Chapter 49: Points Of View

74.1K 1.2K 104
                                    

I'M SOOO SORRY.. this is part of the ending.. inihiwalay ko lang kasi kapag idinugtong ko to.. SSOOOOBBRRAAANNGGG HAAABAAAA!

PRAMIS..

atsaka.. inaaway na ko ni iamMulan. hehehe.

pero i swear. tapos na talaga ang story nila by december. hehehe.

enjoy! 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano nga ulit nangyari kanina?? Ahhhh.

*Blag!*

Sabay dating nung tatlong lalaki at inalalayan ako papunta sa kama ko. Syempre tarantanong silang tatlo.

"Anong nangyari?!"

"What happened?!"

Ampupu. Ininglish lang?!

Sinabi ko namang nahilo lang ako tapos na-out of balance at kailangan ko lang siguro ng tulog para mawala yung hilo ko. Pinainom naman nila ko ng gamot kaya nakatulog na din ako.

Nasa isang mall kami. Tama. Kami. Ako at isang lalaki. Yung lalaki na palaging nasa panaginip ko for two years. Hindi ko talaga nakita yung buong mukha niya sa panaginip ko. Only half of it. He’s just always there. Making me feel sadness... emptiness... But also making my heart beat ultra fast. Before, I thought it’s a nightmare. But then after a few weeks of dreaming about him. I started to feel butterflies in my stoma, then sadness and emptiness was replaced by happiness. And being whole with him. So I end up wishing and hoping to dream of that same guy over and over again for two years.

Usually, mag-uumpisa yung panaginip ko na nasa isang madilim na lugar ako. mag-isa. Tapos magpapakita siya. Nakatayo sa harap ko. And then I’ll feel safe even in that darkness. Pero ngayon medyo iba. Instead of being nowhere, ngayon nasa mall kami at hindi din ganun kadilim. And this time, nung tinanong ko siya. he responded. Hindi normal yun. Sa dati kong panaginip once na tanungin ko siya kung sino siya, bigla na lang siyang mawawala. Now he answered me.

“I’m sorry I left.”

Naguluhan ako sa sinagot niya.

“I don’t understand.. “

Ngiti lang yung sinagot niya sa’kin. Naramdaman ko na may hawak ako sa kamay ko. Nung tinignan ko kung ano yun, yun yung note na nasa loob ng box. Smile –Dominic. Ibinalik ko yung tingin ko sa kanya.

“Dominic. Ikaw si dominic?”

Hindi ko alam pero nung sinasabi ko ng malakas yung pangalan na yun biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ngumiti ulit siya. Tapos naramdaman ko yung kagustuhan na lumapit sa kanya tapos yakapin siya. Nung papalapit na ko, bigla naman akong nagising.

Pinikit ko ulit yung mga mata ko. Yun na eh. Kasi namaaan eh!! Tulog ulit!! Dalii!! Pero hindi na ko makabalik sa panaginip ko. Nung tinignan ko kung anong oras na, alas dos palang ng madaling araw..

Alam kong hindi na ko makakatulog ulit kaya nagdesisyon na lang akong bumaba para magtimpla ng kape. Niaantok kasi ako kapag nainom ako ng ganun.

Matapos kong matimpla yung kape sa kusina, naglakad na ko pabalik sa kwarto ko. Pero nung malapit na ko sa hagdan, nakita kong bukas yung ilaw sa office ni Jacob. Siguro hindi din siya makatulog kaya naman pinuntahan ko yung office. Nung nasa pinto na ko, narinig ko na may nag-uusap sa loob.

“Wala naman siya dito sa bansa at wala na tayong balita sa kanya, kaya wala nang dapat pagtalunan pa.” si Jacob yung nagsalita.

“Nakita ko siya kanina.” sabi ni Charles.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon