Chapter 2: Hala, Nas'an na?!

206K 3.8K 227
                                    

Patuloy lang ako sa paglalakad. Gusto ko lang maka-layo dun sa lalaking yun. Hay. Nakaka-init nang ulo. Nakakagigil sa sarap. Este sa inis. Nakakagigil sa inis!

Hay. Nasan na ba kasi yung kasama ko?? Kung hindi niya sana ako iniwan sa mall eh di sana hindi ako napa-away. 

Nasan na kaya yung lalaking yun? Kanina pa siya wala ah. Nakipagaway na ako at lahat, tsk!

Inikot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin si Erick.

Si Erick ang bestfriend ko. Ang napakabait, gwapo at mahiyain pero gwapo kong bestfriend. Naging buddy-buddy kami nung inaway siya ng mga tarantadong lalaki nung highschool.

Nasabi ko na bang mabilis uminit ang ulo ko? Well...

So yun nga, may pagka-medyo war freak ako. Yeah may medyo pagka lang.

At ang nangyari nun eh parang sinave ko lang naman siya. At simula nun, hanggang ngayong college na kami pareho, bestbuddies kmi. Ayus no? Hindi niya kasi kayang wala ako.  

Ops. Ops. Ops. Oo na. Alam ko na iniisip niyo, pero uunahan ko na kayo. Wala kaming “something” no. Mag ano lang talga kami, alam niyo na.. mag-bestfriend.

At yung bestfriend na yun ngayon yung hinahanap ko. Habang hinahanap siya, ngayon ko lang naalala kung nasaan ako. Nasa mall nga pala ako. 

Teka-- nasa mall ako??!!!

Huuwwaaaaaaaaat?! At ginawa ko yung ginawa ko kanina?

Yung..

Waaaaaaaaaaahhhh! I need to run!! Run!!

Bwiset! Bakit parang pakiramdam ko nakatingin silang lahat sa akin?! Tsk! Utak naman, bakit di mo pinaalala na nasa mall tayo?! Badtrip ka naman oh!

ERICK!!! WHERE THE HELL ARE YOU??!!!!

YOU GODDAMN SHOE!!!

Goddamn shoe???

Shoe???

“Waaaaah!!” Yung sapatos ko! Erick! Kasalanan mo ‘tong lahat!!

**tugs!!**

“Ah! Aray! Banamanyan oh! Di kasi—“

“Nick? Bakit ka tumatakbo? ‘Di kapa nakatingin sa dinadaanan mo? Sa’n bang punta mo ha? Teka! Wag mo sabihin sa king natat*e ka?! Ano ka ba naman Nick! Sabi nang mag-C.R bago umalis ng bahay eh. Tapos, teka nasan yung isang sapatos mo??"

“Tapos ka na?” tanong ko habang tumatayo sa pangalawang pagkakabagsak ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sa’kin. Hinila ko siya palabas ng mall.

We need to get out of here.

"SO okay ka na ba? wala bang masakit sayo? tsk! kapag nakita ko yung lalakeng yun."

 Nakwento ko na kay erick kung anong nangyari, at kung makapagsalita naman ‘tong bestfriend ko kala mo ubod ng tapang.

"At bakit? Ano namang gagawin mo kung makita mo siya?"

"Susuntukin ko yun! Ipahiya daw ba ang bestfriend ko??" 

"Susuntukin talaga ah. Eh kung kumilos ka nga, parang ikaw yung babae sa ‘ting dalawa eh.."

"Ano ka ba? Nag-iba na ko ‘no. I've become a stronger man." At nagpose siya na parang si Hercules, o si Johny Bravo. Di ko lang sigurado. Medyo nakakalito.

"Weh?! Tama na nga ‘yan! Halika na uwi na tayo. Mahipan ka pa ng masamang hangin."

"Tsk! Ito naman oh." Sabay akbay sa ‘kin. Gawin daw ba kong patungan ng kamay?! "Teka. Uuwi ka ng isa lang sapatos mo?"

Tapos naalala ko na naman, napatingin ako sa paa ko. Nasaan na kaya yung sapatos ko? Baka gamitin yung ebidensiya laban sa’kin. Pero, hayaan mo na nga, wala naman sigurong makikitang finger print dun. "Mmmm.. Oo?"

"Tsk. Bumalik na lang tayo sa loob ng mall. And I’ll buy you another pair of 'goddamn shoes'" and he said that with a smirk. 

"Wag na!" Ako naman ang nagsmile ngayon, ang demonyita kong smile!

"Oh no. Ano na namang iniisip mo? ‘Wag mo sabihing...” At bigla akong sumampa sa likod niya.

"Hehehehe! Goddamn shoes pala ha! Pasanin mo ko ngayon hanggang sa makauwi tayo. I swear you'll hurt your goddamn back!"

NAIHATID na ako ni erick sa bahay. Kawawa naman ang bestfriend ko, pero kasalanan naman niya eh. Inasar niya ko.

Nag-inat-inat siya habang hinimas ko yung likod niya. Sa kanya lang ako ganito, komportable kasi ako sa kanya. Sa kanya lang talaga ako komportable. I can talk to him about everything. As in lahat.

"Hindi ka ba magso-sorry sa’kin?” tanong niya, humarap siya sa’kin kaya ibinaba ko yung kamay ko na humihimas sa likod niya.

“You wish.”

He just smiled. Hinawakan niya yung ulo ko sabay gulo nang buhok nito.

"Pumasok ka na sa loob ng bahay niyo, may party ka pang pupuntahan di ba?"

Tumingin ako sa bahay na tinutukoy niya. Malaki. Maganda. Bongga. Pangmayaman. Pero hindi naman yun ang bahay ko.

Hindi ako dito lumaki. Hindi ito yung bahay na inuuwian ko nung grade 1 pa ko habang sasabog ang mukha ko kasi nakipag-away ako sa classmate ko.

"Hindi naman yan ang bahay namin eh."

Bulong ko sa sarili ko, and somehow naintindihan ni Erick ang lungkot sa mga mata ko. And he give me another smile. A very encouraging smile. Then he slightly push me forward to that house. 

Huminga ako ng malalim. And I started walking towards that big unfamiliar house. Nung nasa gate na ko, naramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa.

1 message

received

..

..

..

See you at the party. ;]

I looked at him one more time and smile. He always makes everything more bearable.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon