Chapter 8: Reconciliation

135K 2.5K 430
                                    

I managed to get out of the building kung saan nandun ang bahay ni Dominic nang hindi na ulit umiiyak. I just have to find away para makauwi. Para mapuntahan si Erick. May nakita akong mama sa labas nang building, nilapitan ko ito at nagtanong.

"Ahmmm. Manong?" Hindi ko ‘to normal na ginagawa. Kasalanan to nung lalaking yun, he makes me do abnormal things. Tss.

"Ano yun?" iritableng tanong nung mamang nilapitan ko.

Itatanong ko lang po sana kung pwede makihiram ng cellphone? Tatawagan ko lang po yung kaibigan ko. May isang siraulo po kasing kumuha ng phone ko at ibinato. Kung pwede lang naman po."

"Hay naku hija! Alam ko na yang modus niyo. Hihiramin niyo kunwari yung cellphone ng tao, sabay itatakbo niyo na. Maganda ka pa naman hija, manggagantso ka nga lang. Mag-iba ka na lang ng trabaho mo neng."

Tama ba yung narinig ko? Pinagkamalan akong sindikato at tinawag akong manggagantso?! Mukha ba kong sindikato? Loko tong matandang to ah.

“Hoy manong! Sa itsura kong to, pinagkamalan mo kong sindikato?! Tsk. Kung wala kayong cellphone, eh di dapat sinabi niyo na lang! ANDAMOT niyo!"

Pinag-init ng manong na yun ang ulo ko! Bwiset!

"Sandali ka lang nalayo sa kin, may kaaway ka na naman? Here. Use my phone."

 Yung boses na yun, at ang tapang niya na sundan ako.

Lumingon ako sa pinanggalingan nang boses at tama nga ang hinala ko, si Dominic nga. "The last thing I'd do is to ask for your help again."

"Pride won't get you anywhere." He answered back calmly.

"Oh? Kwento mo kay Katy Perry the Platypus." He doesn't look stunned right now, iba na ang facial expression niya. Borderline malungkot at nagsisisi.  

 Tumawid ako sa kabilang side ng kalsada. I just want to be as far from him as I can. Nasa isle na ko. He didn't follow me this time. Good. Sumuko din. 

"FINE!"

Narinig ko siyang sumigaw. Fine? As in ikukwento niya kay Katy Perry the Platypus? O fine, titigilan na niya ako?

"I'm Dominic Salazar! 'Nick' is what people call me! I call you Princess because I don't wanna get confused and I still think na mas bagay sa'yo yun."

Hindi ako lumilingon. None of the above ang sagot. Hindi ko siya gustong makita o tignan. Ano ngayon sa’kin yung mga pinagsasasabi niya. It doesn’t matter. I don’t care.

"I live here! I'm 20 year of age! Yes i'm OLD! I don't say sorry or thank you either! Because just like you, I believe that whatever circumstances people face, they make their own decisions! Even if the only choices left is do it now or never have it again."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makinig. Baka kasi sinisigaw niya.

"I'm sorry... for what happened awhile ago. For all that happened awhile ago. And thank you for choosing to have this deal with me.” Dugtong niya gamit ang mas malumanay na boses. The sincerity is evident. Pero bakit parang malungkot siya? He just said the words he despise. Ano bang gustong palabasin ng lalaking to?

"I like driving fast cars! I like girls and they like me too. I also love to have sex!”

God!! Kailangan niya ba talagang sabihin yun?

"And i'm not afraid that you'd fall for me... because no one does! No one does princess. People like me because i have money! I have good looks! But no one stays."

Narinig ko ulit yung lungkot sa mga boses niya, but still hindi ako lumingon. I can’t. I don’t care. Right Nick? You don’t care di ba? May taxi na huminto sa harap ko. Ibinababa ng driver yung bintana sa may passenger seat. "Miss sasakay ka?"

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon