The Story Behind THE STORY.

98.7K 1.9K 159
                                    

This is a gift...

I hope you all like it.

.........................

Ikalawang taon ko nun sa kolehiyo nang maranasan ko ang pinaka...malungkot na parte ng buhay ko.

Sabi nila parang roller coaster ang buhay...

At nung mga panahon na yun, nandun ako sa pinakamababang parte ng roller coaster.

Yung tipong basta basta ka na lang maiiyak kasi nalulungkot ka.

At kapag tinanong ng mga tao kung bakit ka nalulungkot, wala kang maisagot kasi hindi mo naman talaga alam kung bakit ka nalulungkot.

Basta nararamdaman mo lang na hindi ka masaya.

Nung mga panahong ding yun... galit ako...

Basta galit ako.

Galit ako sa mga tao sa paligid ko. Galit ako sa mga kapatid ko. Galit ako sa mga magulang ko. Galit ako sa sarili ko.

Galit ako sa ingay ng tren. Galit ako sa araw kapag sobrang init. Galit ako sa araw kapag hindi mainit. Galit ako sa tubig kapag nababasa ako. Galit ako sa mga pinaka-walang kwentang bagay na pwedeng kagalitan.

Minsan nga naisip ko na baka mabaliw na ko... Sobrang daming emosyon yung nararamdaman ko, nasabi ko sa sarili ko kapag hindi ko nailabas... MENTAL ang bagsak ko. Siguro nga dumanas ako ng depression.

Kaya kumausap ako sa ibang kaibigan... kakilala... Ang dami nilang sinabi... ang dami nilang payo na ibinigay sa akin. At sabi din nila nandiyan lang sila kapag kailangan ko sila... 

Pero...

walang nangyari eh. Ganun pa din.

Dun ko nalaman na kapag nakasakay ka na sa roller coaster ng buhay... Wala ka ng ibang aasahan kundi ang sarili mo. At yung seatbelt na naka-ikot sa'yo.

Simula nun... nag-isip ako ng paraan para hindi ako mapunta sa loob ng Mandaluyong. Naisip kong magdrowing *but i failed* naisipan kong humanap ng lovelife *but then again ... i failed*

Isang araw na lang nasa harap ako ng PC namin, tinitignan yung blankong papel ng MSWord 2007.

Anong balak mong gawin diyan? tanong ko sa sarili ko.

Aba malay ko. sagot ko sa sarili ko.

Tapos biglang pumasok sa isip ko yung isa sa mga kwento na nabuo ng malikot at haliparot kong imahinasyon...

Yung kwento kung saan nabangga ng isang mayabang at walang kwentang lalaki ang isang palaban at matapang na babae. At sa sobrang inis ni girla... ayun, binato niya ng sapatos si lalaki. At dun nagsimula ang love story nila...

Sa mga oras na yun, alam ko na may website kung saan malaya kang makakapagkwento sa mga taong hindi mo kakilala. Malaya mong maibabahagi kung ano mang meron diyan sa pink mong utak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon