Chapter 5: I Should've Stayed

141K 2.9K 207
                                    

Lumabas ako ng party and those wines are starting to kick in. Nahihilo na ko. Mahirap talagang paghaluin ang galit at alak. Tsk! Kasalanan to ng lalaking yun eh.

Naiinis pa din ako! At hanggang ngayon hindi ko alam kung saan ako naiinis. Dahil ba hindi niya ko hinalikan? O dahil sa hindi niya ko hinalikan?

Hindi!

Dahil yun sa pamamahiya niya sa akin! Tama! Yun na nga! Yun ang kinaiinis ko!

 Waaaaaahhhhhhhhh! Nakakaasar! Nakakaasar! Nakakaasar!!

 Dapat hindi ko lang siya tinapakan eh, dapat tinuhod ko din yung birdie niya! Lokong yun! 

Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa  di ko napansin na wala na pala ko sa loob ng hotel. At gawd! Ano to? Nasaan ako?

Nasa Pilipinas pa ba ko? O nasa kabilang dimensyon na ko? Sa mundo ng mga espirito??

Eugene? Alfred? Nandito ba kayo? Ang dilim naman sa lugar na to. Sa’n ba to? Bakit parang hindi naman ganun kalayo yung nalakad ko, pero kahit saan ako lumingon, hindi ko na makita yung hotel.

Waaaaahhhhhh!!

“Uy! pre! Chikas oh!" 

Ha? Ano yun? May nagtagalog? So wala ako sa kabilang dimensyon? Nasa Pilipinas pa din ako? Yes!

"Oo nga pre. At mukhang nawawala ang magandang binibini."

"Hi miss. Ako ba ang hanap mo?"

“Witwiw!”

 Teka. Ako ba kausap ng mga bastos na to? At anong sabi nung isa? Hanap ko daw siya? Tsk! Feelingero tong lokong to ah. Badtrip ako ngayon, baka kung anong magawa ko sa kanilang dalawa. Tsk!

 From the dark, nakita ko na lumapit yung isa.

Mukha siyang... goon. Parang patay na bumangon sa hukay. Sabi na nasa kabilang dimensyon ako eh. >.<

 "Wag kang matakot miss. Di ka naman namin sasaktan eh." Sabi nung lalaki na nakatayo na sa harapan ko. 

"Oo nga. Papaligayahin ka namin!" I heard the second guy kanina sa bandang likuran ko.

Tapos may mga tumawa. Isa, dalawa, tatlo. Dun sa pinanggalingan ni mukhang goon number 1 nanggaling yung tawanan. Ilan ba silang lahat?

Lima? Lima sila?!

Lumapit yung lalaki sa harapan ko, sinubukan niya kong hawakan, pero umiwas ako. “Wag mo kong hahawakan.” I said as firmly as I can.

"Uy matapang! boss! Anong gusto mong gawin namin dito??!" sabi nung lalaki na nasa bandang likuran ko.

Boss? Ha? Ano sila? Gangster? Oh no.

Mula sa pinanggalingan nung unang lalaki, may nakita akong tatlo pang lalaki na gumalaw, lumapit yung boss yata nila yun. At hindi naman sa panglalait pero mas nakakatakot yung mukha niya.

"Mmmm. Pwede to. Medyo matagal tagal din akong bakante."

Bakante?! Ano siya upuan? Kahoy pwede pa. Bwiset. Hindi ko gusto ang mga nangyayari. Alanganin. Lima sila, isa lang ako. 

Hinawakan nung boss yung mukha ko. Iniwas ko ito. "’Wag mo kong hawakan!" I shout, dapat hindi pahalata.

"’Yan ang gusto ko sa babae, matapang."

Hinawakan niya ulit ako. 

"Sinabi nang wag mo kong hawakan eh. You ugly manwhore!"

"Uy! Nagiingles! Boss mayaman yan!" sabi nung isa pang-apat na lalaki.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon