Chapter 17: ABC Song

109K 2.1K 84
                                    

"Princess?"

"Mmm?" Nilingon ko siya and I saw him smiling at me. He's holding something.

"I want to do this the right way."

Naglaho ang eksena dahil sa malakas na katok sa pinto. I opened my eyes.

**TOK!TOK!TOK!**

"Teka lang." sagot ko sabay hikab. Bumangon ako sa kama ko. Badtrip! Kung kailan ba naman interesting na.

**TOK!TOK!TOK!**

See? Tama ba ang ginagawa ng mga to sa kin?

Binuksan ko yung pinto at nakita ko si ate Julia sa labas.

"Anong problema?" sabi ko habang tinatanggal yung muta ko.

"Ahmm… Ano kasi…" halatang kabado at takot si Ate Julia habang iniisip niya ang mga tamang salita sa tanong ko.

Biglang may narinig ako sa baba na parang nagtatalo. Hindi. Walang pagtatalong nagaganap. Isang boses lang yung naririnig ko at mukhang hindi siya masaya.

"Nandito siya?!" tanong ko ulit. Tumango lang si ate Julia. Dali-dali akong bumaba ng hagdan. She's here.

OH NO!

Tumahimik ang sala pagdating ko. They're all staring at me. She.  Mrs. Madrigal. And my boyfriend.

I mean Dominic.

"Anong meron?" kunwari wala kong pakeng tanong. I don't want any silent moment.

"Huh!! Look at her Cecilia. Look at your 'lovely daughter'. See? She's up to no good!" narinig ko ang raspy voice niya. Tss. Kailan kaya darating ang panahon na may magandang sasabihin tong si tanda patungkol sa kin?

"Mom. Stop it." mahinahong sabi ni Mrs. Madrigal

Yup. You read it right. Nanay niya siya. So that makes her my lola. And she hates me. She DESPISE me.

"Princess, kumain ka na ba?" tanong sa’kin ni Mrs. Madrigal na may kabadong ngiti sa labi. Umiling ako at tinanong kung ano ba talaga ang nangyayari at bakit galit na naman si tanda.

“Tss! You don't know what's going on?" tumingin siya kay Dominic. "Why don't you tell him hijo?!" sabay taas ng isa niyang kilay.

Nakita kong magsasalita si Dominic pero biglang nagsalita si Mrs. Madrigal.

"Mom. Let it go. She's my daughter and they're at my house. Ako ang kakausap sa kanilang dalawa."

kalmado pa rin siya, pero ramdam mo yung pagiging seryoso niya.

Gulat na gulat yung itsura ni tanda. "You're now talking to me that way now huh?!" tapos nilingon niya ko. "You're contaminating this house! You breedless unmannered creature!" sigaw niya sa kin. Huminga siya ng malalim sabay dugtong ng…"this is UNBELIEVABLE!"

"Wala kong hinahawaan ng kung ano sa bahay na to." sabi ko. Eh sa wala naman talaga. Just saying the truth.

"Princess." Saway sa ‘kin ni Mrs. Madrigal. Kung di lang talaga siya mabait. Hay. I rest my case at nanahimik na lang.

"Ha! Walang duda. Manang mana ka sa mga nagpalaki sa'yo." Ako pa din yung kausap ni tanda. Ako lang naman kinakaputok ng butchi niya eh. Ang buong existence ko. Ayaw niya sa pagkatao ko.

"Ano?!" inis kong tanong.

"I've done a background check of your foster parents. And I've discovered that you're father got your mother pregnant when she was 18. Am I right?" Nakangiti siya sa kin. Ang maldita niyang ngiti. "Hindi ako magtataka if a month or two I'd receive a news that you're pregnant. Lumaki ka kasi sa piling ng malanding babae at makating lalaki."

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon