Chapter 47: Tragic

77.3K 1.1K 109
                                    

This one is dedicated to her. because. Kachat ko siya habang sinusulat ko yung last part ng chapter na to.. at dahil sa good words niya towards my work.. ginanahan tuloy akong magsulat..

anyways. kung ano man mabasa niyo sa bandang dulo.. siya sisihin niyo. wag ako! hahahaha!! JK!

basta. walang violent reactions ah.

ay pwede pala yun..

basta wag niyo muna ako patayin..

hehehehe..

heto na UPDATE!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang minuto din kaming nakatayo lang dun. Me. Waiting for dominic to show up. Ed. Waiting for me to realize that it's not gonna happen.

"I'm sorry Nicole. I should've known that she'll do this. I should've let go of you earlier."

"You did what you have to do." Tumalikod ako kay Ed. Tumalikod ako sa mga eroplanong nandun. Tumalikod ako sa pag-asang magpapakita si Dominic. Na hindi siya sumama kay Cassandra. Na hindi niya ko iniwan. Na hindi niya ginawa sa'kin yung ginawa ko sa kanya. Na hindi siya sumuko. Tinalikuran ko lahat yun.

Bumuhos na naman ang mga luha ko. Wala na nga si Dominic. Kasalanan ko naman lahat. Tinulak ko siya palayo at nung lumayo siya tsaka ko siya hahabulin? Ano? Tanga-tangahan lang?

It's your fault Nick. You suffer. You pay. 

Nagpatuloy ako sa paglakad palayo. Nagpatuloy din yung mga luha ko sa trabaho nila.

Kung sana hindi ko na lang siya binato ng sapatos ko nun. Kung sana hinayaan ko na lang siya sa pagbangga niya sa'kin. Kung sana hindi ako nakipagdeal sa kanya. Kung sana hindi na lang kami nagkakilala. Hindi ko siya minahal. Eh di sana hidi ganito nararamdaman ko ngayon.

Kasalanan mo to Nick. Kasalanan mo lahat.

Napahawak ako sa noo ko nung nabangga ako sa isang lalaki. Si Ed siguro.

"Nicole!" Si Ed, pero bakit parang sa likod nanggagaling yung boses niya? Biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Hindi ako kaagad nakatingin sa mukha ng lalaking nasa harap ko. Pa'no ko nalamang lalaki? Yung sapatos kasi na suot niya, panglalaki.

lab-dub

lab-dub

lab-dub

"Domin---"

"Miss okay ka lang?" Pagtingin ko. Stranger.

"Ahh. Hay. I'm not okay." Sabi ko sa lalaking nasa harap ko.

Ngumiti siya na parang nakakaloko. "I can make you feel better ---"

"She's fine mister. She's with me. Now if you don't mind. LEAVE." Dumating si Ed sa tabi ko at umalis naman yung lalaki.

Tinignan ko si Ed tapos napangiti ako. "For a second, I thought he's Dominic." Bumalik na naman yung mga luha ko. Yumuko ako bigla tapos pinunasan ko yung luha ko.

"Ihahatid na kita. You're tired. It's been a lo--"

"No. I think I want to be alone. Umuwi ka na. I can handle myself." Tinignan niya ko with doubt.

"Are you sure?" Tumango ako. "You'll send me a message if something went wrong, right?"

"I won't. Kaya umuwi ka na."

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon