin. Also known as my boyfriend for a month. Or Dominic. 

Ibinalik ko yung tingin ko kay Erick.

"Erick. Maraming salamat sa paghatid. Ingat ka sa pagdrive pauwi ah." Lumingon siya this time. His face tho serious is not scary anymore. 

"You're welcome. Pero gaya ng sinabi ko. Diretso pasok ah."

Tumingin ulit ako sa lalaking nakatambay sa tapat ng bahay namin. This time, nakaharap na siya sa’min. And by the way he looks. I can see that he's being impatient.

Binalik ko yung tingin ko kay erick.

"Palagay ko kanina pa niya ko hinihintay.”

Tumingin si erick sa kin, nakatingin din pala siya kay Dominic kanina. 

"Ano ngayon kung hinihintay ka niya? Hindi ka ba pagod? You need to rest." he said coldly.

"Medyo. But I need to talk to him. Isa pa, boyfriend ko siya.” For one month. Dugtong ko sa sarili ko. 

 

"Kailangan ba talaga kayong mag-usap?"

"Erick. Di kita magets. Ano naman kung kausapin ko siya?" Naiinis na ko. Bakit ba parang ang pakielamero niya ngayon?

“I'm just worried, you're tired."  medyo tumataas na din ang boses niya.

"Well you don't have to worry Erick. I'm fine. Salamat sa paghatid, pero makakauwi ka na."

Siniguro kong maririnig niya yung pagkainis sa boses ko. Kinuha ko yung bag ko sa dashboard, binuksan ang pinto at lumabas.

Mukhang walang balak umalis si Erick. I looked at him, tilt my head, signaling him that it's time for him to drive his car away.

Nakita kong humigpit yung hawak niya sa manibela, tapos nagumpisa ng umandar yung kotse.

Nung hindi ko na matanaw yung kotse, naalala ko yung mukha ni Erick habang nagmamaneho siya paalis. There's pain, anger, and more pain.

"You done with him?"

Tumingin ako sa kanan ko. I see him standing next to me with his hands crossed over his chest. Nakalapit na pala tong lalaking to sa kin.

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo?" nakakunot na naman yung noo ko. Lagi na lang niyang pinapakunot yung noo ko, buti na lang pala isang buwan lang to, kung hindi maaga akong tatanda.

"Tapos ka na bang kausapin siya?" malumanay niyang paglilinaw.

"Obvious ba? Palagay mo kung hindi ko pa siya tapos kausapin, magka-usap kaya tayo ngayon?" inis kong tanong.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon