Forty Nineth

3.3K 98 1
                                    

Alden's Point of View

Date? Date? Anong klaseng date ang gagawin ko? Kung dinner date naman ay masyado ng common. Kapag date sa mall at manunuod ng movie ay paniguradong boring naman. Napasandal ako sa may pader at saka nagkamot ng ulo. Ang hirap mag-isip ng romantic date na kakaiba, paulit-ulit na lang kasi namin 'yon ginagawa. Monthsary pa naman namin ngayon. Ayoko naman na madismaya ko lang siya dahil sa walang kwentang surpresa ko sa kanya.

Inilibot ko ang mata ko sa kwarto at biglang may pumasok na sa isip ko. Kinuha ko 'yung susi ng sasakyan ko at pumunta sa mall. Mamimili ako sa national book store ng mga kakailanganin sa surpresa ko.

'Pagtapos ko mamili ay naghanap ako ng printan ng pictures. Buti na lang at may mga naka save sa cell phone ko kaya ito na ang ginamit ko.

Tinawagan ko si Ate Niki para gawin itong kasabwat. "Ate Niki, kasama mo po ba si Maine?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

Habang pabalik na ako sa parking lot ay iniisip ko kung paano ko mapapaalis si Maine sa bahay nila, buti na lang at nasa biyanan niya si Ate Niki.

Pinaliwanag ko sa kanya ang plano ko at natuwa ito. "Gano'n ba? Sige, papapuntahin ko siya rito at kunwari ay may sakit ang pamangkin niya." Humagikgik ito sa kabilang linya.

"Papunta na po ako sa kanila, text mo na lang ako kapag nandiyan na siya." Nagpaalam na ako sa kanya at nagmaneho na papunta kela Maine. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Iniisip ko kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang surpresa ko. Pati tuloy ako ay naeexcite!

Nung kumatok ako ay nagulat sila lola Nidora. "Nako, Ijo, kakaalis lang ni Maine." Napatingin naman siya sa mga dala ko.

"Opo, alam ko. Sa katunayan po ay ako ang nagpaalis sa kanya. Inutusan ko po si Ate Niki na papuntahin si Maine sa kanila para magawa ko po ang surpresa ko."

Tumango naman siya at pinapasok na ako. Inalok pa ako ni lola na magmeryenda muna kaso tumanggi ako, uunahin ko muna ang misyon ko para matapos narin ako.

Malinis ang kwarto niya, naka organize ang mga gamit. Pati nga ang mga stuff toy na ibinigay ko sa kanya, pati pala ang mga bulaklak na ibinibigay ko ay itiniatago niya kahit bulok na. Ngayon lang ako naka pasok sa kwarto niya at namamangha ako masyado sa mga nakikita ko.

Sa pagtingala ko sa mga stuff toys ay nakita ko si Minnie mouse na ibinigay ko sa kapatid ko noon, na ibinigay naman sa kanya. Destiny! Pero bago pa ako mawala sa sarili ko ay dinampot ko na ang paper bag na naglalaman ng kung anu-ano.

Sinimulan ko ang mga pictures namin na idikit sa iba't ibang kulay ng papel. Bawat litratong nahahawakan ko ay naalala ko ang mga bagay na ginawa namin sa araw na iyon. Katulad na lamang ng nasa Enchanted Kingdom kami, first picture namin ito at blured pa. Napangiti naman ako dahil kaya ito naging gano'n ay dahil nanginginig daw siya sa kaba kaya hindi niya nakuhaan ng maayos. Tapos hindi na namin nagawang ulitin pa dahil abala na kami sa pag-iikot. Sobrang espesyal sa akin ng araw na iyon. Parang isang panaginip ang lahat, perfect place with a perfect girl.

Bago pa ako mabaliw sa kilig ay tinapos ko na idikit ang mga litrado. Tapos ay itinali ko ito sa dulo ng lobo, para kapag lumutang ito sa kisame ay nakalawit ang mga litrato namin. Tapos binombahan ko rin ng hangin ang kulay gintong lobo na hugis letra at idinikit ito sa pader.

Siyempre hindi ko malilimutan ang message ko para sa kanya. Sa sticky note ko na lang isinulat ang mga ito para madaling idikit sa pader. Isinulat ko na ang gusto kong isulat doon at halos mapuno na ang kanyang pader. Iba't ibang kulay at mensahe.

May kulang? Ah, oo. Muktik kong malimutan ang bulaklak. Lumabas ako ng bahay at sinundan lamang ako ng tingin ng mga lola at nagsingitian. Sa malapit na bilihan na lamang ako bumili para makabalik narin agad. Baka sa kahit na anong oras ay bumalik na si Maine tapos hindi pa ako nakakabalik.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now