Chapter 43: Dreams

89.3K 1.2K 88
                                    

"They say parting is such a sweet sorrow. But wouldn't it be nice if just once, it didn't have to be?"

-Gossip Girl

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"I think I remember this place." Sabi ko matapos ang mahabang oras nang pag-iisip at hindi pagsasalita habang nasa loob ng sasakyan ni Dominic.

Umalis na kami matapos naming mag-agahan sa bahay nila Erick. Hindi nila narinig yung nabasag na plato. Ako at si Ed lang ang nakakaalam nang kung anong nangyaring pag-uusap sa loob ng kusina.

Ilang beses din akong tinanong ni Dominic kung anong nangyari. Kung bakit hindi ako nagsasalita.

"Walang nangyari."

"Okay lang ako."

"Hindi ako galit."

"Wala na akong sakit."

Yan yung mga common kong sagot sa mga tanong niya.

"You talking to me now?" he asked. Nilingon ko siya  and he's pissed about me being so quiet. Pero hawak niya ang kamay ko, his usual way of driving. I smiled a sweet smile to him.

"Yes."

He's still not looking at me.

"Okay fine. Eh di hindi na ulit magsasalita. Psh!" Inis kong sabi nung hindi niya ko pinansin. Tumingin na ulit ako sa bintana... sa labas.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga  bago magsalita. "Princess, hindi naman pwedeng kakausapin mo na lang ako kung kailan mo gusto di ba?" His voice is soft.

"Sabi nila, if you have nothing good to say. Might as well don't say it."

"So galit ka nga sa'kin? Sabi mo kanina hindi ka galit?" Nilingon ko na siya, and his lips are almost forming into a pout.

Tumawa ako. Nilingon niya ko sandali. "What's wrong?" nakangiti niyang sabi.

Kinurot ko yung pisngi niya. "Ang kyuuuuut mo kasi honey ko!"

"Aw! You should've kissed me instead."

I know he loves this expression. So I tried the puppy dog eyes and the pout all at once. MAHIRAP TALAGA SIYA PARA SA ISANG TAONG HINDI NORMAL ANG PAGPAPACUTE. AMP!

"You don't like me pinching your cheeks?" I asked, habang nagpapacute pa din yung mukha ko.

Nilingon niya ko at nung nakita niya yung facial expression ko, bigla niyang inihinto yung kotse. "Wait. Wait. Stay like that. I need to treasure this moment. you rarely do that cute face." sabi niya yun habang hawak niya yung magkabila kong pisngi ng dalawa niyang kamay at nakatitig lang sa mukha ko. To his dismay, pinalitan ko bigla yung facial expression into a glare.

He shrugged his shoulders then said "Change it. I like your face no matter what."

Binago ko ulit, wacky naman. Hehehe. Picture lang? Duling-dulingan, distorted lips. And he's still holding my face. He chuckled then kissed my lips after

"I told you. I love it any which way."

That made me smile.

"Hindi ka na galit?" he asked.

Umiling ako. "Never did."

"Never did?"

"Except yung hindi pa tayo magjowa ah. " tapos tinaas baba ko yung dalawang kilay ko ng sabay. He chuckled again at nag-umpisa na ulit siyang magdrive.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon