Chapter 25: Oh No

83.1K 1.3K 90
                                    

"Certain things in life simply have to be experienced -and never explained. Love is such a thing.”

-Paulo Coelho

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANG SAKIT NG ULO KO! Anak ng tinapa. Sino ba kasing nagsabing mag-inom?! Minulat ko yung mga mata ko at di ko na naman kwarto to ah. Hinanap ko si Dominic, pero wala siya. Tumayo ako at...

SHOOT! DAIG KO PA MAY HANG-OVER!

Tss! May hang-over nga pala ako. Naglakad ako pababa ng hagdan at tatlong beses akong natapilok nun ah. Buti nakakapit ako.

"So you're awake."

Si Dominic, nakaupo sa sofa at nakapatong sa hita niya ang laptop niya.

"Hindi. Tulog ako, hindi ako awake." sabi ko with my weak voice.

Ngumiti siya at tumingin siya sa direksyon ko. Kakababa ko lang ng hagdan ng buhay. Yes! Naglalakad papalapit sa kanya at umupo ako sa tabi niya. Bigla niyang sinara yung laptop and I feel him stiffened sa kinauupuan niya. Anong problema nito?

Pinabayaan ko na lang yung weird actions niya, at nagfocus sa sakit ng ulo ko. Di ko namalayan nakahawak na pala ako dito.

"Hang over?" he asked.

Tumango ako nang nakapout yung lips ko.

"A strong coffee will help."

"Salamat."

At akala ko ipagtitimpla niya ko, pero hindi siya tumayo, nakatingin lang siya sa'kin na parang nang-aasar.

"Are you waiting for santa to come?" tanong niya.

"No. Hinihintay ko yung kape ko." sagot ko.

"At kelan pa nagkapaa at naglakad ang kape?" tanong niya.

"Tss! Akala ko kukunin mo para sa kin. Di nga ko steady maglakad eh. Papahawakan mo pa ng mainit na kape?! Ang sama ng ugali mo!" sabi ko sabay tingin ng masama.

"You've given me a hard time last night." Tumingin ako sa direksyon niya. Naalala ko kung bakit nga pala ako uminom kagabi. Pero... alam ba niya?

"About last night..." panimula ko. Kailangan kong magexplain. Baka kung anong mga nasabi ko kagabi. Kailangang agapan na habang maaga pa.

"Grab your coffee first. It'll help you remember." putol niya sa'kin. Panira ng moment! Ayun na eh. Hirap kaya bumuwelo! Nawala na tuloy ang momentum ko!

Habang hawak pa din yung ulo ko tumayo ako at naglakad papuntang kusina. Nandun nga yung kape sa bar table. Pink talaga yung kulay ng tasa? Nakakainsulto na ah.

At namention ko ba dati na may mini bar ang pad ni Dominic? Kung hindi, pwes meron siya. Yun lang.

Napansin kong mainit pa yung kape. Umuusok eh. Umupo ako sa isa sa mga stool then took a sip of my hot coffee made by my hot boyfriend. 

Ay sheez. Erase yung sinabi ko. Inis pala ko sa kanya.

"What's taking you so long?" sigaw niya sa kin.

"Hindi naglalakad ang kape diba?!" sigaw ko pabalik. Bigla siyang sumulpot sa harap ng bar counter and he's glaring.

"Ano?!" inis kong tanong.

"I think you should drink that faster. 'Coz you're late honey."

"Late?"

"Yup. Sa school."

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon