Omegle 10

3.7K 137 10
                                    


You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Maiden

Tama nga si Ate na hindi ko lang dapat isawalang bahala ang mga nangyayari, na baka may dahilan lang kaya nawala ang connection. Masyado lang kasi akong nagpapadala sa emosyon ko kaya naman nagiging ganito ang bawat bagay. At tignan mo ngayon, isang search pa lang ay nahanap ko na agad siya. Maniniwala na talaga ako sa "'Wag madaliin ang mga bagay-bagay. Wait for God's right timing."

Stranger: Sana sumagot ka na this time. Hoping....

You: Ikaw kaya ang nawawala tuwing sasagot ako.

Stranger: Sorry, sobrang tagal mo kasing sumagot and I don't have any idea kung nababasa mo ba. Tiyaka nawalan lang naman talaga ng internet connection kahapon at 'yung kanina dinisconnect ko talaga pero nung i-rerefrsh ko na hindi na kita nahanap. I have reasons...

You: May reasons din naman ako, ah.

Stranger: Kung ano man ang reasons mo ay naiintindihan ko naman. Apology accepted.

You: What the? Hindi pa nga nagsosorry, apology accepted na agad?

Stranger: Oo, para hindi na humaba ang usapan. Doon din naman pupunta 'yon haha.

Stranger: Anyway, namiss kita. Namiss mo rin kaya ako?

Gusto kong sumagot ng "Oo, sobra kitang namiss at halos mabaliw na ako kakaisip sa'yo." Kaso baka ang landi lang. Mamaya, lahat pala ng nakakachat niya rito ay sinasabihan niya niyan. At isa pa napaka over acting naman 'non, kakakilala lang namin at hindi pa nagkikita tapos ganyan na gad ang i-aasta ko.

You: Medyo, wala na kasi akong kausap na medyo mahangin.

Stranger: Masyado mo namang namiss ang kagwapuhan ko. Don't worry nandito na ulit ako. Pahug nga.

You: Ayan nanaman po tayo. Hahahha

Kahit medyo mahangin ang taong ito ay nagagawa niya akong pangitiin. Nakakawala siya ng problema.

Stranger: Buti hindi ka pa pagod.

You: huh? Bakit naman ako mapapagod?

Stranger: Kasi nung nakaraan ka pa tumatakbo sa isipan ko, eh.

You: Sus.

Stranger: Sus ka diyan?

Stranger: HAHA

Ay teka nga pala, tulad nang napagkasunduan at an ipinangako ko kay Lord. Kapag naka chat ko ulit si Alden ay makikipag skype narin ako sa kanya para naman ma-clarify ko na ang baay na nararamdaman ko. Kaso paano ko sasabihin ito?

You: Ahm.. Alden?

Stranger: Yup?

You: May skype ka ba?

Stranger: Pick up line ba 'yan o nagtatanong ka?

Stranger: Hahaha. :)

You: Nagtatanong ako. Gaya mo ako sa corny mong pick up line.

Stranger: Sus, kinilig ka lang, eh.

Stranger: Yup, mayro'n akong skype. Bakit ba?

You: Tara, skype tayo..

Oh, God. Pakapalan na ng mukha ito, 'wag na magpatumpik-tumpik pa at baka pagsisihan ko nanaman ito.

Stranger: Sure ka? Hahaha. Ngayon na talaga?

You: Oo mukha ba akong nagbibiro? Hahaha hindi naman ngayon. Ikaw, kung kailan ka p'wede?

You: Okay lang naman kung ayaw mo. I'm not forcing you to say yes.

You: I'm just asking.

Stranger: Ang dami namang sinabi. HAHA Okay lang sa akin. Sabihin mo lang kung kailan. Okay? Okay.

You: Friday night?

Stranger: Sure.

Stranger: Akin na skype name mo. Ako na lang ang mag-aadd sa'yo.

You: mainedcm.

Stranger: Okay, got it.

Stranger: Seryoso ka talaga? Hahaha

You: Oo nga. Para naman hindi puro omegle lang. May ibang communication parin tayo.

"Meng! Kakain na. Bumaba ka na diyan!" Dahil sa sigaw na 'yan ay nairita ako. Nag-uusap pa kami pero paniguradong hindi ako tatantanan ni ate sa pagtawag. Pero ayos lang, magskype rin naman na kami sa friday kaya onting tiis na lang.

You: Kailangan ko na umalis. Tinatawag na ako sa baba, eh.

Stranger: Ah, sige. Ayos lang. Bye!

You: Sige, sa friday na lang. Bye.

You have disconnected

Magtitiwala naman ako sa taong ito na makikipagskype siya sa akin at hindi niya ako bibiguin. Kaya naman excited na ako. Napawi na ang malulungkot at pag-aalalang araw na naranasan ko.

(Dahil 'Tamang Panahon' na bukas at team bahay ako, mag-uupdate lang ako ng mag-uupdate para matapos na ito. Enjoy.)


Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now