Thirteenth

4.2K 136 13
                                    

Umiiyak ako ngayon. Grabe naman kasi itong One More Chance, eh, grabe lang sila Bea at John Lloyd. Damang-dama mo 'yung sakit sa mga mata nila. Bawat pagtulo ng luha ay pakiramdam ko ay ako ang nasa sitwasyon.

Nagmovie marathon ako ngayong gabi. Pang pito ko ng movie 'to at ito ang pinakaluma pero malakas parin ang impact sa damdamin kahit paulit-ulit na.

"Lahat na ginawa ko. Ano pa bang gusto mong gawin ko? Putang ina naman, Bash. Ganyan ka ba katigas?"

'Yung sipon ko tumutulo na at habang inaabot ko ang tissue sa may lamesa ay may nagpop out na video call. Sinagot ko ito.

"Hmm." Bungad ko habang sumisinga. Wala nang arte-arte pa.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

Iniharap ko 'yung screen ng laptop ko sa T.V at ipinakita ang pinapanuod ko, bahagya siyang tumawa.

"Masyado namang madrama ang pinapanuod mo." Humalakhak na siya sa pagtawa pero sumeryoso rin naman agad siya. "Sayang lang dahil wala ako sa tabi mo para punasan ang mga luha mo."

Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Ang sweet naman kasi, ideal boyfriend ang isang ito.

"'Wag ka na ngang manunuod ng ganyang klaseng palabas."

"Bakit naman?" Pinupunasan ko pa ang luha ko.

"Sa susunod ka na manuod kapag nandiyan na ako sa tabi mo. Para paniguradong may magpupunas na sa luha mo at may balikat ka na mapagsasandalan ng ulo mo."

"Taray naman." Ayan na lang ang nasambit ko dahil kinikilig ako. "In fairness nakakakilig." Pinipilit ko parin na pigilan ang kilig ko.

"Pero hindi ka naman mukhang kinikilig." Para itong nagtampo at biglang lumungkot ang itsura.

"Huh?" Pagtatakang tanong.

"Biro lang." At saka siya ngumiti nang mapakla.

Ang cute lang, kaya naman ay napangiti na ako abot hanggang tainga. "Haha ang cute mo." Pang-aasar ko.

At sawakas ay ngumiti na siya nang hindi sapilitan. Ang dimples po, ano po. Ang pogi!

***

Habang naglalakad ako sa loob ng mall para maglibot hindi ko nanaman inaasahang makita si Krystal. Buti na lamang at hindi niya ako nakita kaya agad nalang akong lumayo sa pwesto kung nasaan siya at nagsine na lang muna ako. Tahimik na ang buhay ko kaya hindi ko na kailangan pang magulo pa ito.

"Wish I may, wish I might.. Find a way to your heart.. Lalala-lalalala.."

Hindi ko alam pero narinig ko na lang ang sarili ko na humuhuni nang kinanta niya sa akin nitong nakaraan. Na-LSS na siguro ako.

Pero napansin ko lang din sa sarili ko na, wow. Wala na akong naramdaman na kahit anong galit kay Krystal. Dahil isa 'tong good news ay lumabas na ako sa sinihan at pumunta sa isang coffee shop. Binuksan ko sa cell phone ko ang skype para tignan kung online si Alden and the good thing is online nga siya kahit madaling araw na sa kanila.

"Nasaan ka?" Tanong niya sa akin.

"Nasa mall." Hindi ko na napigilan at ikukwento ko na 'to. "Alam mo ba nakita ko si Krystal kanina rito sa mall. Naisip kong lumayo na lang muna para wala nang gulo pero! Aldeeeen.. Wala na akong naramdamang galit, inis o kahit sama ng loob. Wala na and I think I'm ready to talk with her." Ngiting-ngiti pa ako.

'Yung mukha niya ay hindi mapinta. Napanganga pa tuloy ako.. Oo nga pala, wala pala akong binanggit na name sa kanya noong nagkukwento ako.

"Sorry.. Nalimutan ko, siya 'yung kinukwento ko dati sa'yo. 'Yung kaibigan kong naging boyfriend 'yung lalaking gusto ko. Siya si Krystal."

"Ah, oo naalala ko na." Pumalakpak pa siya nang mahina. "Good for you, Meng. Sabi sa'yo mawawala rin ang galit. O, edi anong balak mo na ngayon? Kakausapin mo na ba siya?"

"Hindi ko pa alam. Pero dahil malapit narin naman ang mag christmas siguro before this month ends ay magkakaayos na kami."

Nagtumbs up siya sa akin at kumindat. "Yes, wala ng Sam sa puso mo. P'wede mo na siya palitan ng Alden." Tumawa siya.

"Ay medyo mahangin nanaman po. Natanong mo na ba sa mama mo kung saan ka pinaglihi? Siguro sa hangin. Haha."

Tumawa narin tuloy siya. "Anyway, nakakainis 'tong mga katabi ko." Pagrereklamo ko sa kanya.

Paano ba naman kasi masyadong naglalampungan, hello may ibang tao po sa paligid. May ibinigay pang stuff toy doon sa babae at ito namang si ate todo hagikgik na parang kinikiliti ang ngalangala.

Pinakita ko pa nga kay Alden at natawa lang siya sa reaksyon ko. Bumubulong pa ako ng, "Walang forever."

"Ang bitter mo, Meng." Niyakap niya ang unan niya at nag-unat. Nararamdaman ko nanamang inaantok siya pero sa oras na 'to magpapakaselfish muna ako. Akin na muna ang oras niya kahit ngayon lang ako. Ngayon lang naman 'wag niyo na akong hadlangan.

"Kasi naman, eh."

"Teka ano ba address mo?"

"Bakit?" Bakit niya tinatanong.

"Basta." Pagpilit niya sa akin.

"Sa *** St. **** Subdivision ***" Sinabi ko sa kanya kung saan ako natira at bigla siyang natawa.

"Ay akala ko sa number 21 Amplaya St. Bitter ako Subdivision, eh." Halakhak na ang tawa ng isang ito kaya sinimangutan ko lang siya. Akala ko naman kung anong gagawin niya sa address ko, ayun pala ay mang-aasar lang siya. Kaininis.

"Ewan ko sa'yo. Sumasakit lang 'yung puson ko sa'yo, eh." Ininom ko na ang natitirang drinks ko at inayos ang gamit para umalis na. "Matulog ka na, uuwi na ako. Good night." Sa pagsabi ko ng good night ay may tumingin sa akin. Nagtataka siguro na ang liwanag pa sa labas pero good night ang sinasabi ko. Pero ano bang paki niya? Wala na siyang pake doon.

"Sige, ingat ka sa pag-uwi mo. Bye."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now