Chapter 19: Good Night Gone Bad

117K 1.9K 198
                                    

"They say waking up is hard to do. Especially when you're not alone. They say life is full of surprises. That our dreams really can come true, and then again, so can our nightmares."

-gossip girl

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

It's Saturday today. Walang klase. Yes! Araw ng pahinga at wana walang stress. Walang problema. I just had breakfast with my mother and brother. Pero umalis na sila. Pumasok at may date.

Buti na lang bukas pa day-off ng mga kasama namin sa bahay kaya hindi ako nag-iisa. Nanood kami ngayon ng movie. After 4 movies My Amnesia Girl na kami ngayon.

"Ang pogi talaga ni JL noh?" sabi ko sabay subo ng popcorn na niluto ni Manang.

"Oo nga eh. makalaglag panty teh." Sabi ni Mocha.

"Tama! Sinabi mo pa." dugtong ni Ate Julia

"Ate nick. Sino mas pogi? Si John Lloyd o si sir Dominic?" tanong sa’kin ni Clarita.

"Syempre si John Lloyd! Walang duda!" sabay tawa kaming lahat

Natigil kami nang may marginig kaming katok sa pinto.

"Nick! Lumabas ka muna sandali. May naghahanap sa'yo."

Si manang yun. Ayaw niyang sumama sa panonood. Puro pang "tineyder" lang daw kasi yung mga pinapanood namin.

"Teka  Ate Julia. I-pause mo muna." sabi ko.

"Sige. Sige." sagot naman ni Ate Julia.

"Wag mong ipe-play yan ah!" sigaw ko pa.

"Oo na! Wag mo nang paghintayin si manang." sigaw pabalik ni Ate Julia.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Manang. "Sino pong naghahanap sa kin manang?"

"Hindi ko kilala eh. Ngayon ko lang sila nakita." Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa sala. Pagdating namin doon. nakita ko ang apat na tao na nakaupo sa sofa.

"Maiwan ko muna kayo." Nabigyan na ni manang ng miryenda ang mga bisita.

"Ahh. Hi. I'm Nick. Anong kailangan nila?"

"Dominic sent us." sabi nung magandang babae. Hindi siya katangkaran and mukha siyang mayaman.

"Dominic? Bakit?"

Nakatinginan silang apat. May dalawang bakla at isa pang babae. Yung dalawang bakla, they look like normal gays to me. Yung isang babae din. Normal lang.

"He told us you're both attending a party? I assume you forgot about that." sabi nung magandang babae na unang nagsalita kanina.

"Ahh. Ngayon pala yun. Ahh."

"Aahh. Tama. Ngayon yun." Yung isa sa mga bakla yun.

"Eh ano namang gagawin niyo dito?" tanong ko.

"We're here to get you ready. He specifically ask us to finish before 6. So we should get going. It's almost 5." sabi ulit nung magandang babae.

"Ready? Pa'nong ready?"

"Just let us do our job." Sabi nung isa pang bakla. Mas sosyal siya ah. Imperness!

May inilabas silang stool, yung natutupi. Tapos inupo nila ako doon at nag-umpisa silang maglabas ng mga gamit na pamilyar. Nag-umpisa naman  akong kabahan. Nung may ilalagay yung babae sa mukha ko, tinakpan ko 'to.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon