Chapter 1: Goddamn Shoe

509K 6.5K 806
                                    

Sabi nila first impression lasts. So you always have to put your best foot forward.

Pero pano kung...

Sapatos mo yung naibigay mo??

Doesn't make sense?

Just continue reading and you'll find out..

ooOooOooOoo

I'm Nicole.

Sabi ng isang radio announcer, karamihan daw ng babaeng may pangalang Nicole eh maarte.

So dapat pala hindi Nicole ang pangalan ko? Bakit ba kasi ito binigay sa'kin ng nanay ko. Pwede namang Denise o kaya ano, ahhh... kahit ano! Basta hindi pa-girl na pangalan.

Di naman kasi ako "girly girl".

Di ko nga minsan magets mga babae eh, lumaki kasi ako na puro lalaki kasama ko. I have three brothers. Dalawang kuya at isang mas nakababatang kapatid na lalaki.

Kaya ayun medyo boyish ako. Madali akong mabadtrip. Simpleng bagay o katangahan lang nag-iinit na ulo ko.

Kagaya na lang ngayong araw...

Tahimik lang akong naglalakad sa mall nang biglang may lapastangang lalaki ang bumangga sa'kin. Okay na sana eh, pero ni hindi man lang lumingon yung lalaki para mag-sorry. Ano 'to? Bastusan?!

"Hoy!" sigaw ko sa kanya.

"Hooooyyyyyy!!"

Aba at ayaw lumingon?

Nasabi ko na ba kaninang mabilis uminit yung ulo ko? Oo yata. Kaya kinuha ko yung suot kong sapatos. Medyo nanghinayang pa ko kasi magaan lang yung nasuot kong sapatos ngayon. Pero pwede na 'to. Without second thought, ibinato ko sa direksyon nung lalaking bumangga sa'kin yung sapatos.

Wahahaha! Kapul! Ayus!

Lilingon na yan..

3

2

1

Lumingon na!

Pero hindi ko inaasahan yung nakita ko. Isang gwapong galit na lalaki.

Okay, boyish lang ako, pero nakaka-appreciate ako nang gwapo. But I don't freaking gush about it on public. More on internal gushing ang nagaganap. At this time, I'm internally gushing.

That guy, yung binato ko, he slowly walked towards me. All manly and angry.

Ayan na siya. Bakit parang kinakabahan ako? Bumilis yung tibok nang puso ko, pinagpawisan ako nang butil-butil at nanlambot ang mga tuhod ko.

Huminto siya sa harapan ko. Still all manly and agry. At nakatingala lang ako sa kanya. Speechless.

''What's wrong with you??!" Sigaw niya sa'kin. At ganun-ganun na lang, bumalik na ko sa lupa kasama yung galit ko.

Umiling ako nang bahagya to ward off my forbidden thoughts bago magsalita. ''What's wrong with me?? Tinatanong mo kung anong mali sa 'kin?? Tsk! Ikaw ang may problema hoy! Hindi ako!''

Naha-highblood na naman ako, kadalasan kapag ganito, may taong nagpapakalma sa'kin. Nasaan na nga ba yung kasama ko?!

Iniikot ko yung paningin ko and I ignored him. The all-manly-and-angry person standing in front of me.

''You're the one who hit me with your goddamn shoe and you're telling me there's something wrong with me?!''

Nilingon ko ulit yung lalaki sa harapan ko and gave him a deathly glare. ''Oo! Hoy mister! Binangga mo lang naman ako kanina. At sa sobrang lakas ng pagkakabangga mo, napatumba ako! And i didn't hear anything from you. You just continue walking with your goddamn shoe!''

Hahaha! English yun boy!

At akala mo ba nya na siya lang pwede gumamit ng ''goddamn shoe''?? Ako din no!

"Huh! You crazy bitch! Do you know who you're yelling at?" Mas lalong nagalit ang gwapo niyang mukha.

Pero syempre di ako papatalo. Hindi pwede Nick! You have to fight for your right!

"Hindi. So what?! Kailangan ba kilala pa kita? Kailangan mo lang namang magsorry, tapos tapos na! Yun lang gagawin mo."

At ginawa niya ang pinakahindi ko inaasahang gawin niya..

He laughed. He laughed at my face. Open mouth. Close eyes. Head thrown back kind of laugh.

Hala! baliw na yata to eh. Bakit siya tumawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko??

"You expect me to say that word?" He dragged his eyes from my head to foot, assessing me. "To you? Who do you think you are? And who do you think am I?"

Hinawakan niya yung kwelyo nang suot kong damit tapos inilapit yung mukha ko sa kanya na nagpatikayad sa'kin."I don't say that to anyone." He whispered angrily.

I stared back angrily. Nasabi ko na yatang mabilis uminit yung ulo ko, and I think by now, I've reached my boiling point. Hindi ko ugaling madaling mainsulto. Pero sobrang sama nang ugali nang lalaking 'to. Babae pa rin ako. May boobs at kung ano pa man. Tapos kung tratuhin niya 'ko?!

"Bakit? Ano bang ipinagmamalaki mo ha?"

Tinabig ko yung kamay niya na nakahawak sa kwelyo ko. Umayos nang tayo at hinawakan ko yung kwelyo niya at hinaktak siya pababa. Now, at eye-level, I whispered with all the venom of hatred spitting right on his face. "Hoy g*go. Wag mo kong pagyayabangan ha. Di mo pera ang pinangbili mo sa ..."

tumingin ako sa sapatos niya..

"...sa goddamn shoes mo na yan. All you have to do is say the word 'sorry' and we're done."

"S-sorry.." nasabi niya. Mukhang nagulat yata siya sa ginawa ko kaya niya nasabi yun. Pero ayun tapos na. Yun lang naman eh. Pinahaba pa niya. Pinainit pa niya ang ulo ko.

Hindi na ko nagsalita pa. Binitawan ko na lang yung kwelyo niya at naglakad palayo.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon