Chapter 6: Akala Ko

148K 2.8K 166
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos yung party, matapos yung aksidente sa dilim. Nasa school ako ngayon. Naglelecture ang professor ko tungkol sa acounting cycle o kung ano man yun and i'm not listening. My mind is somewhere else.

Matapos nung nangyari, he's all I can think of. No one knows about what happened that night. Hindi ko na gustong ikwento pa kahit kanino yung nangyayari, kung paanong naging wala akong kwenta para ipagtanggol ang sarili ko. It's just him and me. A secret we both shared.

Kahit si erick walang alam. ‘Di ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya yung nangyari. I remember him asking me questions nung sumunod na araw. Pati kaninang umaga nung sinundo niya ako. I can't even look straight to his eyes. Nakokonsensiya ako. This is the biggest thing na nilihim ko sa kanya. I know he'll understand me 'coz that's just the way he is. Pero ayokong kaawaan niya ako. Ako yung savior niya di ba? Not the other way around.

"Okay see you all next meeting.." Lumabas na si prof sabay, "YES! UWIAN NA! MALL TAYO!" sigaw nang kahalati nang klase.

“Nick sama ka?" tanong nang seatmate ko. Si Doris.

“Mmmm. Hindi. Kayo na lang. Kailangan kong umuwi ng maaga eh."

"At kailan mo pa kinailangang umuwi ng maaga?"

 “Ahmmm... ngayon??"

"Tss. Okay sige. Pero sa susunod dapat kasama ka na ha."

"Okay." I forced a smile. Tapos na pala ang isang araw ng klase. Hindi ko man lang namalayan ang oras.

Naglakad na ko palabas ng school. Wala akong kasabay ngayon. Siguro napansin nila na wala ako sa mood. Diretso lang ako sa paglakad. Hindi ganun kadami ang tao, maaga pa kasi.

Lumilipad na naman ang utak ko. Palayo sa akin, at papunta sa kanya. Hay. Bakit ba kasi siya na lang pala---

“Aahh!" Aray! Ang sakit nun ah. Tumama yung ulo ko sa kung sino. Tsk! Pero wala ako sa mood makipagtalo, kaya imbes na patulan kung sino man yung lapastangan na bumangga sa’kin nagpatuloy lang ako sa paglakad.

"Where do you think you're going?"

Someone grab me by the arm. Nung tinignan ko kung sino yun, parang nalaglag yung puso ko. It's him. Parang kanina iniisip lang kita, ngayon nasa harapan na kita. And he looks... handsome??

Ito nakaka-asar sa taong to eh. Hindi tugma yung itsura niya sa pag-uugali niya minsan. How can someone look this good by only wearing white shirt and jeans. Hindi ko gets.

Pero anong ginagawa niya dito? 

"Pauwi na ko, bakit?" sagot ko sa tanong niya kasabay nang pagalis nang pagkakahawak niiya sa braso ko.

 “You can't go home today." Sabi niya looking down at me.

"At bakit naman?”

"Because you have to pay me."

I rolled my eyes at him. See? Mismatch. Manly look, childish attitude. "Hanggang ngayon ba naman I still have to pay you? Ipinahiya mo na ko kagabi sa party ah. Hindi pa ba sapat yun?"

"Well, that was your payment para sa pagbato mo ng sapatos sa likod ko."

"At ano na naman ang utang ko sa'yo ngayon?" sabi ko sabay lagay nang kamay ko sa bewang ko.

"Your virginity." a grin etched on his face. Ano daw? Napatingin ako sa paligid baka may nakarinig, medyo malakas pa naman ang pagkakasabi niya.

Virginity ko?!

"Anong pinagsasasabi mo diyan.”

"You really have memory problems don't you?"

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon